Chapter 24

50.6K 900 133
                                    

[Chapter 24]

"This one is yummy Mommy!" Nilingon ko ang tinuturo ni Dariel sa loob ng babasaging lagayan. He was pointing on the chocolate cake display.

"Your Daddy love Mocha, baby."

"But Chocolate taste better!" Nakangusong aniya at isinandal pa ang pisngi sa salamin. Narinig ko ang mahinang tawa ni Linda sa likod ko.

"Cute talaga ng batang ire. Hindi mo naman birthday Darel. Anniversary ng Mommy at Daddy mo." Tumatawang saad ni Linda habang pilit na inaalis si Dariel sa salamin.

"Mommy what is Anniversary?" Nagkatinginan kami ni Linda.

"Anniversary is where Me and Daddy celebrate the date of our wedding." Sagot ko at mabilis naman siyang sumagot. Tumalikod ito at nagpunta sa section ng mga chocolate candies.

Matapos kong mamili ng cake na bibilhin ay dumiretso naman kami sa grocery store para mamili ng ilang mga sangkap sa mga lulutuin ko.

Today is sunday and our wedding anniversary. Napag isipan kong maghanda dahil napapayag ko si Darwin na icelebrate ang araw na ito noong birthday ni Deinty.

"This coming sunday uhm.." Hindi niya ko tiningnan at diretso lamang ang tingin sa daan. Nilingon ko ang likod at nakita ang mahimbing na tulog ng mag-yaya.

"C-can you uhh go home early?" Huminto ang kotse sa tapat ng bahay. Sa buong biyahe ay wala akong ibang inisip kung papaano ko ito sasabihin sa kanya hanggang ngayon na nakarating na kami.

Ginising niya ang dalawa sa likod at mabilis namang nagising si Linda. Sila ni Dariel ang naunang bumaba habang ako ay humahanap parin ng tiyempo.

"Do you have anything to say?" He finally noticed.

"U-uh this coming sunday. Pwede ka bang umuwi ng maaga?"

"For what?"

"M-maghahanda lang ako ng kaunti para sa wedding anniversary natin." He sighed and it took a long time before he answer.

"Okay." Nanlaki ang mata ko. Bigla akong napangiti at para bang wala nang paglagyan ang saya ko.

"Stop grinning, you look stupid. Bumaba kana." I nodded between my chuckles.

Napanguso ako habang pinagmamasdan ang kulay ng chicken curry na niluto ko. Bakit naging malapot at malapit na sa kulay green ang kulay?

"Ma'am lagyan niyo ng gata. Kulang yan sa gata." Sabi ni Linda kaya naman sinunod ko ang sinabi niya.

It's already four o'clock. Pinili ko kasing ngayon na magluto para iiinit ko nalang mamaya ang mga ito. I was so happy all day, my smile never fades specially when i was cooking. Ito kasi ang unang beses na pinayagan akong magcelebrate ni Darwin. He never lets me celebrate our day in the past six years. Sinusubukan kong icelebrate ang araw na ito noon ng mag isa. He would always come home late or bring different woman. He would always hurt me whenever this day comes.

But now, i am happy that i will finally celebrate it with him. Napansin ko rin nitong mga linggo na hindi siya iritado sa tuwing nakikita ako. Para sa akin ay sign na iyon, sign na sinusubukan niya nang kalimutan ang lahat.

Countless Tears (UNEDITED)On viuen les histories. Descobreix ara