RE : Thirteen

969 30 0
                                    

Pinilit kong iwasan si Samuel. Hindi ako pumasok sa shop pero intact naman ang koneksyon namin ni Pia. In-off ko din ang phone ko kaya naman malabong makontak nya talaga ako. Isang linggo na yung lumipas at aminado naman akong miss ko na din sya pero kailangan kong gawin ito dahil para din naman sa amin itong ginagawa ko.

Nasa sala ako noon at nagkakape habang nanood ng tv ng lumabas ng kwarto nya si Dane na pupungas pungas pa ng mata. Mukhang kakagising lang ng bruha kahit pa anong oras na.

"Uy tinanghali ka ata. Porke ikakasal ka na sa apo ng boss mo e ganyan ka na?" Pinagtitripan ko lang naman sya kaya naman natawa na lang ako ng malukot ang mukha nya sa sinabi ko.

"Hindi no. Naka leave ako ngayon dahil pupuntahan namin ni Thomas yung bridal shop na kilala niya." Napatango na lang ako. Nang magpunta sya sa kusina e sumunod na din ako.

"May date na ba kayo ng kasal at parang nagmamadali naman ata kayo bigla?" Hinarap ako ni Dane ng may kakaibang kislap ang mata kaya naman napakunot noo na lang ako.

"I know what your thingking but wrong Im not pregnant. Gusto na lang daw talagang magka apo ng lolo nila dahil baka bigla na lang daw syang mawala e hindi man lang sya makakita ng apo sa tuhod." Simpleng sabi nya.

"Sabagay matanda na din lolo nila Mela kaya ganun na sya magmadali." Nakangisi kong sabi na ikinaikot na lang ng mata ni Dane. "Hala pa-virgin pa. Tigilan mo nga ako Dane dahil alam ko naman na ginawa nyo na iyon. Si Tommy pa ba e galing ng ibang bansa iyon." Nang hindi nya ako sagutin e napatunayan kong totoo ang nasa isip ko.

"Grabe ka Reese ah. Huwag ganun kasi hindi ako sanay." Hinila ko ang buhok nya na ikinasigaw nya. Arte e.

"Masanay ka man o hindi e wala ka ding choice dahil ikakasal ka na." Bigla lang nya akong tinignan ng seryoso kaya naman nawala ang ngisi ko. Nang magsimula syang maglakad palapit sa akin e kinabahan din ako.

"Bakit dont tell me ikaw din hindi na pabebe? May nangyari na sa inyo ni Samuel?" Nanlalaki ang mga matang tanong nya na sinagot ko lang ng tango. "Ang bilis ah. Kami nga ni Thomas inabot muna ng isang taon bago ginawa iyon tapos ikaw?" Sarap batukan ng isang ito. Hindi ba sya na-inform na hindi na big deal iyon ngayon.

"Matanda na naman tayo e para hindi maranasan iyon e. But anyway mauna na akong maligo at pupunta ako sa shop."

"After a week ngayon ka lang papasok ah. May problema ka ba?" Nagkibit balikat lang ako saka tumuloy na sa banyo. AYoko na munang ipaalam sa iba ang issue naming dalawa ni Samuel. Nakakahiya kasi na bago pa lang kami tapos ganun na agad.

Pagdating ko naman sa shop eh sinalubong ako ng isang bungkos ng puting rosas. Tatanungin ko na sana si Pia kung kanino galing iyon pero ng makita syang makahulugang nakatingin sa akin eh napagtanto ko ng kay Samuel galing iyon.

"Next time magpadala sya ng kahit ano eh ipabalik mo." Nalaglag ang balikat nya sa sinabi ko.

"Reese maawa ka naman sa tao. Sa loob ng mga araw na wala ka e panay ang pagtambay nya dito. Yung tipong kahit nagsisinungaling na ako e hindi pa din sya naniniwala. Kahit nga si Luigi e ayaw na din akong tantanan e." Pinanlakihan ko sya ng mga mata kaya napanguso na lang sya. "Kasi naman e.." Ungot pa din nya na ikinaikot ng mga mata ko.

"Ah basta huwag mong sasabihin na nandito ako ngayon." Sa kabilang kanto ko naman pinark yung sasakyan ko kaya kampante ako na hindi nya malalaman na nandito ako. Nang lumabas sya eh sinimulan ko na ang paggawa ng bagong brochures namin. Marami kasi akong nakuhang feedback eh so ayun yung ibang pangit sa services eh inayos ko .

Feel My Love (DOREMI Series #2)Where stories live. Discover now