Chapter 24: Kilabot

Start from the beginning
                                    

"Are you serious? You can't even freaking lift a soy sauce for god's sake!"

"S-sorr-"

"You think a sorry will fix everything? My god, Thalia. Pang-ilang beses mo na tong ginawa." Naiinis niyang sabi, sabay turo sa damit niyang nabuhusan ng toyo.

Naiinis ko na rin siyang hinarap, "Teka lang nga. Hindi naman talaga ako dapat magsorry sayo in the first place ah? Ikumpara mo yung ginawa mo sakin dyan sa toyo na natapon sayo, sige. Nasaktan ka ba ng toyong yan? Inapakan ba ng toyo na yan yung pagkatao mo? Sumusubro ka nanaman eh!"

"Sayo pa talaga nanggaling yang 'you think sorry will fix everything'? Kung sabagay, hindi ka nga naman pala marunong magsorry." Hindi ko pa mapigilang sumbat sa kanya.

Natahimik siya.

Nagulat kamng dalawa nang biglang ibagsak ni Mama Tori ang tinidor at kutsilyong hawak niya sa mesa. "I have enough of you two!" Galit niyang sermon. "Toyo lang nagkakaganyan na kayong dalawa. Damit lang yan, mapapalitan. I bought you two clothes, magpalit kayo problem solved. Wag na kayong makipagmatigasan sa isa't isa, because at the end of the day you two are in a relationship! Grow up!"

Yun na nga, Mama Tori. Hindi naman totoong kami. Tapos nagkakaganito pa.

Inabutan kami ni Mama Tori ng tig-isang paper bag ng damit. Tapos tumayo siya at nag-ayos ng gamit. "Mama Tori-"

"Ayusin niyo yan!" Inis niyang bulyaw sa pagsubok sa kanya ni Lance na pigilan siya na umalis. "Lalo ka na Lance. Ni hindi mo man lang alam na nasaktan yung girlfriend mo. You should learn to take care of her more. Dun muna ako sa labas. Lumabas kayo kapag bati na kayo." Pinal niyang sabi, at naglakad na siya palabas ng restaurant.

Isang awkward na katahimikan kaagad ang sumalubing sa amin nitong katabi ko.

"A-are you really hurt?" Nag-aalangang tanong sa akin ni Asher. "Saan?" Pahabol pa niya.

"Sa kamay. Sa braso. Sa likod." Mahinang pag-iisa-isa ko.

"S-sa school?"

"Saan pa ba?"

"I'm sorry." Nagulat ako nang sabihin niya ang salitang iyon. 'Sorry', napakalaking salita para sa isang tulad ni Asher.

Bahagya ako ng napangiti, "Okay na. Sorry rin."

"Wait that's it?" Hindi niya naniniwalang tanong sa akin. Hinarap pa niya ako sa kanya.

Tumango ako, "Yun lang naman kasi talaga dapat. Ewan ko ba sayo kung bakit hirap na hirap mong gawin yun."

"Well, I'm really not the type of person who apologizes."

"Halata nga. For someone na matalim magsalita, dapat matuto kang magsorry."

"It's not like that. I was just... stressed that night." Paliwanag niya.

"Alam ko, alam ko. Kahit naman hindi ko alam yung kwento niyo ng Papa mo, rinig ko naman kung gaano ka kastressed." Pagsang-ayon ko. "Tsaka okay na rin to, unang beses ko palang na makita si Mama Tori, pero gusto ko nang gawin ang lahat para hindi na siya magalit. Kaya okay. Okay na tayo."

Natawa siya, "I don't get it. How did the three of you become this close? Two days palang na you've known each other pero you're like their long lost granddaughter or something."

"Ako rin, parang long lost lola't lolo ko sila."

"How did you do it?" Tanong niya.

Noong una, akala ko nagbibiro siya o kaya naman sarkastiko yung tanong niya. Pero pagtingin ko sa kanya, mukhang hinihintay talaga niya ang isasagot ko. "Ang alin? Wala, nagluto lang kami ganon. Usap-usap. Bakit?"

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now