Chapter 54 [Part 2]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Aalis na kami--"

"No. It's okay if you listen, too." I said. Nagulat siya sa sinabi ko pero binigyan ko siya ng isang ngiti kaya mas lalong natameme siya. Ang cute niya! I missed him..

Sa kanya lang talaga ako masasaktan at magiging masaya ulit.

Pagkatapos lang talaga ng kasong ito, I will fix this problem next.

****

MAMILYN

Sa totoo lang hindi ko mabasa ang expression ni Kayla ngayon at kanina pa nung nagdesisyon siyang bigla na isama si Rodney at yung si... Den ba? Oo si Den nga ata yun. Basta bigla nalang nag-okay si Kayla na sumama sila at eto nga ngayon.

Magkakasama kami sa iisang lugar and this is soooo nakakailang!

Pero aminado ako, at malamang hindi lang ako pati na rin sila Berry at Thomas, na we missed Rodney.. at nagpapasalamat ako na nakahanap siya ng panibagong kaibigan sa katauhan ni Deniro.

"Hindi ba tayo paghihinalaan dito? Para kaya tayong grupo ng goons tapos nagpaplano tayo ng mga gagawin nating pag-akyat sa bahay, o di kaya pagnakaw ng mga undergarments na nakasampay.. wow! Ang saya-saya nun!" Masayang kwento ni Den. Nakita ko nalang na nakayuko na siya at hinahawakan yung parte ng ulo niya na binatukan.

Sino pa ba gagawa niyan? Alangan naman kami, eh hindi pa naman kami close?

Ang sunget..

Shut ut, brain. Mind your own business.

"Ehem.." Napatingin na kaming lahat kay Kayla. "Sabi ni Theresa... na nandito ngayon sa tabi ko, na ang sampung lalaki na nagsamantala sa kanya at ang pumatay sa kanya at sa anak niya ay ang kapitbahay rin nila." Walang pagkailang na nasabi niya.

"A-ano!? S-sila mang antonio ba yan at saka yung mga gagong kainuman niya!? Grrr... magbabayad sila!!!" Galit na galit na nasuntok ni Larry ang pader na bato at nag-alala agad ako ng makita ko ang dugo na dumaloy doon kaya nilapitan ko siya at niyakap. "Mga demonyo sila!! Mga halang ang kaluluwa! Mga hayop sila!!! Waaaaahhhh!! Ate Tere..." Kumakawala siya sa pagkakayakap ko pero hinigpitan ko pa ito at naramdaman kong tinulungan na rin ako ng kung sinuman.

Natural na reaksyon ang magalit lalo na kung close na close kayo ng taong nawala sa buhay mo, pero kailangan din na i-restrain mo ang sarili kundi baka magatungan pa ng isa pang perwisyo kung aaksyon ka impulsively.

"Larry.. kami na ang bahala sa mga halang ang kaluluwa at demonyo na mga yon.. don't worry and don't say this to others at baka ikapahamak nila ito." Paliwanag ni Gello. Tumango naman kami bilang pagsang-ayon.

After an hour, pinauwi na namin si Larry, na hinatid ni Deniro at Berry. Pinakalma muna namin siya dahil baka talagang magdilim ang paningin niya at may gawin siyang hindi makakasolba ng kaso. Naiwan naman kami nila Rodney, Kayla, si Tatang, ako at si Gello. Mataman na nakatingin si Gello kay Rodney habang nakatingin naman ang huli kay Kayla.

"Now Kai, explain." Naguguluhan na tiningnan ko ang nagsalitang si Gello. Kay Kayla na siya nakaharap ngayon.

I look at her and I can't read her thoughts.. parang yung normal na Kayla na walang emosyon ang nakikita ko. "KAYLA MARIEN!" Halos mapatalon ako sa sigaw ni Gello.

"What?"

"What? You're asking me 'what?' Di ba siya," sabay turo kay Rodney. "Siya yung lalaking nanakit sayo noon? He is, isn't? Tell me.. speak!"

"Oo! Siya nga iyon! Ano, happy?" Sarkastiko na naman na tinig ni Kayla.

"Tss. mukha ba akong masaya!?" Nahahapong napasandal nalang si Gello sa sasakyan at parang konti nalang ay mapuputol na ang pisi ng pasensya niya. "Kayla.. he hurted you, he brought out some things that's not good for you. Tapos sasabihin mo na isama siya dito ngayon? Are you insane!?"

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon