Two

44.6K 776 9
                                    

Chapter 2
Picnic

**

Pagdating ng araw ng Sabado ay sinundo nga ako ni Niel sa bahay namin. May dala siyang isang basket na may lamang mga pagkain. Umangkas ako sa likod ng bike niya at saka kami umalis para pumunta sa lugar kung saan niya gustong mag-picnic kami.

Hindi ko talaga alam kung bakit bigla na lang naisipan ni Niel na mag-picnic. And take note, kaming dalawa lang. Hindi niya talaga isinama sina Bree at Saff. Madalas kasi ay magkakasama talaga kami. Pero mas madalas pa rin na kami nina Bree at Saff ang magkakasama.

"Kumapit kang mabuti," dinig kong sabi niya.

Nagtaka ako nang sabihin niya iyon. Iyon pala ay medyo lubak-lubak na ang daan. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napansin kong nasa loob pa pala kami ng subdivision kung saan kami nakatira. Iyon nga lang, napunta na kami sa malayong part ng subdivision kung saan puro damuhan na lang ang nakikita. Hindi pa kasi natatayuan ng mga bahay ang buong lote ng subdivision dito. Sa bandang unahan pa lang ang napapatayuan ng mga bahay at dito sa dulong parte ay hindi pa napapatayuan.

Ngayon ko lang na-realize kung gaano kalaki ang subdivision na ito. Hindi naman kasi ako masyadong nagagawi sa part na ito. Malapit lang naman sa entrance ng subdivision ang bahay namin. Nakapagtataka nga na alam ni Niel ang lugar na 'to samantalang ako ay hindi. Hindi naman kasi siya tagarito sa subdivision. Sa labas pa ng subdivision ang bahay nila.

"Niel, paano mo nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko sa kanya.

"Nakita ko lang nang minsang libutin ko itong buong subdivision. Hindi pa pala napapatayuan ng mga bahay ang part na 'to," sabi niya.

Napatango na lang ako. Hindi ko alam na naglilibot pala siya rito.

Mga ilang sandali lang ay huminto na kami kung saan mayroong nakatayong puno. Ayos din pala itong napili niyang pwesto. Malilim dahil sa puno.

Kinuha niya ang basket na dala niya. Inilabas niya mula roon ang isang mat at inilatag sa damuhan. Pagkatapos ay umupo na kami.

Napabuntong-hininga ako at ngumiti. Pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap naman dito. Mukhang babalik-balikan ko na ang lugar na 'to paminsan-minsan kapag gusto kong mapag-isa.

"Gusto mong kumain?" tanong ni Niel.

Napadilat ako at napansing nakatingin siya sa'kin. Tumango ako kaya inilabas na niya ang mga pagkain. Habang ginagawa niya iyon ay tinanong ko siya.

"Bakit mo pala naisipang mag-picnic? Saka bakit tayong dalawa lang?" tanong ko.

Sumulyap siya sa'kin saglit bago ibinigay sa'kin ang isang sandwich. Tinanggap ko iyon at kinain.

"Wala lang. Kailangan ba may dahilan?"

"Oo naman. Kailangan 'yon. Ngayon mo lang kasi ako niyaya ng tayong dalawa lang, eh. Nakakapagtaka naman," sabi ko.

He sighed. "Actually, matagal ko nang gustong gawin 'to. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na yayain ka."

"Bakit nga?"

Imbes na sumagot ay tinitigan niya lang ako. Napalunok ako. Nakakailang ang ginagawa niyang pagtitig sa'kin. Actually, sa tuwing tinititigan niya ako ay naiilang ako. May something kasi sa titig niya na hindi ko ma-explain.

Nanatili lang kaming nakatitig sa isa't isa. Mga ilang sandali lang ay bigla na lang siyang ngumiti. Bigla naman akong nasamid. Napaubo ako dahil doon.

Jusko naman! Bakit ba bigla na lang siyang ngumingiti? Hindi ba siya aware na mas lalo siyang gumugwapo kapag nakangiti?

Agad niya akong binigyan ng tubig. Ininom ko naman iyon agad. Napabuntong-hininga ako matapos kong mahimasmasan.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon