Nung malapit na kami sa entrance ng PCA, saktong nakita ko na si Pran na prenteng-prenteng nakatayo na magkahugpong ang kamay sa harapan na parang prim and proper princess at nasa gilid niya si mr. Hall na pinapayungan siya kahit wala naman talagang araw. Maganda ang araw ngayon, cloudy lang. Uulan yata. I was about to walk pass my cousin when I felt at my back a gush of wind and I suddenly stop walking and look at it.

There she is, again. Sinusundan niya na naman ako. I blink after I saw her eyes... umiiyak siya pero kulay pula ang luhang lumalabas sa mata niya.. her bloody tears.

"Kai? Kayla." I snapped back to reality when I saw Gello looking intently at me and shifted his gaze at the direction I'm looking earlier pero parang wala naman siyang nakita doon.

Ako lang ba ang nakakakita sa babae? But why? "Hey you two, may problema ba? Did you see something interesting? Unfair kayo, patingin nga rin." Nakalapit na pala si Pran sa akin. Nanghahaba pa ang leeg niya na sinisilip yung tinitingnan daw namin na interesante kaya tiningnan ko siya ng masama. Alanganin siyang ngumiti at nag peace sign pa bago nagpaka-prinsesa na naman ang asta. "Ehem, ehem. Let's go inside. Mr. Hall, umbrella."

Agad naman tumalima sa utos ang tapat niyang bodyguard slash butler na si mr. Hall at iniangat nito ang payong. She is really spoiled but definitely not a brat one. Spoiled lang siya when it comes to mr. Hall. Sometimes I wonder what was it that mr. Hall sees at this girl. Does he have an idea that this girl is not really like a prim and proper princess that she's portraying? In fact, behind her 'princess' persona is a mischievous and tactless girl and sometimes a sadist too.

"Kung ako sa'yo Kai titigilan ko na iyang iniisip mo. Hihi~ let's walk." And she walk pass us. See what I mean? That is the real Pran.

"That girl. Hahaha! Nahahawa sa kanya si K ko eh." Naglakad na rin si Gello na parang bata. Nagha-hop pa! Tss.

Ang kailangan kong isipin ngayon ay ang babaeng nangangailangan ng tulong namin. I better call Mami to inform them about this.

****

MAMI

"Oo sige sasabihan ko nalang sila.. okay, bye." Agad kong pinatay ang tawag at binalingan si Thomas na halata sa tingin niya na gusto niya na akong magkwento.

"Sino iyon?" He asked.

"Bakit, selos ka naman?"

"Kung lalaki iyon, bakit naman hindi? May karapatan ako, boyfriend mo ako, Nanang."

"Seloso!" Dinutdot ko ang noo niya at natawa ako sa pag-pout niya. Such a cutie. "Okay boyfriend kong seloso, para sa ikagagaan ng loob mo, si Kayla po iyon at pinatatawag niya tayo mamayang hapon sa bahay niya. May kaso na naman ata." I explained to my jealous boyfie. "Ano, selos pa?" I added.

Umiling na lang siya. I patted his head like a dog. "Good boy. Good boy."

"Nanang hindi ako aso kahit kasing-cute pa 'ko nun. Isa lang akong gwapong nilalang na nagmamahal sa isang napakagandang babae sa buong mundo ko..." As he said those nagti-twinkle-twinkle pa ang mga mata niya. Ang cutie ni boyfie, hohoho~!

Uy, nagbalik ang addicting laugh ko. Hohoho~ part two.

"Oo na, pinakagwapong nilalang sa mundo ko. Now, handsome, lets eat first bago pa lumamig ang soup ko." And I dig in to my mushroom soup.

"Nanang, bakit ka nga pala nagso-soup lang?" Tanong niya pagkatapos kumain ng isang mamon. Isang subuan niya lang iyon. Grabe siya!

"Kasi masarap ang mushroom soup."

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now