"Huy narinig ko yun Jefferson! Ang mean mo! You're so mean to me!" Inirapan ko siya.

"See that?" Narinig ko pang sinabi ni Jeff. Wala naman akong narinig na response kay Kayla. Ganyan ba talaga siya? Parang walang emotions? Hindi ngumingiti o kahit ano pa?

Pero nung nakaraan naman, nung tinulungan namin yung si Larry nakita ko naman na ngumisi siya, pilosopa pa nga eh! Pero ngayon ibang-iba siya.

"Well, nice to meet you, Deniro.. " this is the first time that she's talking to me. Nginitian ko nalang siya para hindi naman awkward.

"Same to you, Kayla. Tama si Jeff kanina, wag kang mag-alala, your secret is safe with me. I won't tell a soul." Kasi hindi naman ako nakakakita ng 'soul' katulad mo!

Idudugtong ko sana, pero baka hindi niya trip ang mga jokes kaya siguro next time nalang. Kikilalanin ko muna siya.

Nakita ko siyang ngimiti at para akong naistatwa sa ngiti niyang iyon. Bukod sa unang pagkakataon kong makita na ngumiti siya sa akin, naistatwa ako kasi nung ngumiti siya.... ang ganda niya. She's a beauty--

"Urgh!" Tiningnan ko ang sumikmura sa akin at nakita ko ang naaasar na si Jeff.

"Back off, pal."

"Hahahahaha! Wag ka nga! Alam mo naman na hindi ako ganun! Hindi ako nangunguha ng ibang pagkain, lalo na kung hindi naman para sa kin." Makahulugang kong ani.

"Mabuti na yung malinaw. Pero kahit sa anong pagkakataon talaga lumalabas ang katakawan mo eh no?" I give them my charming smile at mister pogi pose.

"That's my charm, pal."

Narinig ko nalang si Jeff na nag-tsk.

****

BERRY

Kasalukuyan akong mag-isa at nakatambay dito sa library. Oh gulat kayo no, na ang isang maingay at parang hindi kaseryo-seryoso sa buhay na babaeng magandang katulad ko ay nandito sa isang lugar na punung-puno ng mga taong mga seryoso sa buhay at seryoso sa pag-aaral? Aba, for a changed naman daw!

Pero nandito talaga ako kasi bukod sa gusto ko ng peaceful surroundings, gusto ko ring magbasa ng mga books na about sa hacking. Hmm.. let's say to widen and deepen my knowledge about it. At first, being a hacker was just a hobby of mine. But when I started to join Ghost Detective group, I came to realized its more than just a simple hobby. Mas gusto kong matutunan siya ngayon kahit na nasasabi ng iba na magaling na raw ako.

I won't settle for 'good', but I wanna be 'better' at it.

"Hmm.. ang dami naman nito. Ang hirap mamili ha." Kinuha ko yung tatlong makakapal na libro at umupo sa malapit na mesang mahaba at nagbuklat ng unang libro.

I was about to read the page that I wanna read when I saw a newspaper in front of me, left side of the other books I will read later.

"Sino bang nag-iwan ng dyaryo na to? Hindi ba nila nababasa yung isang rule dito na 'cley-go'? Tss.." Inilapag ko muna yung libro sa isang tabi at ibabalik sa newspaper shelves yung dyaryong 'to nung may napansin ako sa headline. "A-ano 'to? 'Brilliantes Hotel and Resort murders resumed again this year... The culprits are ghosts'? Huh? Papatawa ata tong dyaryong to." Nasabi ko sa sarili.

Pero na-curious ako. Sa pagkakaalam ko, Brilliantes Hotel and Resort or BHR kung tawagin ng iba, ay isa sa mga hotel na pagmamay-ari ni Arneo Brilliantes, na tinatawag na 'hawk-eye' sa mundo ng business world at ang BHR ay isa lang sa mga business na pinapatakbo ng pamilya niya sa pilipinas at sa iba pang bansa. Tinawag siyang 'hawk-eye' kasi isang tingin niya lang daw sa isang lugar ay nalalaman niya na kung maganda iyong pagtayuan ng negosyo na magiging successful. Narinig ko lang iyon sa papa ko, na isa ring businessman, pati ang mga tatay nila Mamilyn, Thomas, Rodney at ng pinsan ko.

