Chapter 13.1

33.8K 628 26
                                    

[Chapter 13.1]

"Thank you." Nakangiting saad ko sa waiter na nagsalin sa akin ng wine. Hindi naman ako umiinom non pero hinayaan ko nalang siya.

"Hindi pa po ba kayo oorder Ma'am? It's getting late." Anito kaya naman binigyan ko ito ng nahihiyang ngiti.

"I'm still waiting for my husband." I said.

"Okay Ma'am. Just call me if you need something."

"Yes, thank you." Bumuntong hininga ako nang makaalis na ang waiter.

The cold breeze was getting colder and colder as i wait how the time was passing. Ang bawat tunog ng tubig mula sa dagat ang siyang pumupuno sa pandinig ko. Nagsisimula nang mamuo ang galit sa sistema ko habang hinahayaang lumipas ang mga oras.

Muli kong nilingon ang oras sa cellphone ko. It's past eleven. Muli kong dinial ang numero na kaninang kanina ko pa sinusubukang tawagan.

"The number you have dialed—" Pabagsak na inilapag ko sa mesa ang telepono.

I told you Darwin. I told you about this. I told you not today, i told you to choose me over your goddamn work just for today! Inis kong ipinasok sa bag ko ang telepono ko at mabilis na tumayo. Nakita ko ang paglapit sa akin ng waiter na nagsalin sakin ng wine. Para hindi masayang ay nilagok ko ng isang inom ang wine bago nag iwan ng pera sa mesa.

Habang naglalakad ako palayo sa nag iisang mesang ipinaayos ko sa gitna ng pino at puting buhangin ay naaapakan ko ang bawat piraso ng rose petals. Tuluyang tumulo ang luha ko nang makaabot ako sa parking lot. Nang buksan ko ang pinto ng kotse ko ay doon na tuluyang nagsilandasan ang mga luha ko.

Kahit ba isang araw lang ay hindi niya ko magawang paglaanan ng oras? Itong araw lang naman na ito ang hinihiling ko. Ito lang naman ang gusto ko! I just want to celebrate my fucking wedding anniversary!

Hindi ko alam kung papaano ako nakauwi sa bahay. Halos sa buong biyahe ay wala akong ginawa kung hindi ilabas ang inis at galit ko. Para akong sasabog. Napupuno ng matinding emosyon ang puso ko.

Nang makarating ako sa bahay ay napamura ako nang wala man lang makitang sasakyan sa harap. He's not home huh?

Naligo ako at nagbihis ng pang tulog. Pinatay ko rin ang telepono ko bago dumiretso sa kama. Pinilit kong makatulog nang may hinanakit sa puso ko. Pinilit ko ang sarili kong tigilan ang pagluha dahil ayokong mamugto ang mga mata ko. Alam ko namang kahit umiyak ako ng umiyak ay wala ring mangyayari. Masyadong busy ang taong yon para pagtuunan ng pansin ang mga luha ko.

Buong araw kinabukasan ay nakapatay ang telepono ko. Buong araw ring wala si Darwin na mas lalo pang nagpainis sakin. Hindi ko binubuksan ang telepono ko dahil alam kong tatawagan niya ko at manghihingi ng tawad. Gusto kong umuwi siya. Gusto kong makita siya. I want him to come home and give me a damn hug!

Kinagabihan ay tama nga ako. Umuwi siya na mukhang pagod na pagod galing trabaho. Kasalukuyan akong kumakain nang pumasok siya sa pinto nang may hawak na bulaklak. Hindi ko ito pinansin at tumayo sa hapagkainan para ilagay ang kinakain sa lababo. Bigla akong nawalan ng gana.

"I'm sorry. Nagkaron ng malaking problema sa kumpanya. I can't leave the problem to them, They need me there." He whispered. Naramdaman ko ang pagkayap niya mula sa likuran ko pero agad kong inalis ang braso niya.

They need him huh? Tumango ako sa kanya at kinuha ang malaking bouquet ng mga rosas. Kinuha ko rin ang tsokolate at ipinatong ang mga ito sa mesa.

"Thanks." Nilampasan ko siya at umakyat ng kwarto. I want him to know that i'm mad. Na nagtatampo ako, nagalit ako sa pang iindian niya sakin kahapon.

Countless Tears (UNEDITED)Where stories live. Discover now