Chapter 53 - Untitled.1

Começar do início
                                    

Madali lang naman pala ang gagawin kong eksena ngayon yun nga lang, whole day na naman ang taping ko. Wala na nga akong oras kay Shayne para mahatid sundo siya at nakakasiguro ako na nagbabyahe na naman yun papasok ng ICCT.

" Ahm. Excuse po, Sir Nicko. Kanina pa kasi tumutunog yung cellphone niyo. " Sabi ng isang crew sa akin. Hindi ko man lang narinig na tumutunog na pala ito. Iba nga talaga ang epekto ni Shayne sa akin.

Kinuha ko naman agad ang phone ko sa bulsa at laking gulat ko na lang na si Kiro ay tumatawag ng ganitong oras. Ang alam ko ay may klase ito ngayon.

" Kuya, sinugod si Shayne sa clinic. "

" WHAT! Anong nangyari sa kanya?! " Sigaw ko sa kabilang linya. Napansin ko naman na pinagtitinginan ako ng mga kasama ko dito at ang ilan ay nagsisimula na naman na magbulungan.

" Nakita ko kasi si Daniel na buhat buhat si Shayne at nagmamadaling pumunta ng clinic. Nang makaalis na sila ay agad akong nagpunta sa clinic para magtanong kung ano ba ang ginawa ni Daniel doon. Ang sabi ng school nurse namin dito ay nahimatay daw si Shayne sa sobrang pagkapagod at kulang pa ito sa tulog. "

" Nasaan na siya ngayon? " This hininaan ko na ang boses ko at baka kung ano pang tsismis ang lumabas mula sa tawag na ito.

" Ang sabi ng guard ay umalis ang sasakyan ni Daniel. Mukhang ihahatid niya ito sa bahay. " Sabay putol ko sa tawag.

Argh! Nakakainis!! Sa mga ganyang eksena dapat nasa tabi lang ako ni Shayne! Pero ano inuna ko? Personal needs at privacy! Ako dapat ang gumawa ng mga ginawa ni Daniel kanina! Malaman ko lang na may kinalaman siya sa nangyaring ito kay Shayne, makikita niya ang hinahanap niya!

" Sir Nicko! Tawag na po kayo ni Direk. " Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng tent.

Kailangan kong makagawa ng paraan para kamustahin si Shayne at baka kung ano na ang ginagawa ni Daniel sa kanya.

Pinuntahan ko ang isang tent kung saan nandon ang lahat ng staff and crew at parang may pinag-uusapan sila dahil they are murmuring there and that. Nilapitan ko agad ang kaloveteam ko na si Sophia. As far as I know, same school sila ni Alwy but she's in another department. She's beautiful and charming but like me, parehas kami na nasa loob ang kulo.

(A/N: Para malaman ang sinasabi ni Nicko, read TURN BACK TIME. Thanks ^__^v)

" Hey! I miss you. " Sabi niya sa akin na nakangiti at kumapit sa braso ko.

" Really? Same with me. " I smiled widely at nagblush siya. Deny deny pa siya na hindi niya ako crush eh halatang halata naman. (~~,)

After ng ilang kamustahan at kwentuhan naming dalawa ay tinawag na kami at pinaupo sa tabi ng director.The meeting goes like this. Pinapunta lang naman kami ng director at sinabing napakataas daw ng ratings ng show at nakatulong din daw ang paglipat ko ng paaralan. Madadagdagan daw ang airing ng show bale extended ito at madadagdagan din ito ng mga scenes kaya lalong hectic na naman sched ko. After ng meeting ay naglakad ako palayo sa tent dahil 30 minutes break pa bago magsimula ang taping at nagpunta sa kotse ko para tawagan si Nicole.

Calling . . . Nicole

Kailangan kong alamin kung may kinalaman siya sa nangyari kay Shayne at kung meron man, malilintikan talaga siya sa akin!

" Why, babe? " Babe? Huh? Kelan pa naging babe name ko?!

" May kinalaman ka ba sa nangyari kay Shayne ha?! " -__-

" Huh? Anong pinagsasabi mo? " Aba't nagawa pang magdeny!

" Huwag mo nga ako lokohin! Alam kong may kinalaman ka! " Pasigaw ko nang sinabi sa kanya at sapat lang para di mapaghalataan na may kausap ako sa telepono at may sinisigawan ako. Sakto din na pinarada ko ang kotse ko sa lugar na di ako madaling makita.

Thanks For The Memories (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora