Chapter 17: ABC Song

Start from the beginning
                                    

Parang nabingi ako sa sinabi niya. Malanding babae at makating lalake? Yun ba ang tinawag ng babaeng to sa mga magulang ko? I glared at her. Nararamdaman kong pulang pula na ang mukha ko sa galit. Wala siyang karapatang sabihan ng ganun ang mga nagpalaki sa kin. Nasaan ba sila nung lumalaki ako? Wala naman ah. Hindi sila ang kasama nila mama't papa sa bahay. Wala siyang alam.

Nung ibubuka ko na yung bibig ko para sumagot, manumbat, o maglabas ng galit. Naramdaman kong may humatak sa 'kin. Nakita ko na naman ang likod ni Dominic. Kinakaladkad niya ko palabas ng bahay. Saan naman niya ko balak dalhin? Nung nasa kalsada na kami. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Naglakad ako palayo sa kanya.

"Where the hell are you going?" tanong niya.

"Hell." sagot ko.

Huminga akong malalim at nagpatuloy sa paglakad palayo. Napahinto ako nung humarang siya sa dadaanan ko.

"We'll go to hell together." nakatingin siya sa mga mata ko nung sinabi niya yan.

“Bakit? Do you miss hell a lot??" I asked coldly.

"No. I'm enjoying heaven now. Here. With you. But you need me princess." sinabi n'ya yun as if stating a fact.

"I don't." sagot ko. stating a fact of my own. Yung galit ko kay tanda nabubuntong ko kay Dominic. Bakit niya ba kasi ako pinigilan? Bakit niya ba ko hinatak papalayo? Kailangan kong ipagtanggol ang mama’t papa ko mula sa matandang yun.

"You do." sabay hatak na naman sa kin. Habang binibitbit niya ko papunta sa kotse niya. Hindi ko na inisip na lumaban. He won't let me. He'll insist that I need him. That's him. He always know when I need him. Palagi niyang alam ang mga bagay na wala akong alam.

Binuksan niya yung pinto ng passenger seat. Pinapasok niya ko sa loob. Sinunod ko naman siya. Nung nasa driver's seat na siya.

"Now tell me. Where the hell is your hell?"

I told him our destination and he seemed pleased about the fact na sinama ko siya.

Lumipas ang dalawang oras nang walang kibuan nabasag na lang ang katahimikan nang bigla kong pinahinto ang sasakyan.

"Nandito na ba tayo?”

Tumango lang ako bilang sagot. 2 houses from where we stop stand a very familiar house.

"Wag kang susunod." Banta ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas nang sasakyan.

Naglakad ako patungo sa pamilyar na bahay. Tanda ko pa lahat. Yung kalsada. Yung itsura ng mga bahay. Yung mga puno. Lahat.

Huminto ako sa tapat ng pinto ng pamilyar na bahay at nakita kong bukas yung ilaw sa sala at naririnig ko rin yung tunog na nanggagaling sa T.V sa loob.

Kumatok ako sa pag-asang pagbubuksan niya ko ng pinto.

"Sino yan?" sagot ng boses ng isang babae.

"Ma?" tanong ko. Alam kong si mama yun. Tanda ko ang boses niya. Huminto ako, hindi ko sigurado kung anong kasunod nang pagtawag ko sa kanya. "Ako po 'to." Ang tanging naidugtong ko. Alam ko medyo may pagka-tanga yung sagot ko sa tanong niyang ‘sino yan.’

"Sino?" tanong ulit niya.

"Ako po ito ma. Si Nick."

Wala nang sumagot sa kabilang side ng pinto matapos kong banggitin ang pangalan ko. Kumatok ulit ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Pero naguumpisa ko nang maramdaman na hindi maganda ang kakalabasan ng pagbalik ko dito.

"Ma. Ako to. Si Nick."

Kumatok akong muli. Siya namang pagkawala ng tunog na nanggagaling sa T.V.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now