Chapter 50: Consequences

Start from the beginning
                                    

Umiling siya, "No, it's okay. Hindi rin naman ako tumitingin sa dinadaanan ko."

"Ako talaga yun. Nagmamadali kasi ako eh. Pasensya na."

"Same here. Nagmamadali din ako. I was running away from Seb."

Tumawa ako, "Kulit no?"

Kaagad din akong tumigil ng makita ko na biglang tumalim yung tingin niya. "Ay! Ah-eh. Magkaibigan lang kami ni Seb, bff kumabaga. Baliw yun eh."

"I don't care about your relationship status."

Ngumisi ako, "Seryoso, magkaibigan lang kami." Linaw ko pa ulit. Ang pait kasi ng reaksyon sa itsura niya, halatang may hindi siya nagustuhan. "Binully pa nga ako nun eh."

"But then again who isn't bullied by Seb?"

Ngayon, totoong humalakhak na ako. "Totoo. Parang lahat naman nga ata hindi makapalag sa kanya no?"

"Except for me. Screw him." Iritang sabi ni Elle.

Ngumiti ako, "Buti nalang."

"Huh?"

"Buti nalang at ikaw yung gusto ni Seb. Sobrang matched kayo sa isa't isa." Sabi ko.

Kumunot ang noo ni Elle, "What? No way in hell."  Animo'y nandidiri niyang sabi. "Well, here's your room. I'll get going then." Sabi niya, sabay turo sa classroom namin.

Tumango ako. "Nice meeting you." Sabi ko. "Teka, gusto mo ba tawagin ko si Seb?" Tanong ko nang makita kong pasimple siyang sumisilip sa bintana.

"No! I mean.. No. No need. I don't wanna see his ugly face din naman. Una na ko." Paalam niya, sabay taas ng kanang kamay niya na ginaya ko rin bilang paalam.

Bubuksan ko na sana ang pinto, nang kusang bumukas ito. "Volleyball babe!" Malakas na sigaw ni Seb.

Hinawakan ko kaagad yung braso niya, pinigilan siya sa kanyang paglabas. "Bell na, bell na. Tama na harot." Bawal ko sa kanya.

"What did Volleyball babe want? Was she gonna confess to me?!" Tanong niya. Tapos ay tinignan ako ng masama. "Pinigilan mo ba siya because you had feelings for me? I'm sorry bff, pero kaibigan lang talaga yung tingin ko sayo."

Tumingin ulit siya sa palayong likod ni Elle, "Volleyball babe!!!" Madrama niyang sigaw.

*tok*

"Ouch!"

"OA mo." Matipid kong sabi sa kanya pagkatapos ko siyang batukan at pumasok na ako sa loob.

Umupo ako sa pwesto ko at inayos na yung gagamitin kong notebook at libro sa susunod naming subject.

Narinig kong bumukas ang pinto, at sa pagaakalang ang teacher na iyon, napatingin ako.

At gaya ng kanina, parehong mga mata nanaman ang nakasalubong ng tingin ko. Pero hindi tulad ng kanina, inalis ko kaagad ang tingin ko at hindi na muling tinignan pa silang magkasama. Nagmamadali kong isinuot ang earphones ko at itinodo yung volume. Sa pag-asang matabunan nito hindi lamang ang ingay ng classroom, pati narin ang ingay na idinudulot ng nadudurog kong puso.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now