"Ang sabi ko, ihahatid na kita, at ng hindi ka na matutulog sa quarters. Unless na lang ayaw mo." Nakangiti ito.

Tama ba talaga ang naririnig niya? "Sure! Sandali, Sir. Mag-aayos lang ako saglit."

"Sige, antayin na lang kita sa kotse."

"Kumalma ka, para kang sira jan. Kababae mong tao."

"Oo na. Eh sa kinikilig ako."

"Huwag kang masyadong nagpapaniwala. Ayokong masasaktan ka sa huli."

"Oo na nga. Hindi ako masasaktan, ramdam ko. Isa pa, ramdam ko ring nagkakagusto na siya sa akin."

"Huwag kang masyadong mag- assume."

"TSe! Bye Lowai. Ingat ka mamaya pag-uwi mo ha."

Hindi sila nag-uusap habang nasa kotse. Bigla kasing hindi niya alam ang sasabihin. Nahiya siya kahit papaano.

"Matagal ka na bang barista?" Carlos broke the silence.

"Yeah. Sa Amerika pa lang ganun na ang ginagawa ko."

"I see. You grew up there, right?"

"Yep. Pero kahit ganun, proud akong sabihing dugong Pinoy ako, alam na alam ko ang mga kaugaliang Filipino."

"That's good to hear."

"Bakit ka nga pala nagtatanong?"

"I just wanted to know you more."

************************

"Mukha yatang may pag-asa na siya sa nililigawan niya ah." Ang ganda ng gising ni Kim, halatang masaya dahil panay ang mga ngiti nito.

"Feeling ko rin, Cuz. Nagbunga na rin ang mga santan, siopao at notes ko."

"Talaga lang ha. Sinagot ka na ba?"

"Hindi pa naman. Mamaya nga tatanungin ko ulit."

"Nag date lang kayo nung Sunday at gumawa ng sipao, nagbago na agad ang ihip ng hangin? Pakipot lang pala talaga si Mr. Grumpy ha."

"Oo nga eh. Kaya nga ang saya-saya ko, Gab. Feeling ko wagi na ang love life ko this time."

"Eh paano naman si girl na mahal nun?"

"Mawawala rin siya sa isip ni Carlos. Iba ako kung magmahal, remember?"

Natawa si Gabrielle. Iba nga kung magmahal ang pinsan niya. Buhos lahat, ang dinarasal niya lang, hindi ito masasaktan sa huli.

Nasundan pa ang paghatid ni Carlos sa kanya, hindi na rin ito nagsusuplado. Mabuti na ang pakikitungo. Kulang na lang nga maging mag textmate sila. Pero hindi na niya binalak pa, tama na yung nasa kanya ang atensiyon ng binata sa ngayon, tama na yung kilig na ibinibigay nito sa kanya.

"Miss Mendoza?"

"Yes Sir?"

"Thank you sa siopao."

"No problem, Sir." Nang makaalis si Carlos ay pinagkukurot ni Kim si Lowai.

"Siyempre, magpapasalamat yun dahil nakalibre na naman siya sa iyo."

"Tse! Binigyan naman kita ng pansit, di ba?"

"Hindi masarap."

"Hindi masarap eh naubos mo na nga."

"Sandali, kakausapin ko saglit si Sir Carlos. Aayain ko ng Sundate."

Kakatok na sana siya ng makitang may kausap pa ito sa telepono.

"Of course not, Zaf." Napataas ang kilay niya pagkarinig sa pamilyar na pangalan. Pangalan ng girlfriend nito. Alam niyang masamang makinig sa usapan ng iba pero biglang na curious siya.

"Yah, still not giving up on me. Masyadong matiyaga." Narinig niya ang malutong na halakhak nito. Mukhang masaya sa sinabi ng kausap. Tatalikod n asana siya pero biglang napahinto sa narinig.

"She gave me a siopao a while ago."

Siopao? Ako ba ang tinutukoy nito?

"But I like the strategy that you gave me. Nabawasan ang pagiging makulit niya. I think you are right that what she needs is just attention from me."

Bakit parang nasasaktan siya sa tinatakbo ng usapan nila?

"Of course, Zaf, I will never like her. She's not even my type. Kim will never replace you. Hey, I'll just tell you what will happen tonight, okay. "

Biglang parang napako na lamang si Kim sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam anong gagawin. Gusto niyang sugurin si Carlos.

"O Kim, bakit nasa labas ka? May kailangan ka ba?" Si Marcus.

Napalingon si Carlos ng marinig ang boses ng kaibigan at ang pangalan ni Kim. Nakita niyang biglang umalis ang dalaga. Tuluy-tuloy naman ang kaibigan sa loob.

"What happened?"

"I dunno. Hindi ko naman alam na nanjan siya." Bigla siyang na guilty. Narinig ba niya ang usapan nila ni Zafrina?

SPARKSWhere stories live. Discover now