Chapter 46: Mission Accomplished

Magsimula sa umpisa
                                    

Hinampas ko kaagad si Seb matapos niyang sabihin yun. "Kasasabi mo lang ng isang magandang bagay, binawi mo lang din ng insulto e no?"

"I'm just kidding." Tumatawang sabi niya. Ako man ay natawa nalang din. Nakakahiya rin naman talaga yung ginagawa kong yun, at hindi nga akma sa okasyon yung asal kong yun. "Holy sh*t, is that the Ben?!" Manghang tanong sa akin ni Seb.

Sinundan ko yung tingin ng nanlalaki niyang mga mata, at gaya nga ng sabi niya, si Big Ben yon na napapalibutan ng napakaraming taong sinusubukang kunin ang atensyon niya. "Oh come on!" Inis na sabi ni Seb, tapos ay humarap siya sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay. "Lia, help me talk to him. I need to talk to him!" Parang bata niyang pilit sa akin.

"Hala, anong gagawin ko? Hindi ko nga kilala kung sino yung mga kausap niya eh."

"Them? They're nobodies. Duh. Small businesses lang naman ang meron ang mga ya- aw! A-aray! Ouch, the hell is wrong with you?!" Galit na sumbat sa akin ni Seb matapos kong kurutin yung tagiliran niya. Inayos niya yung nalukot niyang suot, "Anong problema mo?"

"Ikaw! Lumalabas nanaman yang pagkamatapobre mo eh." Inis kong sabi sa kanya na may kasama pang panduduro. "Bahala ka diyan na gumawa ng paraan para makausap si Big Ben."

Nawala kaagad ang inis sa mukha niya at napalitan ito ng pagmamakaawa, "Sorry. I'm sorry okay? Just please help me approach him?" Para siyang isang batang nakita ang iniidolo niyang supehero, ganoon ang itsura niya ngayon.

Tumingin ako sa gawi ni Big Ben. Wala paring pagbabago, napapalibutan parin siya ng napakaraming tao. Bumuntong hininga ako, "Ganito nalang. Mags-schedule ako ng araw na magluluto tayong tatlo. Doon. Doon mo kausapin si Big Ben." Sabi ko sa kanya.

"For real?" Halos mahulog na yung panga niya sa pagkanganga. Halatang-halata sa mukha niya yung pananabik pero ilang saglit lang bago ito matabunan ng pagkadismaya. "Teka, bakit tayong tatlo, hindi ba pwede na kami lang?"

"Sipain kita eh. Kapal ng mukha neto."

Ngumiti si Seb at kaagad akong inakbayan, "Joke lang. Alam mo namang bestfriends tayo, right?"


"Why the hell can't you stay away from my girlfriend, Sebastian?"

Pareho kaming natigil sa pagtawa at pag-usap ni Seb nang marinig namin ang tinig ni Asher. "Well, I don't know. You always seem to be away from her. Why not take advantage right? Tutal she looks so beautiful tonight."

Hindi nagsalita si Asher, bagkus ay lumapit siya sa amin at inalis ang kamay ni Seb sa balikat ko, at inilapit ako sa kanya. "She looks beautiful everyday, excuse you."

Gusto kong mangagat.

Gustung-gusto kong mangagat sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayong oras na ito.

"Really? Bakit parang di ko napapansin?" Bwelta naman ng magaling na tukmol sa harapan namin. "Ouch! Stop hurting me, woman!" Inis na reklamo ni Seb matapos ko siyang sipain sa paa.

"Stop interacting with him!" Sermon sa akin ni Asher.

"Oh my God, here goes the corniest couple again." Kumento ni Seb na hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong kiliging muli sa sinabi ni Asher. Ganoon siya ka-atribida.

Hindi siya pinansin ni Asher, bagkus at bahagya siyang yumuko at inilapit ang kanyang bibig sa may tenga ko. "Let's get out of here. I want to show you something." Bulong niya sa akin. Hindi pa ako nakakasagot ay hawak-hawak na ni Asher ang kamay ko at hinihila na ako paalis nung hall.

"See ya." Walang ganang paalam kay Seb na dinaanan lang namin.

Tumawa ako ng malakas pagkaapak na pagkaapak palang namin sa labas ng hall. "Ang bully mo kay Seb ah?"

Western Heights: Casanova's PropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon