Chapter 53 [Part 1]

Start from the beginning
                                    

"Bakit?" Tanong niya.

"Hindi pa ito ang lugar." I said without sounding irritated. Ewan ko ba, nahawa ata ako ng pagkairita kay Mamilyn, na balik sa normal na ulit. Sa akin naman ata nahawa ang pagkamainitin ng ulo niya.

Napakamot ng ulo si Thomas, naramdaman ata ang init ng ulo ko tapos may sinabi siya kaso hindi ko narinig. "Ano iyon?" I asked. Umiling naman siya kaya nanahimik nalang ulit ako.

Instead of answering my question, nilapitan ako ng kung sino at iniharap ako sa kanya, si Gello pala na may seryosong pagkakatingin sa akin at akala niya ba uurungan ko siya sa patagalan ng tingin na ganyan? Tss.. "Ano ba?"

"Huwag nga mainit ang ulo mo, meron ka ba?" Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at dahil doon nahampas ko ang dibdib niya kaya napadaing siya sa sakit at tiningnan ako ng masama. Hindi ko naman siya pinansin. "Aray! Masakit yun ah.. Anyway, kaya tayo bumaba dito dahil makakakuha ng atensyon ang sasakyan ni pareng Tom at baka mapagtripan pa tayo. Alalahanin mo na nasa squatter's area tayo pupunta. Panigurado maraming mga basag-ulo doon." Paliwanag niya. Sabagay, may point nga naman siya.

"Naintindihan mo na?" Tumango ako. Ginulo-gulo niya naman ang buhok ko na parang bata kaya pabalibag kong inalis ang kamay niya. "Hahaha, init ng ulo. Meron ka nga.." Dagdag niya pa.

"Shut up, Gello."

"No can do, cousin."

Hindi ko nalang siya pinansin at sa haba ng pag-aasaran at hampasan na rin namin, nakarating na pala kami sa isang maliit na bahay na gawa sa kahoy at may mga tao na nasa mga lamesa at kung hindi naglalaro ng baraha, kumakain naman sila. May mga nag-bibingo pa nga akong nakita. Parang hindi lamay yung pinunta ng mga tao dito.

"Oh may mga kabataan ulit, sino kayo?" Sabi ng babaeng nasa 40s at nangangamoy sigarilyo ang hininga niya kaya medyo napatagilid ako. Ayoko sa lahat ang amoy ng sigarilyo dahil sa... basta ayoko lang.

"A-ako nang bahalang kumausap." Prisinta ni Mami kaya tumango nalang ako. After a few minutes of talking, umalis yung babaeng kausap namin at pagbalik niya may kasama na siyang parang kasing-edad niya na babae pero, kumpara sa babaeng nauna kanina, ibang-iba ang aura ng babaeng nakaharap namin ngayon. "Magandang hapon po, ma'am peralta.?"

Tumango ang ginang. "Sino kayo, mga hijo't hija?"

"Umm.. ako po ay isang mag-aaral sa Pacific Scott at kilala ko---"

"PRES!?"

Napatingin kaming lahat sa lalaking sumigaw na nasa bandang likuran ng ginang na kaharap namin at mabilis siyang lumapit sa tabihan ng ginang.

"Hello, Larry.. condolence ha." Medyo yumuko pa kaming lahat, tanda ng pakikiramay.

"P-paano niyo po nalaman.. pres?" Tanong nung lalaki, na alam kong si Larry na nga, yung hinahanap namin. "A-at sino po sila?" Sabay turo sa amin, kaming dalawa ni Gello.

Malamang kilala niya rin si Berry at Thomas dahil sa PSA sila nag-aaral at kilala ni Mami. Hindi niya ba ako nakikita dati? Para six months lang naman ako nawala.

"Ah, nalaman ko lang sa faculty office dahil napadalaw na raw sila dito kahapon." Tumango naman ang binata. "At sila naman ang mga friends ko, si Berry, si Kayla at tsaka pinsan niya si Gello." Pakilala niya sa amin. "Kilala mo na naman siguro ang lalaking ito?" Sabay turo ni Mami kay Thomas. Tumango naman si Larry.

"Anak, papasukin mo muna sila sa loob para makasilip na rin sila sa ate tere mo.." Sabi ng ginang at nginitian kami nito bago nauna nang pumasok sa bahay.

"Nanay mo, Larry?" Tanong ni Berry. Tumango naman ang binata. "Ang ganda naman ni tita.. umm.. pwede na ba pumasok? At s-saka saan yung CR niyo? Pwede pagamit? Hindi ko na mapipigilan ito eh." Sabay hawak niya sa bandang puson niya.

