Chapter 20

39.5K 612 57
                                    

[Chapter 20]

"Are you sure you're okay?" I bit my lips before I answer.

"Yes Direk. Don't worry i just need a little break." I said with my convincing tone. I heard a deep sigh from the other line.

"Okay. Don't worry i got you this time. You just need a week right?" Napangiti ako. He always try to understand me.

Matapos naming mag usap ni Direk Bibs sa telepono ay bumalik na ako sa pagluluto for lunch. Nakiusap kasi ako sa kanya na kung pupwede ay hindi muna ako magshoshoot for the whole week. I have a small wound beside my lips and i don't want to show it to everyone. I also want to spend a week with Dariel, hanggang sa tuluyan siyang gumaling.

Nang matapos na akong magluto ay umakyat na ko sa kwarto ni Dariel para gisingin siya. Nawala na ang init ng katawan niya kaya naman nawala na rin ang pag aalala ko sa kanya.

"Mommy you have ouchy?" Nilingon ko si Dariel na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko at kasabay kong kumain. Nakaturo ang maliit na hintuturo niya sa gilid ng kanyang labi kaya naman binigyan ko siya ng ngiti.

"Does it hurt Mommy?" Muling tanong niya habang kinakagat ang hotdog mula sa tinidor niya. I wiped the rice sticking on his cheek.

"No baby. Mommy is fine." I lied. Ngumuso siya sakin at tinitigan ako. Para bang nag aalala talaga ito sa maliit na sugat ko.

"What happened Mommy?"

"It was an accident baby. Finish your food."

"Can i kiss it to shoo the pain?" Saglit kong hindi nagawang maialis ang mga mata ko sa inosenteng mata ni Dariel. I felt a warm feeling wrapped my heart. Mabilis akong tumango sa kanya na kaagad namang naging senyales sa kanya para bumaba sa upuan.

Nagmamadali siyang lumapit sa gilid ko at inabot ng isang kamay ang pisngi ko. Bahagya kong ibinaba ang katawan ko para maabot niya ako. I felt his soft and little lips touching my wound.

"Thank you baby." He gave me a genuine smile before going back to his seat. Naagaw ang atensyon namin sa tumunog na doorbell.

Tumayo ako at nagtungo sa pinto. Sa labas ng gate ay naroroon si Jessica na kumakaway sa akin habang may bitbit na envelope. Mabilis kong tinungo ang gate para buksan iyon.

"Guess wha—what the fuck?!" Tiningnan ako nito na para bang tinubuan ako ng isa pang ulo. Nilakihan ko ang pagkakabukas ng gate para makapasok siya.

"Ano yan? Si Darwin ba may gawa niyan?! Isusumbong ko siya kila Tita!" Rinig kong aniya mula sa likuran ko habang isinasara ko ang gate. Mabilis ko siyang hinarap at inilingan.

"Wag na. It's just an accident."

"Anong accident? Tingnan mo nga!" She grab my chin and slightly lift it to gave her eyes more access to my wound.

"How could he hurt you? Anong aksidente diyan? Ano nadapa ka sa palad niya?" Rinig na rinig ko ang galit sa boses niya kaya naman nagbuntong hininga ako at bahagyang inalis ang kamay niya sa baba ko.

"Kumalma ka nga. Nabigla lang siya, i pushed him to his limits kaya nangyari to. Let's go inside at wag kang maingay kay Dariel." Paalala ko rito na ikinairap niya pero tumango naman siya.

"Hey there little guy." Bati niya kay Dariel na ngayon ay tapos na kumain. Nakaupo na ito sa livinng room at handa nang manood ng tv. Dumiretso ako sa hapagkainan para ligpitin ang pinagkainan.

"Is this the first time he hurt you?" Hindi ko napansing nakasunod pala sakin si Jessica. Hinawi ko ang buhok ko at inipit ito sa tenga.

"Yes." I lied. Sa loob ng anim na taon ay halos limang beses lang naman ako nasaktan ni Darwin. Lahat iyon ay kasalanan ko naman.

"Ano bang nangyari? How did he ended up hurting you physically?" Bumuntong hininga ako at ikinuwento sakanya ng mahina ang mga nangyari. Maging ang tungkol kay Tanya na talagang ikinagulat niya.

"Putangina Chlouie. He was cheating on you?! Kelan pa? And you're letting him?" Saglit kong tinitigan si Jessica. Naalala ko na wala nga palang nakakaalam maski isa ang tungkol sa mga pambababae ni Darwin. I kept it all to myself dahil ayokong makarating ang mga iyon sa pamilya ko. They will make me end our marriage and i don't want that.

"Just kill them both." I looked at Jessica with horror.

"Are you serious?"

She rolled her eyes, "Nalaman ko sa case na hinawakan ng Asawa ko ang isang law. Under ng Article 247 of the revised penal code of the Philippines."

Naupo ako sa sofa katapat ng kinauupuan ni Dariel. Sumunod naman sakin si Jessica at tumabi sa kinauupuan ko. Humarap siya sakin at mahinang nagsalita.

"If you catch your spouse committing sexual inter course with a different hoe, you won't get imprisoned if you kill them both."

"Jessica!" I gasped. Mabilis kong nilingon si Dariel at buti nalang sobrang focus ito sa pinanonood. I heard her chuckles.

"If you do it, you'll only get the penalty of Destierro." Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.

"Tristan should be aware of his documents from now on since he has a psychologic spouse." Hinampas niya ako na ikinatawa ko.

"Grabe ka ha! I'm just concern. Napapansin ko simula nang magkita tayo kung gaano ka nagbago. Look at yourself. You look abandoned. Para kang nagtatago sa anino ng asawa mo. Chlouie naman, if he cheated once, he will do it over and over again." Her eyes look more serious this time. She even held my hands while staring straight at me.

"Is this related to what happened six years ago? Grabe naman si Darwin kung ganon. Everyone moved on pwera sa kanya." She crossed her leg and hand me the envelope she was holding.

"Anyway i came here to give you this. Nandiyan yung resume ng nakuha kong Nanny for Dariel. Don't worry, kumuha ako sa pinaka maayos na kumpanya and kakilala ko rin yan dahil yung kapatid niya ang Nanny ng mga anak ko." Tiningnan ko ang resume at napatango naman ako sa sinasabi ni Jessica.

"Next week rin siya darating." She said and i thanked her.

Halos dalawang oras ring nagstay si Jessica bago ito umalis para pumunta naman sa law firm ng asawa. Wala akong ginawa buong maghapon kung hindi alagaan si Dariel at punan ang mga pangangailangan niya. Dumating ang gabi at hindi umuwi si Darwin.

Nanghihinang naupo ako sa sofa habang hawak ko ang ulo ko. My head was aching yet i still wanted to wait for Darwin to go home. I waited until four in the morning but just like what happened before.

He didn't come home.

Countless Tears (UNEDITED)Where stories live. Discover now