Chapter 8 - Teary-eyed

61 2 0
                                    

Chapter 8 *Teary-eyed*

Anne's POV

Haaayy!!Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa katabi ko!!Si Wizdom kasi ang katabi ko eh!!!Miss na miss ko na sya!!Gustong-gusto ko syang yakapin ng mahigpit!!Ako kaya namimiss nya na??Malamang hindi nya na ko namimiss kasi meron na syang ibang mahal!!!Nakakainis!!Unfair!!!!Bakit nya ba kasi ako hiniwalayan??Ano bang nagawa kong mali??May mga pagkukulang ba ko??Hindi na ba sya masaya nung magkasama kami??Waaah!!Anytime pwede akong umiyak eh!!Nakakaasar naman!!Ang emo ko masyado!!Bwisit!Inaantok din ako.Kanina pa ko nahikab dito eh.First day of classes nag-lesson kaagad yung teacher namin tapos math pa yung subject.Sino ba namang hindi aantukin diba??

"Mr. Ace Samonte!!!LABAS!!!" halos mabasag eardrums ko sa lakas ng sigaw sakin ng teacher namin.Tumayo naman na ko at nakatungong naglakad papuntang labas ng classroom.Sumandal na lang ako sa pader sa labas ng classroom namin.Haist!!!Hindi bagay sakin ang mag-emote eh!!Nakakainis talaga!!

"Ang boring ng klase right?" 

"Anak ng gwiyomi!!" halos atakihin ako sa puso ng may marinig akong nagsalita sa tabi ko.Pagkatingin ko kung sino ang katabi ko ay nakita ko si M.j./Michael.Bakit naman kaya sya napalabas ng klase??

"Huh?Ako anak ng gwiyomi???Haha!!Tama ka dyan!"

"Haha!!Pero bakit ka ba napalabas ng classroom???"

"Mmmmm....sabihin na lang nating ang pogi/cute ko kaya ako pinalabas ng classroom!!"

"Wow!!Biglang humangin!!" pero totoo naman yung sinabi nya eh.Pogi sya.Mayabang nga lang!!Haha!!

"HOY!!LUMAYO NGA KAYONG DALAWA!!!ANG INGAY NYO NAMAN NGAYON!!" sigaw ng teacher namin sabay padabog na sinarado yung pinto ng classroom.Haha!!Hindi ko alam pero nakakatawa yung mukha ng teacher namin nung sinagawan nya kami.Mukha syang bakla eh!!

"Natakot naman ako dun!!Nakakatakot sya!!!" sabi sakin ni Michael sabay acting na parang natatakot sya.Baliw!Mukha syang takas sa mental eh.Hahaha!!

"Lakas din ng tama mo ah!!Haha!!"

"Haha!!Tara kumain na lang tayo!!" sabi nya sakin sabay gulo ng buhok ko.Sabay naman kaming naglakad papuntang canteen.Pagkadating namin dun sa canteen ay nakita naming may pinagkakaguluhan yung mga lalaki sa may bandang gitna.Dahil ako ay pinanganak na usisera ay nakipagsiksikan ako sa mga lalaki dun.Wala namang mananantsing sakin dito dahil alam nilang lalaki ako pwera na lang kung may bakla dito.Subukan lang nilang chansingan ako sisipain ko ang kanilang pagkalalaki. -___-

Napataas kaagad ang dalawang kilay ko ng makita ko yung pinagkakaguluhan ng mga lalaki dito.Ang panget kaya ng view dito!!Hmp.Bakit kaya nandito 'tong malanding babaeng 'to ha??Akala ko ba bawal ang babae dito sa school pero bakit nakapasok ang isang 'to dito ha??Kainis!!Ang ikli pa ng suot na short at talagang nagpapa-cute pa sya sa mga estudyante dito ah.Napakacheap naman talaga!!Kung sabagay bakit pa ko magtataka eh nakita ko na sya dating makipaglandian sa lalaki eh!!Grabe lang talaga dahil dito pa sa school ng boyfriend nya sya nakikipaglandian.

"Wizdom baby!!" sigaw ni malande sabay lapit kay Wizdom KO at halik sa pisngi nito.Umupo silang dalawa sa table sa dulo habang ako naman ay pinapanood at pinapakinggan ko silang dalawa.Binilisan kong um-order ng pagkain para lang makita ang ginagawa nilang dalawa.

