Chapter 9

34.2K 724 140
                                    

[Chapter 09]

Saglit kong nilingon ang sarili kong repleksyon sa maliit na salamin. Kahit doon lamang ay napagmasdan kong maigi ang ayos ko ngayong gabi. It's not bad.

Humarap ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Darwin. He was wearing his office suit. Pinanood ko lamang siyang hubarin ang coat niya at palitan ito ng panibagong coat na mas dark lang sa kaninang suot niya. Binalingan niya ako ng tingin bago tiningnan nag oras sa suot na gintong relo.

We're going for another business party tonight. Ito ang dahilan kung bakit pinapunta niya ako rito kahapon. Ito lang naman ang role ko sa kanya sa tuwing isinasama niya ako. Ang maging asawa niya sa mata ng mga tao.

He would always bring me to business parties or dinners to introduce me as his wife. We were a lovely couple in everyone's eyes. Smiles will be plastered in our faces once he introduced me to his business partners.

Kung ano man ang nangyayari sa relasyon namin sa loob ng bahay ay maiiwan lamang itong nasa bahay. Darwin might look like an asshole but he still care for his image or should i say, he was protecting his company's name. As i said before, Santos Entertainment Industry is one of the biggest and powerful company in their platform.

Kaya kahit na halos masuka si Darwin na ipakilala ako bilang asawa niya ay ginagawa niya parin para sa ikabubuti ng kumpanya.

"This is Chlouie, my wife." Ngumiti sa akin ang lalaking may edad na.

"Look young and beautiful." Komplimento nito na siyang nginitian ko lang. Tumikhim si Darwin kaya naman nilingon ko ito.

"Do whatever you want, I'll talk to this man for a second." Mahina ang boses na anito. Tumango naman ako sa kanya bago nagpaalam sa lalaking nasa harapan namin.

Gumilid ako habang pinanonood ang iba't ibang klase ng mararangyang mga tao. Everyone was talking in their suit. Everyone was having conversations related in business. Halos lahat ay sopistikada at mga edukado. Mundong kinalakihan ng asawa ko. Napangiti ako nang maalalang sa ganitong pagkakataon ko rin siya unang nakita noon. Sa ganitong lugar rin unang tumibok ng mabilis ang puso ko para sa kanya.

"Be careful." Nakagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ko ang boses nito mula sa likuran ko. I can feel his hand on my waist and the other was holding my wrist. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko—para akong nakikipaghabulan sa sobrang bilis nito!

Inalalayan niya akong makatayo ng maayos bago niya binitiwan ang kamay at bewang ko. Nadismaya pa ako dahil nawala na ang malambot na kamay niya sa kamay ko.

"T-thanks." I don't know but i think i sound stupid! He gave me a manly grin before turning his back on me.

"Thank you." Saad ko sa isang waiter na nag alok sa akin ng isang baso ng red wine.

Mahina kong pinaikot ang wine sa loob ng baso habang inaamoy ang halimuyak nito. Napakunot ako nang agad na kumapit sa pang amoy ko ang matapang nitong amoy. I'm really not a fan of any alcohol beverages. Masyadong matapang ang kahit na ano para sa pang amoy ko at kapag ayaw ng ilong ko ay hindi rin tinatanggap ng bibig ko.

I tried to take a little sip but i almost spit it out. It's sweet but you can still taste the strong alcohol on it. Para bang mas lamang pa ang pait para sa akin kahit na hindi naman talaga ito mapait. I hate it.

Countless Tears (UNEDITED)Where stories live. Discover now