Chapter 22: The Storm

Start from the beginning
                                    

Alam kong wala rin ako sa lugar na idamay yung away nila ng tatay niya, pero sobra kasi akong nasaktan sa sinabi niya, kaya kung anong maisip ko, iyon na rin ang lumabas sa bibig ko. Pero ni minsan kasi sa buhay ko, hindi pa ako nainsulto ng ganito.

Malamang sa Western Heights, marami akong naririnig na panlalait. Pero iba yung kanya, iba lalo na pag naggaling sa kanya.

Tumungo ako sa pintuan palabas ng sala, ng hindi na siya tinitignan. Tapos ay tumigil ako, "Pakisabi nalang kay Big Ben at Mama Tori, nauna na ko." Sambit ko.

"Thalia!"

At umalis na ako sa mansion nila.


***


"Bakit hindi mo ginagalaw yung pagkain mo?" Nag-aalalang tanong ni Papa sa akin.

Kaagad akong kumain dahil sa sinabi niya, "Ay hindi po, may iniisip lang ako Pa."

"May problema ba, anak? May naniningil nanaman ba ng utang?" Tanong niya.

Umiling ako, "Wala po, Pa. Mga ginagawa lang naman po sa school yung iniisip ko." Sabi ko. Pero ang totoo niyan, mayroon na ngang kumatok sa bahay namin kahapon at siningil yung utang namin. Mabuti na lamang at nakapagwithdraw ako. Tinupad naman ni Asher yung sinabi niya na i-dedeposit niya yung sweldo ko.

At yun na nga, yung taong iniisip ko.

Ang gulo naman pala talaga nitong pinasok ko.

Ni minsan, hindi sumagi sa utak ko ang magnakaw. Kahit pa walang-wala na kami, kahit pa sobrang ang hirap na, kahit hindi na kaya ng katawan ko ang magtrabaho. Kaya naman sobra akong naiinis sa tuwing naaalala ko yung pagbintang sa akin ni Asher.

Parang wala kaming pinagsamahan dahil sa sinabi niya.

Oo, pinapaswelduhan niya ko, pero hindi rin naman tama yun ginawa niya, hindi ba? Magkatrabaho rin kami sa cafe, magkaklase rin kami sa school, magkaibigan naman kami kahit papaano. O baka naman ako lang ang may alam na magkaibigan na pala kami?

Ang akala ko pa naman, medyo nagbabago na si Asher. Yun pala, matalim pa rin ang pananalita niya.

"Hindi ka ba melelate niyan? 30 minutes nalang, pasok mo na ah?"

Kaagad akong tumingin sa relo ko, "Hala! Oo nga!" Napatayo ako sa nakita ko. "Pa, mauuna na po ako ah?"

Natawa na lang si Papa sa akin.

Lalabas na sana ako ng ospital pero tumigil ako, "Papa. Kapag may isang kaibigan ka na pinagsabihan ka ng masama, anong gagawin mo?"

Ibinaba ni Papa ang kutsarang hawak-hawak niya. "Depende. Harap-harapan ba niyang sinabi sayo o sa likuran mo ka niya tinira?"

"H-hindi naman po ako, Pa. Papaano lang po kapag may nangyari sainyong ganon?"


"Hmm.. depende naman kasi iyon, kung sa likuran ko niya sinabi, siguro magagalit ako. Pero kung harap-harapan naman, iintindihin ko muna kung bakit niya yun sinabi. Kung malungkot ba siya, kung may pinagdadaanan ba siya, kung galit ba siya o baka naman may problema sa trabaho. Yung mga ganun. E sino ba yung tinutukoy mo? May sinabi ba siyang masama tungkol sa'yo?"

Tumango ako habang pinakikinggan siya. At bigla akong umiling ng marealize ko kung ano ang kanyang huling itinanong, "Pa, hindi nga po ako. May... uhm... may kaibigan po kasi ako na nasa ganoong sitwasyon. Naghihingi siya ng advice, kaso hindi ko alam ang sasabihin. Pero ngayon alam ko na." 

Ngumiti ako at kumaway sa kanya, "Sige po, salamat! Una na talaga ako!" Tumingin ako ulit sa relo ko, 


Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now