Napailing nalang kami sa tinuran ni Berry at narinig pang natawa si Larry at maya-maya lang ay pinapasok niya na kami sa loob. Nilapitan ko ang labi ni Theresa Laviado pati na rin ang anak niyang si Themarry. Tiningnan ko ito ng matagal at babalik na sana ako sa upuan pero napaigtad ako at napatayo ang mga balahibo. Alam kong nasa likuran ko siya.. si Theresa.

"P-pwede mo bang.. ipasabi kay Larry ang mensahe ko, Kayla?" Tanong niya at naririnig kong humihikbi siya.

"Mamaya kapag nakausap na namin siya. Ngayong nandito ka na ulit sa bahay na ito.. may naaalala ka ba?" Bahagya akong tumingin sa gilid ko at nakita ko siyang tumango. "Ano iyon?" I asked. Medyo mahina ako magsalita para hindi mahalata ng iba.

"Y-yung m-mga lalaki kanina... yung nadaanan niyo sa isang bahay bago ang bahay namin... alam kong sila iyon... n-naaalala ko ang m-mukha nila... " Tumango ako. Naalala ko nga na may mga lalaking nag-iinuman sa katabing-bahay nitong bahay nila. Mga sampu ang bilang.

Umalis ako sa harap ng kabaong at nilapitan ko sina Mami na kumakain na ng hinain ni tita Lara, yung ginang na nanay ni Larry. Nakabalik na rin si Berry at masayang kumakain silang lahat.

Parang hindi sila kumain bago umalis sa mga bahay nila. Pati itong pinsan ko.. tss.

"Kai, di ka kakain? Sayang, masarap pa naman magluto si tita Lara." Aya ni Gello.

"Baka nakakalimutan niyo na ang sadya natin dito?" Tiningnan ko silang lahat ng matalim na tingin at parang naaalala na nila at tumigil na sila sa pagkain. I exhaled out of frustrations as I look at them. "Kumain na nga muna kayo. Hindi pa naman ako ganun kasamang tao para pagbawalan kayo. And it's rude to stop eating so suddenly." I said.

Nginitian naman nila ako at kumain na ulit. Ako naman ay sumubo na rin.

Pagkatapos namin kumain ay kinausap ni Mami si Larry na sumama sa amin sa pinagparadahan namin ng sasakyan. Pumasok kami sa loob ng malaking van. Nagtataka pa nga siya sa amin dahil bigla namin siyang hinila papunta dito.

"Uh-umm.. ano.. m-may sasabihin ba kayo? P-pres..?" Tanong niya at nilingon si Mamilyn.

"Larry.... namimiss ka na ni ate tere mo at pinasasabi niyang maayos na sila ni Themarry kung nasaan man sila ngayon." Bigla kong sinabi.

O_O --Larry

"A-ano po bang s-sinasabi niyo.. ate?" Naguguluhan na tanong niya. Hindi ko siya sinagot at tiningnan ko lang sa mga mata.

"Umm.. ganito kasi Larry.." Biglang singit ni Mami kaya napatingin si Larry sa kanya. "S-si Kayla... at kami.. part kami ng isang grupo.. basta medyo weird siya ipaliwanag pero in short nalang ng lahat, nakakakita at nakakausap ni Kayla ang mga kaluluwa."

"A-ano po!? P-pres, sana naman hindi po kayo nagbibiro--"

"We're not kidding kiddo. Mahirap i-explain pero totoo ang sinabi ni Mamilyn." Si Gello naman ang sumagot. "Nagkataon na ang ate Theresa mo ang humingi ng tulong sa amin na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya." Paliwanag niya.

Natatameme lang si Larry habang napapabuntong-hininga kami. Mahirap nga naman ipaliwanag ang sinasabi namin, sino bang maniniwala agad-agad sa sinasabi nami--

"Andito ba si Ate Tere ko?" Medyo nagulat ako sa tanong niya pero I composed myself and slightly nodded. Nakita ko kung paano pumatak ng sunud-sunod ang luha niya at nae-excite pang nagtatanong kung kamusta na ito at kung kilala nito ang mga walang kaluluwa na gumawa nito sa kanya.. nakikita ko namang tina-try ni Theresa na hawakan ang ulo ni Larry pero dahil kaluluwa siya ay tumatagos lang ito, pero mukhang naramdaman ni Larry ang hangin kaya napangiti na siya habang umiiyak pa rin.

Lumabas muna ako sa sasakyan saktong pagbaba ko ay namali ako ng tapak sa lupa kaya naman inaasahan ko nang mapapa-upo ako pero nagulat ako at tumibok ng malakas ang puso ko sa taong may hawak sa bewang ko ngayon. Nakapikit pa kasi ako kaya hindi ko nakikita kung sino ito pero kilala ko ang amoy ng pabango niya at ang pagbilis ng tibok ng puso ko ang nagkumpirma kung sino ito.

"Are you okay....... K-kayla?"

To be continued....

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now