Chapter 10 - Peace Offering

74 2 2
                                    

Chapter 10 *Peace offering*

Anne's POV

"Ayoko sabi eh!!Kung gusto mo, ikaw na lang!!Bwisit!!" sabi ko kay Michael.Kakainis!!!Sya na lang kaya ang sumapi sa MMK!!Tutal mukha naman syang bakla. -____- Oo nga pala, alam ko na kung ano yung MMK.Ang MMK ay contest dito sa school kung saan ang mga lalaki ay magbibihis ng damit na pambabae.OO!!Alam ko, hindi mahirap!!Pero paano naman kung mabuking nila akong tunay akong babae diba??!!Eh di nasira na yung future ko!!!Hindi ako nagpanggap na lalaki para lang sa mga ka-ek-ekan ng school na 'to!!Nagpanggap akong lalaki para lang mapalapit ulit ako kay Wizdom KO!! >:D

"Wala na eh!!Sinabi ko na kay Sir.Hindi ko na mababawi!!" sabi nya sakin na nagpipigil ng tawa.BWISIT talaga!!!HMP!! -____-

Pinagpatuloy ko na lang yung pagpupunas ng mga bola.OO!!Nagpupunas po ako ng mga bola ngayon!!!Ang parusa kasi samin ng teacher na pinsan ni Michael ay maglilinis kami sa Gym.Ewan ko lang kung matatapos namin 'to!!Eh ang laki-laki pa naman din ng Gym na 'to.Isama nyo pa yung pool na hindi pa naman nalilinis ni Michael.KAINIS DIBA!!ITO ANG PINAKAMALAS NA ARAW SA BUHAY KO!!!

Maya-maya eh pumunta na kami sa pool para mag-umpisa ng maglinis nang bigla naman akong winisikan ng tubig ni Michael sa may mukha ko na galing sa may pool.

"Ano ba!!!Umayos ka nga!!!" pagkasabi ko nyan ay lalo nya pa akong winisikan ng tubig.Aba!!Loko talaga 'to!!Makaganti nga!!Akala nya ha!!May hawak pa naman din akong tabo kaya naman kumuha ako ng maraming tubig sa pool.Nag-evil smile muna ako sa kanya.

"Hoy!!Wag!!Mababasa yung uniform ko.Subukan----" HAHAHAHAHAHA!!Nakabawi din ako!!Ako pa, magpapatalo?!!NEVER!!Ibinuhos ko na kasi sa kanya lahat ng tubig.Nakakatawa nga yung hitsura nya eh!!Napahawak na ko sa tyan ko dahil nakakatawa talaga sya.

*SPLAASSSHHHHHH* 

WAAAHHH!!!Tinulak nya ko sa may pool.Help!!Help!!Hindi ako marunong lumangoy!!Ang lalim pa man din ng pool na 'to!!Shemay!Sira-ulong lalaking yun!!Ayoko pang mamatay!!!Papakasalan ko pa si Wizdom.Magkaka-anak pa kami ni Wizdom ng marami!!Tama na sigurong 2o ang magiging anak namin!!Tapos....hindi na matutuloy dahil mamatay ako sa pagkalunod??Ganun?Unfair!!! Y^Y

"Eeekk!!Mi...michael...La...langya ka..Eeekk." napahawak na ko sa leeg ko kasi nahihirapan na kong huminga at ang dami kong nalunok na tubig ng pool.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Nagising ako na nakahiga lang sa kama.Nasa clinic ata ako ng school eh!!Ugh.Nakakainis!!Lagot sakin si Michael!!!Bwisit!!Muntik na kong mamatay kanina ah!!! =_____=

Anong oras na ba??WAAAAHHHHH!!!5:00 p.m. na!!Hala!!Ang tagal ko na pala dito sa clinic.Tsaka, iba na yung suot kong damit!!OHHHH MYYYYYY GOSSSHHHH!!Patay na!!Alam na kaya nilang babae ako??Hala!!!Ang dami kong problema!!Nasira lahat ng pangarap pati future ko dahil lang sa pagkakalunod ko kanina sa may pool. Y^Y

"Gising ka na pala." sabay lapit sa mukha ko ng lalaking nurse.Hala!!!Patay na talaga!!I'm dead!!

"Ah...o-opo.Alis na po ako!" sabi ko sabay tayo.OMG!!Bwisit ka talagang Michael ka!!Mapapatay kita eh!!!Kainis!!

"Bakit kaya may babae dito sa school??" sabi nya habang nakacross arms.

I'M DEAD NA TALAGA!!

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi sakin ng lalaking nurse!!Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at bubuksan ko na sana yung pintuan ng magsalita ulit sya.

"Hindi pwede ang babae sa school na 'to!!Anong ginagawa mo dito??" WAAAHHHHHH!!!KILL ME NOW!!!KILL ME!!! =_____=

"Please po??!!!Wag nyo pong sabihin sa kanila na babae ako.Please??!!Nagmamakaawa po ako!!!" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko yung luha sa pisngi ko gamit ang mga kamay ko.Napaiyak na talaga ako eh!!Natatakot ako!Ayokong malaman nila na babae ako!!Lalong-lalo na si Wizdom.Baka lalong magalit si Wizdom sakin!!O kaya baka lalo nya kong layuan!!Hindi ko kaya yun!!! Y^Y

Pinaupo nya muna ako sa upuan.Nung mahimasmasan na ako ay nagsalita ulit sya.

