Chapter 21

38.9K 659 73
                                    

[Chapter 21]

"Ma'am kailangan niyo ba ng tulong?" Nilingon ko si Linda na nakasilip sa pinto ng kwarto. Mabilis akong umiling sa kanya at ngumiti.

"Paki kuha nalang ng vacuum sa baba." I said.

"Sige po ma'am." Sagot niya bago mabilis na umalis sa pinto. Linda is Dariel's Nanny. She's been here for almost a week now and she's kind just like what Jessica said.

Muli akong yumuko para abutin ang ilang kalat sa ilalim ng kama. Naisipan ko kasing maglinis ng kwarto ngayong araw dahil wala naman akong shoot today. Si Dariel naman ay nasa kindergarden. I don't have anything to do so I've thought of cleaning the house.

Nang matapos ko ang buong kwarto, sinunot ko naman ang walk in closet namin ni Darwin. Hindi naman gaanong kadumi dahil araw araw ko rin ito nililinisan. Siguro ay mag aalis nalang ako ng mga gamit na hindi ko na kailangan at nagiging pampasikip lang sa damitan ko. Hindi ko alam kung bakit huminto ang mga paa ko sa tapat ng storage box sa gilid ng cabinet ko. Siguro ay ito nalang ang babawasan ko dahil mukhang maraming laman ito na hindi na nagagamit.

Binuksan ko ang malaking box at tumambad kaagad sa akin ang iba't ibang gamit. From hair blowers to old pictures. Tumaas rin ang kilay ko nang mahagip ng mga mata ko ang isang lumang digicam. Alam ko gumagana pa ito.

I tried to opened it but it has low battery kaya naman naisip kong kuhain nalang ang memory na laman nito. I don't know why but i got curious, matagal na rin kasi simula nang magamit ko ang camera na ito.

"Saan po natin dadalhin to ma'am?" Tanong sakin ni Linda nang maibaba namin ang isang box na naglalaman ng mga gamit na hindi ko na kailangan.

"Pili ka ng gusto mo then dalhin nalang natin sa charity or ibenta sa surplus." Saad ko habang pinupunasan pa ang ilang pawis na tumutulo sa noo ko.

"Sige Ma'am ako nang bahala sa mga to." Nakangiting sabi ni Linda kaya naman tinanguan ko ito. Papasok na sana ako pero nagsalita ulit siya.

"Ay Ma'am andyan na nga pala si Ser sa kusina kumakain." Mabilis ko siyang nilingon.

"Kanina pa?"

"Opo Ma'am nung naglilinis kayo sa itaas. Umakyat pa nga po siya ang kaso mukang nililinis niyo ata nun yung banyo sa kwarto niyo." Aniya. Tumingin pa ko sa garahe para malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo. Pero tama naman siya dahil nakita ko ang sasakyan ni Darwin sa labas.

Nagbilin ako ulit sa kaniya ng ibang mga bagay bago pumunta sa kusina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong nandito na siya. Halos ilang linggo rin siyang umuwi. Mukhang napasarap kasi ang pagbabakasyon niya kay Tanya.

Imbes na dumiretso papasok ng kusina ay pinili ko nalang na lumiko patungo sa hagdan. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis sa kanya. Naiirita ako sa presensya niya ngayong nandito na siya. Bakit naisipan pa niyang umuwi kung nag eenjoy naman pala siya kay Tanya? Malandi silang dalawa.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto para maligo at makaiglip ako. Napagod ako sa paglilinis ng buong bahay sa buong maghapon at paniguradong masarap ang magiging tulog ko kapag nakaligo ako. Mabilis kong hinubad ang suot kong tshirt at cotton shorts nang makapasok ako sa banyo. I let the warm and refreshing water run through my body.

Ilang minuto matapos kong maligo ay nag apply ako ng scented lotion na madalas kong ginagamit simula ng hindi umuwi si Darwin. I brought this in the mall with Jessica and the smell was really great. Gustong gusto ito ng pang amoy ko.

Habang sinusuklay ko ang buhok ko sa harapan ng salamin sa sink ay unti unti kong nakikita ang mga imperfections ng buong katawan ko. Jessica was right. Ever since my marriage was broken, i never took care of myself again. Naging maitim ang ilalim ng mga mata ko na madalas lagyan ng makapal na concealer ng make up artist ko. I also lose weight and i look far different from what i look before. I really look like i was abandoned, like a corpse to be specific.

Countless Tears (UNEDITED)Where stories live. Discover now