"Anong ginagawa mo dito??" sabi sa kanya ni Wizdom.Hindi ko alam kung tama ba pagkakarinig ko pero ang cold na naman ng boses ni Wizdom.

"Baby naman!!Masama ba??Sorry kung nagagalit ka dahil nagpunta ako dito.Hayaan mo next time hindi na lang ako pupunta dito.Ang gusto ko lang namang naman ay i-suprise ka eh." sabi ni malande kay Wizdom at umarteng nalungkot.Kainis!!Masama naman talagang nagpunta ka dito eh!!Bukod sa pumanget ang view dito eh nakakalanghap kaming mga estudyante ng polusyon.Grrr.

"Hindi naman sa ganoon.Ang sakin lang naman kung pupunta ka dito ay dapat sinabi mo muna sakin.Isa pa, ayoko ng suot mong short ngayon." sabi sa kanya ni Wizdom.Yeah!!Ang panget kasi ng legs nya kaya dapat hindi na sya nagsusuot ng short.Hmp.

"Ganun ba?Okay.Aalis na lang ako!Mukhang ayaw mo kong makita ngayon eh!" sabi ni malande at akmang aalis na pero bigla syang hinalikan ni Wizdom sa labi pagkatapos ay niyakap sya.Waaah!!Sumakit bigla ang dibdib ko at may namumuong tubig mula sa mata ko.Ang sakit.Sobrang sakit.Grabe mag-PDA ah!!Public Display of Abnormality!!

Umalis na lang ako sa canteen at naglakad-lakad dahil baka makapatay ako ng tao dun.Waaah!!Ang tanga ko!!Bakit ko pa ba kasi pinanood silang dalawa dun???Nakakainis!Ayokong sumuko!!Dapat bumalik sakin si Wizdom!!!Dapat mahalin ulit ako ni Wizdom!!Kaya nga nandito ako nagpapanggap na lalaki para mapalapit ulit sakin si Wizdom eh.

"ARAY!" bigla naman akong napatingin sa taong sumigaw at nakita ko si Michael na pinapaypay yung isang kamay nya.Problema nun?Dali-dali akong lumapit sa kanya.

"Nagdudugo yung daliri mo!!Tara sa clinic!" sabi ko sa kanya.Errr.Ayoko pa naman ng dugo!!Agad kong kinuha yung panyo ko sa bulsa ko at nilagay sa daliri nyang nagdudugo.

"Wag na!!Hindi na kailangang pumunta sa clinic!!Malayo naman 'to sa bituka!!Haha!" sabi nya sakin ng hindi makatingin ng diretso at fake smile.

"Umiiyak ka ba??" napansin ko kasing may namumuong tubig sa palibot ng mata nya.Parang ako lang kanina eh.Tss.

"Huh??Umiiyak ka dyan??Hindi noh!!Napuing lang ako!!" sabi nya sakin ng hindi pa din makatingin ng diretso.Naku!Obvious naman na umiiyak sya!

"Ano bang nangyari dyan sa daliri mo??" pag-iiba ko na lang ng usapan.Kung ayaw nyang i-share sakin ang problema nya papasayahin ko na lang sya.

"Naputol kasi yung string ng gitara kaya nasugatan yung daliri ko.Ang tanga ko kasi eh!Ang sakit!" sabi nya sakin sabay tulo ng luha sa pisngi nya.Pinunasan ko naman yung luha nya sa pisngi.Broken hearted ba sya??Malamang!!Nararamdaman ko kasing iba yung sinasabi nyang masakit!!Puso nya yung masakit na tinutukoy nya!!

"1+1???" tanong ko sa kanya.Bigla namang nagbago yung hitsura nya.

"Ano bang tanong yan?" 

"Basta!Hindi mo yata alam eh-----"

"Gwiyomi!!"

"Haha!!Mali!!Magellan!!" 

"Ang korni mo!!" sabi nya sabay tayo at naglakad palayo.Kunwari pa sya dyan.Obvious naman na pinipigilan nyang tumawa kahit korni yung joke ko.Haha!! *u*

For Everything~ [KrisBer Fan Fiction] (ONHOLD)Where stories live. Discover now