The said hotel has a long history, since it was built 3 decades ago. Pinamana daw iyon ng ama ni Arneo sa kanya at pinamamahalaan niya nga iyon ngayon.

"Hmm.. nabubuhay ang pagka-tsismosa ko. Pero hindi ko kailangan ng mga gossips, I just need my..... Lappy!" Pumunta ako sa pinakadulong pwesto ng Library at nung nasiguro kong walang makakapansin sa kin at saka ko kinuha sa loob ng bag ko ang trusted Laptop ko and I immediately search about the hotel. Good thing may Wi-Fi dito sa Library. Agad naglabasan yung mga latest news about the hotel and I was surprised to read some of them.

Apparently, 4 murders have occured in the premises of the hotel, specifically sa rooftop daw lagi natatagpuan yung katawan ng mga babaeng namatay pero ang nakakagulat ay wala iyong mga kamay at paa... pinutol. Nakikita daw ang mga parts na iyon sa trashbin na nasa likuran ng hotel. At dahil sa mga pangyayaring patayan dito na nagstart pa 4 years ago, nawawalan na ng interes na magpa-book ng room ang mga tao sa hotel, malamang sa takot. Makakapag-stay ka ba ng matiwasay sa isang lugar kung alam mo naman na any moment or minute, may magtatangka ng buhay mo? Siyempre hindi.

Ano ka, tanga? But I know this'll be exciting and thrilling!! Wiiee~!!

"Sasabihin ko ba 'to kila Kayla?" I said, again, to myself. Pero napagdesisyunan kong sarilinin muna.

Katulad ng ginawa ko dati, ako muna magpupunta sa mismong lugar mag-isa.

Yung totoo, BSBA ba talaga ang course ko o criminology? Na may kasama pang computer-related? Ah, basta! This is my moment!

Tiningnan ko ang wrist watch kong kulay purple, at nakita kong quarter to five na pala, tamang-tama lang para pumunta sa BHR. And so I started going to the parking lot to get in my car and drive towards my destination: Brilliantes Hotel and Resort!

****

SOMEONE

"Magaling, magaling, mga bata! Hahahahahahahaha"

Naaayon ang lahat sa plano. Makikita mo ngayon, Arneo, ang pagbagsak ng pinakamamahal mong BHR.

Kasalukuyan akong umiinom ng wine at konting selebrasyon na rin para sa matagumpay na plano laban sa mga Brilliantes. Nakakatawang panuorin na nagmamakaawa ang isang Brilliantes sa publiko na patuloy pa ring tangkilikin ang hotel niya dahil sa alam niyang mawawalan na sila ng negosyo at kayamanan... haha!

I drink my wine and it taste so sweet! Just like my near victory! Hahahaha!

Ang sarap uminom ng wine nang may maganda kang pinapanuod. Masarap ang wine inumin para sa mga selebrasyon. At ang mismong salitang 'selebrasyon' ay kasiyahan.

Pero biglang naglasang mapait ang wine nung may maalala akong isang pangyayari at parang bumagal ang lahat at isa-isang pinaalala sa akin ulit ang mga iyon na para bang kahapon lang nangyari.

*crash!*

B-boss! Y-yung k-kamay mo.." Natatarantang sambit ng mga tauhan ko.

Napatingin ako sa kamay ko at tumutulo ang dugo mula doon at nakita ko nalang yung glass shards ng wine glass ko. Napanggigilan ko dahil sa poot at galit na nararamdaman ko.

"Makikita mo, Arneo.... magbabayad ka.... magbabayad ang pamilya mo sa pagwasak sa anak at asawa ko..."

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now