"Urgh!" Nabunggo ako o tamang sabihin na may bumunggo sa akin. Talipandas!

"Watch your steps! Gosh, tatanga-tanga." I clearly heard the familiar voice said. Automatic na tinignan ko kung saan nanggaling ang boses na nakakainis sa sobrang kaartehan at nakita ko nga ang pinagsimulan ng kamalasang nangyari sa amin.

"Oh, Laira the bitch? Sorry ha, hindi kasi ako tumitingin sa mga polluted na lugar sa paligid ko, you know?" And I gave her my sweetest smile, shadowing my smirk because of her ugly face. Magkaibang-magkaiba sila ng mga kapatid niya. IBANG.IBA.

Inismiran ko lang siya at tinalikuran pero mukha naman ni Rodney ang nakaharap ko. Really, is this my day?

"Oho, magkasama ang couple.. bagay na bagay nga kayo." Tinuro ko silang dalawa.

"Really? Well alam ko na iyon." At ang ever-conceited na babaita, hindi nakaramdam ng SARCASM. Harhar talaga siya.

"Oo bagay na bagay talaga kayo.. dalawang manloloko. Oh di ba perfect couple?" Oh ano sila ngayon? Nganga! "Hmp, makaalis na nga at ayokong mahawakan ng mga polluted na tao." At naglakad na ako papunta sa College Department hanggang sa room ko.

Kung hindi lang ako nakapag-pigil, naku! Baka may pasa na sa mata si Rodney at mukha namang binasahan si Laira the bitch sa pagsabunot na gagawin ko sa kanya. Ganyan ako kagalit sa kanila.
Lalo na kay Rodney.

"Hey, bad mood?" Napatingin ako sa dalawang kadarating palang. Si Mami yung nagtanong. Nginitian ko lang siya. "Huwag mo kong ngingitian hindi tatalab sa 'kin yan. Now tell me what happened?" She asked.

And I don't have a heart to hide to her what I felt and what was the reason behind it.

"Well, nasira na ang araw ko, thanks to those cheaters." I grunt. Alam na naman ni Mami kung sino iyon.

As expected, alam niya nga dahil napaismid rin siya. "Psh. Let them be, okay? As long as wala silang ginagawa sa atin mananahimik lang tayo." Pagpapahinahon niya sa akin.

Kahit papaano kumalma naman ako. Pero parang nag boil ulit ang dugo ko nung pumasok ang dalawang manloloko sa room. Nga pala, kung hindi niyo nalalaman nag-take si.. yung lalaking manloloko ng exam na makakapag-skip siya na maging graduating kaya kasama namin siya pati yung babaeng malandi. Ohhh.. look at those two, landian pa more ang peg. Kakasuka.

Nawala yung ingay ng class room ng pumasok si ma'am Elvie at biglang sinabi na wala kaming klase ngayon dahil may general meeting daw ang mga teachers. Bakit ngayon lang sinabi? Tsk. Anyway, that's okay.

"Lets go, girls.. punta muna tayong cafeteria?" Yaya ni Thomas.

"No, ayoko sa caf, sa Mystery club room tayo." Bigla akong napalingon kay Mami sa sinabi niya. Nakakabigla kasi. Its been... 4 months since we last stayed at that room. Si Mami ang isa sa mga ayaw nang bumalik doon kasi mas lalo niya daw nami-miss si Kayla kaya hindi na talaga kami nag-step foot dun. But now, what is the reason she changed her mind?

****

MAMI

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit gusto kong bumalik at tumapak ulit sa mystery club room. There's this strange feeling na nagpu-push sa akin na pumunta doon after almost five months of not setting my foot there.

Nung nakarating kami sa harap ng pinto ay ipinihit lang ni Thomas ang seradura ng pinto at bumukas na ito. Hindi pa ata nilo-lock ng pamunuan ng PSA. Pero ayos na rin atleast nakapasok kami agad.

I wasn't expecting anything when we go here but when I smelled some masculine perfume, bigla akong kinabahan.. the scent is not familiar pero mabango siya. Hindi naman siguro ang multo iyon.. di ba? Kasi wala naman pumapasok dito... O baka hindi ko lang alam?

Ghost Detective! (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang