Chapter 31: Hand To Rely On

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumango na lamang ako bilang sagot.

Umalis si Tito Julio at kaming dalawa na lang ni Asher yung naiwan na naghihintay dito sa harapan ng operating room. Tahimik ang kapaligiran, na halos nakakabingi na. "Your dad's in the hospital as well?" Tanong bigla nitong katabi ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan siya, "Oo eh."

"Why?"

"Cancer."

Natahimik siya. "I-I'm sorry."

Siniko ko siya ng konti, "Wag ka nga. Hindi pa naman siya patay eh." Biro ko. Pero sa loob ko, hindi ako makapaniwalang nangyayari to. Na darating yung araw na malalaman ni Asher kung bakit ako pumayag sa kasunduan namin, kung bakit hinanap ko talaga siya upang magtrabaho sa kanya.

Natakot ako na kaawan niya ako, subalit hindi nangyari iyon. Dahil hindi awa ang nararamdaman ko sa presensya niya, kung hindi ang pag-aalala. "Are you scared?"

Tumingin ako sa kanya. Pagkakita ko, may kung anong tila sumabog sa tyan ko dahil sa pag-alala nga na nakaukit sa mukha niya. "Sobra." Madiin kong sagot. "Pakiramdam ko mamamatay nako sa takot. Araw-araw, kay Papa palang. Tapos eto, kay Tom-tom narin."

"Miss?" Pareho kaming tumingin ni Asher sa isang nurse na lumapit sa amin. 

Napansin kong napatagal ang tingin nitong nurse kay Asher. "Ako, ako yung miss." Sarkastiko kong sita sa babaeng nurse.

Kaagad naman niya akong tinignan, nakita kong namula ang mga pisngi niya dahil sa pagkahiya. Kasalanan naman niya, hindi niya ginagawa ng mabuti yung trabaho niya. Eto nanaman ako, sa sobrang pagkaproblemado ko na, pati ibang tao nadadamay ko na. At saka, kailan pa ako nagsimulang maging moody?

"Uhm.. kayo po ba yung guardian ni Thomas?" Tanong niya patukoy kay Tom-tom.

"Opo, bakit?" Naalarma kong tanong kaagad.

"May pulis po kasing dumating, hinahanap kayo." Sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Asher sa sinabi niya. "Pulis?" Tanong ko.

"Opo, tungkol po ata dun sa nakabangga sa bata." Sagot niya.

"Saan? Nasaan siya? Gusto ko siyang makausap." Kaagad kong sabi dahil sa sinabi niya.

"Sa may lobby po. Hinhintay kayo."

Tumango ako at tumayo. Naglakad kaagad ako papunta sa elevator at pinindot yung button na pababa. Nasa 23rd floor pa ang pinakamalapit na elevator. Pinindot ko ulit yung button, tapos isa pang ulit, tapos isa pa.

Tumigil lamang ako ng isang kamay ang humawak sa akin, kay Asher. 

Kaagad, nakaramdam ako ng comfort. Isang bagay na kailangang kailangan ko ngayon. "Thalia, don't worry." Sabi niya sa akin.

Bumuntong hininga ako, at tinigilan na yung button. Sinamantala ko nalang yung pagkahawak ni Asher sa kamay ko, sinamantala ko yung panandaliang pagkawala ng kaba, takot at galit ko dahil sa kamay niya. Kahit napakasandali lang, pinagbigyan ko yung sarili ko.

Paglabas namin mula sa elevator, saka ko lang binitawan yung kamay niya dahil sa pagmamadali kong puntahan yung pulis na sinasabi ng nurse na naghihintay sa akin.

Paglapit ko, "Sir? Ako po yung guardian ni Thomas." Sabi ko kaagad.

"Ah... yes. Ate niya?" Tanong niya.

Tumango ako, "Opo."

"Nasaan po yung mga magulang?" 

Umiling na lamang ako bilang sagot. Nag-isip muna siya ng matagal bago siya nagsalita, "O sige. Ikaw na lang ang kakausapin ko. Sabihin mo nalang sa mga magulang mo yung mga sasabihin ko. Okay?"

Western Heights: Casanova's PropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon