Chapter 17

36.2K 613 89
                                    

[Chapter 17]

"6 years old pataas lang po pwede ma'am and masyado pa pong maliit yung anak niyo." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ng lalaki. Hindi pupwede si Dariel sa parasailing.

Bumalik ako sa pwesto ng mag ama ko kung saan pareho silang pinanonood ang ibang nagpa parasailing. Ginamit ko ang kamay ko para harangan ang araw na sumisilaw sa mata ko.

"Hindi pwede si Dariel. Let's look for another activity." Nilingon ni Darwin ang anak na nagsisimula nang mamula ang ilong. He really want to do the activity. Nag squat ako para magpantay ang tingin naming dalawa.

"Don't cry. Hanap nalang tayo ng iba okay?" Pinunasan ko ang luhang tumakas na sa mga mata niya. Suminghot siya bago tumango at hinila ang laylayan ng damit ng Ama. Mabilis naman siyang binuhat ni Darwin.

"Let's go eat first." Saad ni Darwin at sumang ayon naman ako.

Matapos naming kumain ay nagswimming lang kami sa dagat at naghanap pa ng mga activities na pupwede naming magawa. Buti nalang at mabilis na nalimutan ni Dariel ang tungkol sa parasailing. Halos hapon na nang bumalik kami sa hotel room at as usual, nakatulog agad si Dariel sa sobrang pagod.

Kasalukuyang naliligo si Darwin sa banyo habang gamit ko naman ang laptop ko para icheck ang email na sinend ni Direk Bibs. Nalaman kong Wednesday and Thursday ang magiging photoshoot para sa poster ng movie. It's all scheduled in the afternoon which is good dahil maaasikaso ko pa si Dariel para sa pagpasok.

Napatalon ako sa gulat nang biglang magvibrate ang telepono sa likuran ng Laptop ko. Sa lakas ng pag vibrate nito ay ramdam na ramdam ko iyon. Nilingon ko iyon ng saglit pero mabilis ring napalingon muli. Saglit kong sinilip ang direksyon ng banyo bago ko ibinalik sa telepono ang tingin. I bit my lips and grab it without any hesitation.

Tanya is Calling...

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tanya? As in Tanya Claveria? My Co-Actress? But why would she call my husband? Why is her number saved on his contacts? May bahagi sa isip ko na gustong sagutin ang tawag. Hindi kaya ibang Tanya ito? There's only one way to find out.

I clicked the green button and immediately bring the screen behind my ears.

"I already booked a ticket babe." Tila ba naputol ang dila ko dahil wala akong ibang magawa kung hindi matulala. The voice, it was hers.

'Are you somehow related to Darwin Santos?'

Is this the reason she found me irritating around her?! Naramdaman ko ang pag gapang ng galit sa sistema ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa telepono at kulang nalang ay basagin ko na iyon. Is she one of his girls? One of his bitches?

I was about to say something when someone furiously grab the phone from my hands. Hindi ko nagawang makalingon agad rito. I was stunned on what i've found out. Nang mabawi ko ang sistema ko ay masama ang tingin na ipinukol ko ang mga mata ko kay Darwin. Kunot ang kanyang noo habang nagtitipa sa teleponong inagaw sa akin.

"Sa dami ng tao Darwin. Why Tanya? Alam mo bang katrabaho ko siya?" I tried my best not to shout. Alam kong dapat na magalit ako dahil isa sa mga babae niya si Tanya pero mayroong sumasaksak sa puso ko dahil sa isa pang ideyang namumuo sa isipan ko.

What if she's not one of them? What if..

"I told you not to fucking touch my phone." Tiim ang bagang na aniya habang masama ang tingin sa akin.

Countless Tears (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon