"Sorry." Sabi ko, bahagyang pumalya ang boses ko dahil pinipigilan ko talaga na maiyak. Inalis ko yung pagkakayakap namin sa isa't isa, pero kaagad na humawak sa bewang ko si Maybel.

Tumingin ako kay Brent. Tumango siya sa akin, at tinuro yung harapan ng simbahan kung saan nakahimlay si Big Ben.

Huminga ako ng malalim, at sinabayan si Brent na maglakad papunta doon, habang buhat-buhat si Ashton at hawak-hawak si Maybel na mahigpit na nakahawak sa akin. Nadaanan namin si Leandro, na bahagyang ngumiti nang makita ako. Nang makita ako ni Cassandra at Barbara, patakbo silang lumapit sa akin at niyakap ako ng walang sinasabi. Hindi na rin sila lumayo, at sumunod na rin sa amin nina Brent sa paglalakad papunta sa harapan.

Habang papalapit ako, mas kinakabahan ako.

Paano? Paano ko siya titignan? Paano ko makakayang makita si Big Ben doon, gayong sanay akong makita siyang nakatayo at palaging nakangiti at tumatawa? Paano ko siya titignan, gayong alam ko na kahit kailan ay hindi ko na maririnig yung tawa niyang mahal na mahal ko? Paano?

Subalit nang makararating na ako sa harap, saka ko lang naisip na may nakalimutan ako. Na bago ko problemahin ang mararamdaman ko, kailangang isipin ko muna yung taong alam kong pinakanasasaktan ngayon.

Tinignan ko siya, at laking gulat ko nang makitang tulala lamang siya at hindi umiiyak. Mas nasasaktan ako sa ikinikilos niya.

Naglakad ako papunta sa harapan niya, at nang harangan ko ang kung ano man ang tinitignan niya, doon lamang nabalik ang tingin niya sa reyalidad. Pagkakita niya sa akin, "You rude, rude, rude girl!" Pasigaw niyang sabi sa akin. Pagkatapos noon, ay nasundan na ito ng hagulgol. YUng hagulgol na napakalakas na parang inipon niya ng napakatagal.

Tumingala ako, dahil pinipilit ko paring pigilan yung luha ko.

Habang si Mama Tori, mahigpit na nakahawak sa damit ko at pauli-ulit akong hinahampas. "You rude, rude girl! I've called you so many times! But you couldn't even spare a minute for you Mama Tori! I needed you! I needed you beside me, Lia. Our Big Ben's gone! What am I supposed to do now? How will I live? How can you let your Mama Tori suffer alone?!" Sumbat niya sa akin.

Kusa nang umagos sa mga pisngi ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"I just wanted to hear your voice, to tell me that it's gonna be okay, but you wouldn't even answer even one call."

Habang sinasabi sa akin ni Mama Tori ang lahat ng hinanakit niya, napukaw ng tingin ko sa isa sa mga nakikipaglamay si Hyacinth.

Nakakalungkot isipin na ang akala kong nakakatulong, ay nakakasakit pa pala sa mga taong mahal ko. Dapat, si Mama Tori ang inisip ko at hindi si Hyacinth. Napangunahan nanaman ako ng pagkamakasarili ko, na nagawa kong kaligtaan si Mama Tori pati yung mga nararamdaman niya.

Ibinaba ko muna si Ashton, at lumuhod sa harapan ni Mama Tori. Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit, "Andito na po ako, Mama Tori." Sabi ko sa kanya.

Kaagad niya akong niyakap at wala siyang ibang ginagawa kung hindi ang umiyak sa balikat ko pagkatapos.


***


"It's kind of rude, don't you think?" Panimula niya. "Just when I was getting close to him, bigla siyang kukunin." Sabi ni Seb.

Inilapag ko sa tabi niya yung kapeng ginawa ko para sa kanya. Andito kami ngayon sa labas ng simbahan, sa ilalim ng isang malapit na puno.

"Hindi siguro." Tutol ko sa sinabi niya, sabay upo sa tapat niya. "Sa tingin ko, hindi siya rude, Seb. Kasi andun ka sa mga huling sandali ng buhay niya. Andun ka, napasaya mo siya at naging kaclose mo siya. At sa tingin ko, hindi rude yun."

Western Heights: Casanova's Propजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें