Chapter 1

163 7 10
                                    

Chapter 1


"wala kang baon ngayon"

napanganga ako bigla sa narinig ko galing sa bunganga ng nanay ko. anu daw sabi niya? hindi ko kasi talaga narinig

ibubuka ko pa lang yung bibig ko para sana umangal dahil wala rin akong pamasahe!

"wag mo na akong Kulitin Dianna Andrea Villafuerte"


lagot na! sinabi na ng aking ina ang maganda kong pangalan


"pero eomma! magugutom ako! wala rin akong pamasahe!"

tinignan naman niya ako ng masama. totoo naman sinabi ko eh!

"nag aaral ka ba? puro F lahat ng nakalagay sa Card mo!"

"eomma.. ang ibigsabin po kasi ng F na yun is Ferfect"

sana naman maniwala na tong nanay ko. ang layo pa naman ng school ko

"Letter P yun. hindi F! lumayos ka sa harap ko ngayon din!"

"pero eomma! diba pinalitan na! yung 'P' daw natin magiging 'F' na! Filifinas na nga pangalan ng bansa natin eh!"


"tumahimik ka!"


nagtatatakbo agad ako ng bigla niya akong batuhin ng kung ano ano. baka mamaya mabato nya na sakin yung gunting na hawak niya. baka mawalan pa siya ng magandang anak


"haayy ang layo layo ng school, lalakarin ko?!"


para na kong baliw na nag sasalita mag isa. ganun kasi talaga ako pag nagagalit o naeexcite basta.


ng makakita ako ng isang bato sinipa ko naman agad yun, yung malakas talaga. kaya tumalsik yun sa malayo


"Ahhh!!!"

napatigil agad ako sa paglalakad ng may biglang sumigaw. napa tingin naman ako sa Likod dahil dun nangaling yung ingay. nakita ko yung isang sasakyan na maganda basta dito ko alam tawag dun. tapos yung lalaki may dugo sa ulo at yung salamin ng kotse niya sa harap basag na, hindi lang pala salamin dahil nabangga yun sa pader kaya kawawa na yung itsura


"kawawa naman.."


bulong ko habang umiiling iling. ang gwapo pa sana nung lalaki. pinag patuloy ko na agad yung paglalakad ko ng may maalala ako...

wait! sinipa ko yung bato ng malakas pero sa likod ko yun sinipa at yung lalaki na nasiraan ng kotse at may dugo sa ulo ay nasa likod ko. hindi kaya....

"No! hindi ako yun!"

sigaw ko at nag patuloy ulit sa paglalakad pero parang feeling ko talaga ako yun. kaya muli akong tumingin sa likod at nakita yung bato na sinipa ko dun sa sasakyan niya

paktay ka Dianna!

napansin naman nung lalaki na naka tingin ako sa kanya kaya tumalikod agad ako at nag lakad. paktay ka dianna alam niya ata!

"Hoy Babae!"

tumingin naman ako ng dahan dahan sa kanya yung parang nasa mga movie lang. CHAROT!! yung mga nasa movie magaganda yung babae dun, Dyosa lang ako


Nyemas! ang Tangkad niya, ang laki ng Tenga niya at parang malaki rin yung alam niyo na!


naglalakad siya papalapit habang ang sama ng tingin niya sakin, Nang makarating na siya sakin. Dibdib niya lang ako -__-


100 Days With MR. Arrogant (Semi-Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon