Chapter 19

38K 638 67
                                    

[Chapter 19]

Bumuntong hininga ako nang patunugin ko ang sasakyan ko sa parking lot ng set. Hinawi ko pa ang ilang buhok ko bago chineck ang oras sa telepono ko. It's 3pm at ngayon lang natapos ang shooting. Nasabi na rin sa akin ni Jessica ang tungkol kay Darwin kaya naman hindi na ako gaanong nag aalala dahil alam kong aalagaan niya si Dariel sa bahay. I was about to open the driver's seat when someone called my name with a familiar voice.

Mabilis kumunot ang noo ko at nilingon iyon. My blood boiled instantly when i saw his face. Para bang bumalik ang lahat ng galit ko noon at gusto ko siyang saktan.

"Anong ginagawa mo dito?" I saw his deceiving eyes, staring straight at me.

"Chlouie i came to apologize." Kumuyom ang palad ko sa sinabi niya. After fucking 6 years? After all the things he done to me?

"Kahit lumuhod ka pa. Kahit ilang taon mo pang pagsisihan ang ginawa mong pagsira sa buhay ko. Hinding hindi kita mapapatawad." Rinig ko ang panggigigil sa sarili kong boses.

"Chlouie I'm so sorry. I really am—" Mabilis kong sinampal ang kamay niyang sumusubok na hawakan ako.

"Wag mo kong hawakan! Dahil sayo nasira ang buhay ko! Nasira ang relasyon namin ng asawa ko!" Mabilis na nangilid ang mga luha sa mata ko. Maisip ko palang ang mga kasinungalingang ginawa niya sa nakaraan ay kumukulo na ang dugo ko.

"I know hindi mo ako mapapatawad agad agad. But i still want to apologize for all the pain I've caused you." Nabigla ako nang bigla ako nitong yakapin. Mabilis kong kinuha lakas ng lakas ko at itinulak ito papalayo. Mabilis ko itong nasampal sa sobrang galit. Naramdaman ko pa ang pamamanhid ng kamay ko sa sibrang lakas non.

After 6 years magpapakita siya sakin? Para humingi ng tawad na dapat matagal niya nang ginawa? He ruined everything i had! My family, my husband's trust and even the people around me. He was the reason of my tainted name! He was the greatest reason of my fall!

"You ruined my life. You supposed to be rotting in jail for what you've done." I wiped away my tears and slap his hand again. Bakit ba hawak siya ng hawak sakin?! I should call the cops and sue him.

"I don't want to ever see your face again." Dinuro ko pa ito bago tuluyang sumakay ng sasakyan ko.

Nabuhay lahat ng galit ko sa lalaking iyon sa mahabang panahon. How dare he show his face to me after all the chaos he did in my life? I hate him so much and i don't think i can forgive him, not unless I've fixed everything in my marriage.

Napahilot ako sa sentido ko nang tumambad sakin ang matinding traffic. Nakalimutan kong sa ganitong mga oras pala mabigat ang trapiko sa kalsada ito. I'm sure Dariel is waiting for me. Hindi ko napigilan ang sarili kong mainis dahil tila ba may pumipigil sa akin para tuluyan kong mapuntahan ang anak ko.

Halos dalawang oras rin ang inabot ng biyahe ko na dapat ay isang oras lang naman talaga. Halos padilim na rin ang kalangitan. I saw Darwin's car outside the garage. Bukas rin ang ilaw sa buong bahay pero wala sila sa living room nang pumasok ako. Dumiretso nalang ako sa kwarto ni Dariel to see if he's resting.

Pinihit ko ang seradula ng pinto. Binuksan ko muna ito ng maliit para masilip ang nasa loob. I saw Dariel peacefully sleeping on the bed. Tuluyan na akong pumasok at isinara ang pinto mula sa likuran ko.

After checking Dariel, i went to our room to change my clothes. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay napatigil na ako nang makita si Darwin sa loob. He was sitting on the edge of the bed with his phone on his hands. He looked dark, i mean he look darker than the usual.

Bahagya pa akong nagtaka nang bumaling ito sa akin. His eyes were blazing. Nakita kong mas humigpit ang pagkakahawak niya sa telepono habang nasa akin ang paningin.

Countless Tears (UNEDITED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu