"How about we play a game?" tanong ni Allison. Napatingin kami sa kanya. "Unang makakita sa kanila.The winner gets to eat more servings of dinner."

"Game ako dyan!" sabi ni Daphne at napatayo na din. Matakaw din pala 'tong babaeng ito.

Ngumiti si Allison. "Okay, maghiwalay-hiwalay tayo ah. Game." 

Napasabi na lang kaming lahat ng game at nagsilabasan na sila ng resort house. Bago ako lumabas eh kumuha muna ako ng isang pirasong barbeque. Sigurado akong makakatulong 'to sa paghahanap kay Tabby.

"Tabby, yoooohoooo~" sumisigaw-sigaw pa ako. Hinahanap si Tabby at winawagayway yung barbeque. Sigurado akong mahahanap ko siya sa pamamagitan neto. Yun pang babaeng iyon, napakalakas kaya ng amoy niya sa pagkaen. Sigurado nagugutom na yun. Kase naman eh, paligaw-ligaw pa.

Napagod na ako kakalakad kaya umupo ako sa may batuhan, at tinaas lang yung barbeque. Hihintayin ko na lang siya, panigurado namang-

"PAGKAEEEEENNNNNNNNN!!!!!!" nagulat ako nang biglang may narinig akong umuungol. Madilim, kaya hindi ko makita yung paligid. Pero parang malapit lang siya dito. Winagayway ko pa yung barbeque para maamoy niya. Narinig ko na naman siyang umungol, mas malakas ngayon. Hanggang sa may napansin akong papalapit na baboy.... este tao dito. Ang bilis tumakbo. Nanlilisik ang mga mata. Matulis ang mga ngipin.

SHET MAY ASWANG! pero maganda pa ren.

"Tabby, saan ka ba-" naputol yung sasabihin ko kase bigla niyang inagaw sa akin yung barbeque na hawak ko. Sinubo niya lahat iyon, buong-buo, mga 5 seconds pa lang naubos niya na. Hanep. Bawal ata talaga magutom 'tong babaeng ito... nakakatakot eh!! Mukhang aswang!! Pakiramdam ko kung hindi ako nagdala ng barbeque at nakita ko siya, baka ako ang lamunin niya eh.

Naubos niya na yung pagkaen at balik tao na yung awra niya. Tumabi siya sa akin sa may batuhan. "Nakakainis! Ba't kase naligaw kami eh... dahil kase sa inyo eh! Ang bilis-bilis niyong maglakad!! Tapos yung Greg na yun pa daldal nang daldal sa akin. Kaasar talaga!! Nako!!!!!!" naghi-histerikal siya doon. Natawa na lang ako. At least nakita ko na siya.

"Asan nga pala si Greg? May ginawa ba sa'yo?"

Nangiti siya sa akin nang nakakaloko. Nakakatakot talaga siya. "Hehehehehe, secret lang ah, hehehehe, kase.... Kei, nandito na si Greg, nasa tyan ko na siya, hehehehe, nabusog nga ako sa parte ng katawan niya eh-"

BINATUKAN KO NGA. 

"Aray!!! Ba't kaylangan mong mangbatok?! What the fuck! Ano ba yan!!! Kainis ka talaga Kei!!"

"Eh kase naman nakakatakot ka kaya!! Saka pinag-alala mo ako!"

Natigilan siya. Natigilan din ako. Tahimik tuloy, walang gustong magsalita. Napatingin ako kay Tabby. Mukhang nagutom nga siya ah. Nako.

"Taba, halika na, kakaen tayo ng barbeque."

"Talaga? Sige na, halika na nga! Bagal bagal mo!" sabi niya at nagmamadali nang maglakad. Sumusunod lang ako sa paglakad, habang siya mukhang masaya na. Nakakakaen na eh. Kaylangan talaga dito ng XL eh.... Xtra Lamon. Kundi Xtra Lagot ako.

Naglalakad lang kame hanggang sa napansin namin na parang wala kaming pinupuntahan. Weirdo naman. Alam ko yung daan eh. Pero bakit biglang nag-iba ata?

"Kei, sigurado ka bang hindi tayo naliligaw ah?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Patuloy lang sa paglalakad. 

"KEI SUMAGOT KA ANO BA NALILIGAW BA TAYO HA?"

Hindi pa rin ako sumagot, umupo na lang ako sa may batuhan kase napapagod na rin ako sa kakalakad. Ang saket na ng mga paa ko.

"Kei........" nakangiti siya sa akin. Patay tayo dito. Lord, nagsisisi na po ako sa lahat ng kasalanan ko. Hindi na ako magsisinungaling. Hindi na ako mangongopya sa exams. Hindi na ako maglalagay ng chewing gum sa pader. Hindi na ako uutot sa elevator. Hindi ko na hahawakan yung mga display sa museum kahit may 'Do Not Touch' sign. Hindi na ako kakanta sa harapan ng maraming tao. Basta sana mabuhay lang ako tapos neto.

"Hehehe, ayaw mo yun Tabby, adventure?" sabi ko na lang. Nakakuyom na yung kamao niya, yung ngiti niya na naman na nakakaloko, tapos nag-iiba na naman yung aura niya. 

"KEI..... WALANG HIYA KA!!! NOT ONCE, BUT TWICE!!! NAHANAP MO NA NGA AKO NILIGAW MO PA ULIT AKO!!!! PESTE!!!!! UNGGOY!!!! PULUBING PANGET!!!!!!!"

Ako si Kevin Dela Vega. Eighteen years old. Mahilig kumaen, gwapo, macho. Maiksi man ang buhay ko, okey lang, sulit na rin. Salamat sa lahat ng mga nagmamahal sa akin, mahal ko din kayo. Sana ipagdasal niyo ho na mananahimik ang aking kaluluwa.

(saka pagdasal niyo na rin na sumunod agad si tabby para magkasama kami sa afterlife JOKE)


The XL Beauty (PUBLISHED)Where stories live. Discover now