Makikita niya kung anong gagawin kong plano para sa akin lang siya.

"May bagong kaso kaya?" -Ace

"Malamang. At mukhang alam ko na kung anong kaso iyon." -Jerry

Napatingin ako at si Ace sa tinitingnan ni Jerry sa dyaryo na kanina niya pa hawak, tiningnan ko yung binabasa niya at nakita ko yung headline news, about sa isang Hotel na nasa ikalimang murder case na for five consecutive years. Teka? Alam ko 'tong kasong to ah..

"Ade, diba ito yung kasong ipinahawak sa tin ni chief last last year? Yung sa BHR?" -Ace

"Gago, oo!"

"Ba't kailangang may mura?" -Ace

"Siyempre, pagmamahal ko iyon, Acie-baby! Come on, pa-kiss~" ako, sabay nilalapit ko yung mukha ko na naka-pout ang labi sa nandidiring mukha ni Ace.

"Yuck! Adrian, Ano ba!? Magseryoso ka nga! Kaya walang nagseseryoso sayong babae eh!"

"Oops? Taboo na yan dude. Wala naman pakialamanan ng love life. Yabang mo porket may gf ka lang ah.."

"Oo may gf ako kasi seryoso akong tao. I even want to walk down the aisle with her." Sabay seryoso akong tiningnan. Oy, naging seryoso bigla si pareng Ace!

Napayuko naman ako at napaisip.

So, kailangan ko lang bang mag-seryoso? Tss.. seryoso naman ako, sa kanya lang.

Sa lahat ng babaeng na-link sa akin, ikaw lang ang seseryosohin ko at nakikita kong lumalakad na naka-gown papunta sa altar.. sa akin.

Ikaw lang, my Milka...

****

LINDONNE

Hmm... ? Ilang box ba ang bibilin kong pepero biscuits? Tatlo? Apat? O sampu kaya? Pero kung iisipin... kulang pa ang sampu sa akin eh. Kulang na kulang pa.

Ay, hello po!  I'm Lindonne B. Park, 20, and an anime-addict as well as food-addict, favorite snack ko ang pepero na isang korean snack and ginagamit din sa mga korean variety shows as a game element. Paano? Kakainin ng partner ang pepero in both sides at ang challenge doon ay kung gaano nalang ka liit yung matitira o pwedeng wala na rin matira... kaso ibang usapan na pag ganun. And one more thing, 'pepero' means 'kiss' in korea. Gets niyo?

Nagtataka kayo kung nasaan ako ngayon? Nasa isang convenient store ako malapit sa BHR, na pinagsstay-an ko ngayon at nagde-desisyon kung ilang box ng pepero ang bibilhin ko, like I said earlier. Yep, I am staying sa BHR, although nakakabahala at nakakatakot kasi nga may kaso dito ng patayan eh.. and it's been going on for four years.. Ika-limang taon na ngayon at nung isang araw lang nangyari yung pagpatay sa isang babae. If you'll think about it, it's sooo creepy but since I will inherit this business someday kailangan kong maging matapang at patunayan sa iba na wala naman talagang anumalyang nangyayari dito.

Ah nga pala, apo ako ni lolo Arneo Brilliantes, yun lang. ^.^

"20 pepero boxes will do, for tonight." Nasabi ko sabay dukot ng saktong bilang ng pepero at lumakad na ko agad papunta sa counter at buti nalang wala masyadong tao dito kaya nai-process agad ang babies ko. My sweet snack!

"Thank you ma'am, please come again!" -cashier.

"Babalik ako kung meron lagi kayong pepero!" -ako, sabay kinaway-kaway ko pa ang kamay ko.

"Always pong meron kami niyan, ma'am!"

Madilim na rin pala ngayon, alas diyes na nga eh pero naglalakad pa ako pabalik sa hotel. Ang sipag ko rin maghanap ng snacks ko no? Para kasing kulang ang buong araw ko kapag hindi ako nakakakain ng pepero eh. May pakiramdam rin ba kayong ganun, o ako lang talaga ang weird, like my friend Kai said? Siguro both. Hihi~

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now