Tuwing Tuesday kasi ay hindi ako sumasabay sa kanila. May iba akong kasama.

Nang matapos ang araw na iyon, agad akong lumabas at dumiretso sa school malapit sa school namin. Maghihintay ulit ako sa waiting shed kung saan ko siya hinihintay every Tuesday. Pupuntahan ko si Niel. Si Nathaniel Marquez, ang kaibigan ko simula pagkabata.

Nakilala ko siya noong birthday ng Lolo ko. Naging magkaibigan ang pamilya namin kaya madalas siyang nasa bahay namin. Simula noon, hindi ko na siya tinigilan. Nakipagkaibigan ako sa kanya. At dahil sa kakulitan ko, naging magkaibigan kami. He became my best friend.

Hindi nga lang kami pareho ng school kasi siya college na at ako, high school pa lang. Pero malapit na rin naman akong grumaduate. Balak ko nga, sa school na lang niya pumasok. Besides, maganda rin naman sa Sunville University. Mahal ang tuition doon pero scholar siya kaya siya nakapasok. Hindi naman kasi sila mayaman, pero hindi rin naman mahirap. Sapat lang.

At heto, every Tuesday kami nagkakasabay na umuwi sa school. Tuesday lang kasi parehas ang oras ng uwian namin. Siya rin mismo ang humiling na sabay kaming umuwi tuwing Tuesday kaya pumayag ako.

Pagkarating ko roon ay sakto namang naglabasan na ang mga estudyante sa school. Napatayo ako. Hinintay ko siyang lumabas. Mga ilang sandali lang ay nakita ko na nga siyang lumabas kasama ang mga kaibigan niya.

Nakita niya ako kaya tumakbo agad siya papunta sa'kin. Narinig ko naman ang pagsipol ng mga kaibigan niya nang makita ako.

"Oh, nandiyan na pala ang girlfriend mo. Alis na kami, Niel," sabi ng isang kaibigan niya. Hindi ko naman maiwasang mapakunot-noo at mapabuntong-hininga nang sabihin iyon ng kaibigan niya.

"Tara na," sabi ni Niel sa'kin at saka ako inakbayan. Sumunod na rin ako sa kanya sa paglalakad papunta sa sakayan ng tricycle.

"Kailan mo ba sasabihin sa kanila na hindi mo ako girlfriend? Saka tanggalin mo nga 'yang kamay mo sa balikat ko. Kaya tayo napagkakamalang mag-boyfriend, eh," sabi ko. Pero hindi niya tinanggal ang kamay niya. Mas lalo lang niya akong inakbayan.

"Hayaan mo na. Para hindi ka nila pormahan," sabi nila.

Natawa ako. "At bakit naman nila ako popormahan?"

He shrugged. "Kasi maganda ka? Mabait? Sexy? Masarap kasama?"

Bahagyang nag-init ang pisngi ko nang sabihin niya iyon. Minsan talaga bigla na lang niya akong sinasabihan ng ganyan. Pero mas madalas niyang sabihin na maganda ako. Feeling ko tuloy ako na talaga ang pinakamaganda sa lahat.

"Huwag mo nga akong bolahin. Wala akong panlibre ng fishball kaya manahimik ka," sabi ko at bahagyang natawa.

Tumawa na rin siya. Sakto namang may nadaanan kaming nagtitinda ng fishball malapit sa sakayan ng tricycle. Bigla niya akong hinila papunta roon.

"Hoy, Niel! Kasasabi ko lang wala akong panlibre ng fishball, eh," reklamo ko.

Tumingin lang siya sa'kin at kumuha ng dalawang stick. "Huwag kang mag-alala. Ako ang magbabayad nito."

Napangiti na lang ako. Siya na ang naglagay ng fishball sa isang stick at saka ibinigay sa'kin. Isinawsaw ko naman iyon sa suka bago kinain. Ganoon din ang ginawa niya.

Matapos naming kumain ay sumakay na kami ng tricycle pauwi. Natutuwa talaga ako kapag sumasakay ng tricycle. Minsan ko lang kasi masakyan ang ganito. Kapag pumapasok kasi ako sa school o nagpupunta sa mall ay lagi akong naka-kotse. Dahil kasabay kong pumasok at umuwi sina Saff at Bree, kotse nina Saff ang gamit namin. May sasakyan naman kami pati sina Bree pero mas gusto ni Saff na kotse nila ang gamitin. May pagka-maarte rin kasi ang babaeng 'yon.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now