Chapter 15 - Smile

37 2 0
                                    

Chapter 15 *Smile*

[Michael's POV]

I'm still in pain.

Tss.Ang panget.Hindi bagay sakin ang mag-emote.Para akong bakla.

Tama naman yung ginagawa kong pakikipag-date diba??Pero bakit nalulungkot pa din ako???

Mahal na mahal ko siya at nasasaktan ako kapag nakikita kong kasama nya si Wizdom at masaya sila.

I want to move on kaya nga nakikipag-date na ako.Pero paano??Kung palagi na lang syang nasa isip ko???

I need someone.

"Here." sabi nya sakin sabay ngiti.That smile, I really like it.Para talaga syang babae pero lalaki sya.Haha.Ang weird ko.

Kinuha ko naman yung panyo. "Palagi mo na lang ako nakikitang umiiyak.Bakla na ba ko sa paningin mo?" sabi ko sa kanya.

"Hindi.Natural sa tao ang umiyak.Lahat ng tao nasasaktan dahil nagmamahal." sabi nya ulit sakin at muling ngumiti.Yung ngiti nya, nakakawala ng problema.

Sound so gay?Nababakla na ako?Pucha. =___=

"Cr lang ako." sabi ko at pumuntang banyo.

Shet.Anong nangyayari sakin???Wag mong sabihing nagkakagusto ako sa isang lalaki??

NO! 

Iniisip ko palang nasusuka na ko. =___=

Hinugasan ko yung pagmumukha ko.Pinikit ko yung mata ko at ayun nakita ko na naman si Ace.Yung ngiti nya.Shet.Bakit ayaw mabura ng ngiti nya sa isipan ko???Pucha.

Ano bang nangyayare sakin??Nung isang araw, bigla kong hinawakan yung hinaharap ni Ace para tignan kung may ANO sya.Pero wala naman akong nakapang-ANO!!TANGINA.Nadidiri ako sa sarili ko. =_____=

HINDI PWEDE 'TO!! =____=

Lumabas na ko ng banyo at humiga na ko sa kama.Nagtaklob na ko ng kumot.

"Matutulog ka na??" tanong nya sakin.

"Oo." matipid na sagot ko.

"Pero ang aga pa.Matutulog ka na talaga??" bakit ba ang dami nyang tanong??Para syang babae. =____=

"Oo."

"Michael, pwedeng magtanong??"

"Nagtatanong ka na."

"Totoo bang Varsity player ka ng basketball dati???"

"Oo."

"Eh bakit hindi ka na naglalaro ngayon???" 

Bumuka yung bibig ko pero walang salitang lumalabas.

"Hey, gising ka pa ba?Sabi ko, kung bakit hindi ka na naglalaro ngayon??"

Bakit hindi na ko naglalaro ngayon??

"Dahil ayaw ng parents ko."

"Okay.May pupuntahan tayo." sabi nya.Agad nyang inalis yung kumot sakin at hinawakan yung braso ko.

"Gabi na eh.Bukas na lang." pagpipigil ko.

"Basta.Tara na kasi." sabi nya sakin.ang kulit nya din noh. =___=

Hila-hila nya lang ako hanggang sa makarating kami sa loob ng gym.Napangiti naman ako bigla.Naaalala ko kasi yung dati.Yung ang saya saya ko kapag naglalaro ako ng basketball at ang daming mga taong naghihiyawan kapag nakaka-shoot ako ng bola sa ring.Yung mga babaeng kinikilig sakin kapag kinikindatan ko kapag nakaka-shoot ako.

Bigla naman may tumamang bola sa ulo ko.Pagkatingin ko kung sino yung nambato ng bola ay si Ace na nakangiti.Ang ganda nya este ang pogi. =___= pucha.

Kinuha ko yung bola at nag-shoot.Three points shot.Haha.Ang sarap sa pakiramdam na nakapag-shoot ulit ako ng bola sa ring.

At ayun na nga, naglaro kaming dalawa ni Ace.Haha.Lokong Ace 'to!Hindi man lamang maka-shoot ng bola sa ring.Pagkatapos naming maglaro ay sabay kaming napahiga sa lapag.

Nginitian nya ko.Pucha.

Syempre, nginitian ko din sya.Pucha.

AND I REALLY HATE WHAT'S HAPPENING RIGHT NOW!!Damn! =____=

"Michael, maglaro ka na lang ulit?" 

"Bakit?" hindi ko alam pero nung sinabi nya sakin na maglaro ulit ako ay bigla akong napangiti. =___= pucha.

"Kasi masaya ka kapag nakaka-shoot ka ng bola sa ring.Kasi mahal mo yung ginagawa mo." sabi nya sakin sabay ngiti.Pero...hindi na pwede eh.

Isa pa, pinag-iisipan ko na din yung pag-alis ko sa 'Common Sense'.

"Pagod na ko.Una na ko sa dorm." yan na lang ang nasabi ko at umalis na ko.

For Everything~ [KrisBer Fan Fiction] (ONHOLD)Where stories live. Discover now