They snapped from their eye-contact part. "Kuya Jerry." I uttered. Nabaling ang tingin niya sa akin.

Umupo ako sa sofa katabi ni Berry at Mami. Yung iba nagsipag-upuan na rin at walang naglalakas loob na magsalita. Tumagal ang pananahimik ng ilang minuto, bago binasag ni Kuya Jerry ang katahimikan. "You did it again, Kayla." Alam niya. Ofcourse he knew.

Sinalubong ko ang mata niya. "Yes, I did. Alam mo ang way ko ng pagtulong at sa tingin ko wala namang mali doon, so what's the fuss?" I asked. Umiling-iling siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"You know you can't do that spirit-talking and all of that, Kayla. And you Gello," then he shifted his gaze on my cousin, na parang walang naririnig na nakatingin lang kay K. "Hindi ba nandito ka para bantayan ang pinsan mo and keep her away from the dangerous things that'll cause her? Di ba?" Alam kong nagtitimping sumigaw si kuya sa amin, pero ako at si Gello, parang wala lang.

Nakikita ko sa gilid ng paningin na nagkibit-balikat lang ang pinsan ko. "Jerry, I get your point. Pero kung si Kayla ang may kagustuhan nito, hindi ba dapat, as her kuya, dapat intindihin mo nalang siya? And it's not her fault if she can see and talk to spirits, it's not like she can stop it if she wants to." Nagtinginan sila ng masama ni kuya pero si Gello din ang tumigil at nagbuntong-hininga ito. "At huwag kang mag-alala, ginagawa ko ang responsibilidad ko at pino-protektahan ko siya, namin, para hindi mapahamak. No need to worry."

"You should be." Tumayo si kuya Jerry at tiningnan kami, bago huminga ng malalim at magsalita. "Sige, wala na akong magagawa kung makulit kayo, pero kung pwede huwag niyong ipapahamak ang mga sarili niyo. Kahit na ganyan lang ang ginagawa niyo, delikado pa rin iyan. Sige, nagluto nga pala si Nanay Felicidad ng spaghetti at lumpiang shanghai at bumili din ako ng cake, I don't know what's the occasion but you can ask her." He said and left.

I was left speechless. Sino nga bang may kaarawan? Surely, it is not my birthday. Tapos na ang kaarawan ko last last month pa, that makes me 20 years old.

"Ahmm, excuse me guys." Nabaling ang mata ko kay Berry na nagmamadaling lumabas kung saan kadadaan lang ni kuya Jerry. Am I correct If I think that today is kuya Jerry's birthday?

I smirk at the thought. "That guy. Tsk." I murmured.

"His day? Kaya pala, parang mother hen at putak ng putak. Hahahahaha" narinig pala ng magaling kong pinsan at tinawanan pa.

"Aray! Kailangan mambatok?" He said, habang hinihimas yung parte na binatukan ko.

"Isa ka ring mother hen, Gello." Nagtawanan silang lahat at napangisi nalang ako sa kanya. Poor cousin of mine.

****

BERRY

Ito na. Ang matagal kong hinihintay or should I say, ang matagal kong hinanap at gustong-gustong makita.. si papa Jerry my loves! Akala niya hindi ko alam na birthday niya ngayon? Alam ko! Ako pa ba, na self-proclaim 'girlfriend' niya? At magiging future na rin? Hahaha.

Hinanap ko pa siya sa garage, nasa labas lang pala siya ng gate at nakaupo sa pavement sa harap ng mga bulaklak sa gate. Tinabihan ko siya at dahil naiilang ako tumingin nalang ako diretso sa kabilang bahay. Feeling ko pa nga namumula ako at nag-iinit yung pisngi ko sana hindi niya mahalata.

"Bakit mo ako sinundan? Di ba dapat kumakain ka na doon?" He asked. Hindi ko alam kung nakatingin siya sa akin kasi hindi pa ako lumilingon sa kanya. Kaya sinagot ko siya ng ganun.

"Ikaw, bakit hindi ka rin kumain.. birthday mo ayaw mo kumain." It was supposed to be a whisper, pero mukhang narinig niya. Nagtataka pa nga siya, parehas na kasi kaming nakatingin sa isa't-isa. And it was awkward because our lips are like inches apart. Wew! Stay still my heart.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now