Chapter 32: Tom-Tom

Start from the beginning
                                    

"Gusto ko! Gusto ko!"

"E si Captain America, kilala mo? Yung laging nagsasabi ng: Avengers, assemble!"

"Gusto ko rin!"


Ang paglukot ng mga paper bag ang susunod kong narinig.

Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Nasaan na nga ba ako? At bakit ngalay na ngalay yung likod at batok ko? Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Nakapatong ang ulo ko sa mga kamay ko at nakayukong nakapasandal sa kama. Nakabestida ako...

Nakaramdam ako ng paggalaw mula sa kama, kaya kaagad akong bumangon. "Tom-Tom?!" Pasigaw kong sabi.

Mukhang nagtataka at gulat na Asher at Tom-Tom ang bumungad sa akin. Natigil sa pag-bubuklat ng mga paper bags ang dalawa. "Tom-tom, gising ka na?!"

Tumango siya kasabay ng pagtawa ni Asher, "Hindi, tulog pa siya." Sarkastiko niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin, dahil sinunggaban ko na kaagad yung kapatid ko at mahigpit na niyakap. "Ate- ate aray!" Reklamo niya. Agad ko ring inalis yung yakap ko, mukhang napadiin yung pagtama ko sa mga sugat niya, dahil sa pagkasabik.

"Naku, sorry, sorry. Sorry, natutuwa lang kasi ako." Sabi ko sa kanya.

"Tom-Tom, tignan mo yang ate mo, iiyak nanaman." Para bang nagsusumbong na sabi ni Asher.

Sinamaan ko ng tingin si Asher. "Tumahimik ka nga dyan." Sita ko sa kanya.

"Tom-Tom, tignan mo, inaaway ako ng ate mo!" Sumbong niya ulit.

Hinampas ko siya sa balikat, "Tom-Tom tignan mo sinasaktan-"

"Hoy. Ano to? Bakit sumbong ka nang sumbong sa kapatid ko?" Nagtataka kong tanong, kung kanina nagbabadya nang pumatak ang mga luha ko, nagawa na iyong pigilan ni Asher dahil sa inaasta niya.

"Ate Lia!" Sita sa akin ng kapatid ko na sobrang ikinagulat ko. Tinignan ko siya,at nakita kong nagsasalubong yung mga kilay niya. Galit ba siya sa akin?

Tumingin ako kay Asher. Kabaligtaran ng mukha ni Tom-Tom ang ekspresyon sa mukha niya, dahil nakangisi ito na tila ba nanalo siya sa isang patimpalak. "Anong ginawa mo sa kapatid ko? Nagpanggap ka bang nurse at may pinainom na kung ano sa kanya?" Bintang ko kaagad sa kanya."

"Huy grabe ka naman. Wala." Sabi niya.

"Hindi eh. Bakit ka kinakampihan neto?" Tanong ko ulit. Pero ang totoo, natatawa ako at pinipigilan ko lang. Pano ba naman kasi, sobrang cute ng pagkakabusangot sa akin ni Tom-Tom habang itong si Asher, deny pa ng deny.

"Ash! Ash!" Tawag sa kanya ni Tom-Tom. Ash?

"Bakit?"

"H-Hulk!" Masayang sabi niya.

"Hulk? You want hulk? The one that goes: RAAAAAAAWR!!!" Panggagaya ni Asher doon sa superhero.

Humagikgik si Tom-Tom sa ginagawa ni Asher, mukha naman kasing sira si Asher sa ginagawa niya. Ako nga rin natatawa dahil sa panggagaya niya. "Hey Thalia?"

"Hm?"

"You could really change from your dress you know. I bought you some clothes." Sabi niya.

"H-ha?" Binilhan niya ako ng mga damit?

"Ang baho mo na kasi eh." Pahabol niya.

Binato ko kaagad sa kanya yung alcohol na malapit sa akin. "Paki-disinfect nga yang bibig mo at sobrang dumi na." Sabi ko. Ang galing talagang isingit ng lalaking ito lahat ng panlalait na pwedeng sabihin sa akin.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now