"Give me a reason kung bakit ka nandito???Ano ang ginagawa mo sa all-boys-school na 'to??"

"A-ano po kasi...dahil po kay Wizdom..." sabi ko ng nakatungo.

"Dahil kay Wizdom??"

"Opo...alam nyo po kasi Ex-boyfriend ko si Wizdom----"

"At hanggang ngayon hindi mo pa din sya makalimutan.Mahal mo pa din si Wizdom kaya naman nagpanggap ka na lalaki para mapalapit ulit sa kanya??Hindi mo matanggap na tapos na ang lahat sa inyo??Ganun ba yun??"

"Parang ganun na nga po..."

"Yun lang??Yun lang ang reason mo??"

"Opo.Mahal na mahal ko si Wizdom.Hindi ko kayang mawala sya sakin.Tsaka, nalaman ko ding niloloko lang sya ng girlfriend nya."

"Alam mo kasi sa buhay, marerealize mo na may dahilan kung bakit mo nakilala ang isang tao.Yung iba, dumating para subukan ka.Yung iba para gamitin ka.Yung iba, para turuan ka.At yung iba, dumating para malaman mo kung sino ka talaga.Meron namang iba na dumating para saktan ka, atleast natuto ka!Eh natuto ka nga ba??Hindi naman diba??"

"Pero mahal ko po talaga si Wizdom.Alam nyo po ba, nahihirapan akong kumain at matulog.Palagi na lang akong tulala.Palagi na lang akong umiiyak.Wala akong gana sa mga ginagawa ko.Hindi ko po kayang mabuhay ng wala sya.Please po, wag nyo pong sabihin sa kanilang babae ako??"

"Pag-iisipan ko."

Lumabas na ko ng clinic.Grabe!!Ang dami kong problema!!Paano na yan??Kainis!! Y^Y

"Sorry." 

"Tss." hindi ko sya pinansin at dumiretso na lang ako sa paglalakad.

"Sorry na nga eh.Sorry na please??Hindi ko naman alam na hindi ka pala maruong mag-swimming eh." sabi nya sakin.Sinasabayan nya ko sa paglalakad.

"Nangyare na eh.Wala ng magagawa ang sorry mo!!Halos ikamatay ko na nga yung kanina eh."

"Pero kahit na!!Kasalanan ko nga eh!!Kaya nga ako nag-sosorry sayo.Sorry na."

"Ewan.Wag mo nga akong kausapin!!!" naiinis ako sa kanya!!Kasalanan nya kung bakit may naka-alam na babae ako!!Ang malas talaga ng araw na 'to!! -____-

Dumiretso na ko sa may Gym dahil naalala kong may meeting nga pala yung mga club.Nakita ko naman yung ka-club ko at hinanap-hanap ko din si Wizdom.Nasaan kaya yun???

"Oh?Ace, ayos ka na ba??" tanong sakin ng kaklase kong lalaki na ka-club ko din.Alam nya na siguro yung nangyare sakin kanina.

"Oo.Ayos na ko."

"Eh kung bakit ka ba kasi nakikipagharutan kay M.j. sa may pool??Ayan tuloy napapala mo!!" sabi ng kaklase kong maarte at inirapan pa ko.Bakit ko ba sya ka-club???Kainis!!

"Eh kung bakit ka ba kasi nangengealam ha???Kung hindi mo naman talaga alam ang totoong nangyare???" Naku naman talaga!!Nakakaasar eh!!Pakielamero!!

"Enough guys!!Let's start!!" sabi naman ni Julian, sya yung lalaking chinito na nakatama ng bola sakin.

Inirapan naman ako ni lalaking maarte.Huh!!Kainis talaga!!Sarap dukutin yung mata nya!!

"Teka, asan si Wizdom??" tanong ko kay Julian.Wala pa din kasi dito si Wizdom eh. *u*

"Hehe..si Wizdom??Ang totoo nyan eh, hindi naman talaga sya kasapi sa club na 'to." sabay ngiti nya.

ANO?Inis na inis na inis na inis na inis na inis na inis na inis na ko sa mga pangyayare ngayong araw na 'to!!Nakakahighblood. >,<

Natapos na yung meeting ng hindi man lang ako nakinig.Hindi ako interisado.Walang kwenta.Pumunta na ko ng dorm.Nakita ko naman si Michael na nakain ng Mochacake habang nagbabasa ng libro.Waaahhh!!Nakaka-inggit!!Gusto ko din ng Mochacake!! >:(

Bigla naman syang napatingin sakin, "Oh?Nandyan ka na pala.Ito nga pala oh, for you!Peace offering!" sabay abot nya sakin ng box ng Mochacake.WAAAHHH!!Tatanggapin ko ba yung Peace offering nya??

"Tss." sabay kuha ko ng Mochacake at dumiretso na ko sa kama.Binuksan ko na yung box ng Mochacake at kinain ito.YUMMY!!Ang sarap nito!! *u*

For Everything~ [KrisBer Fan Fiction] (ONHOLD)Where stories live. Discover now