SEASON III:: Chapter 42

Bắt đầu từ đầu
                                    

Natahimik ako sa sinabi niya. She has a point. Pero hindi ko kasi maiwasang sisihin ang sarili ko... ako yung mas nakakaalam ng relasyon nila Rodney at ng babaeng iyon simula noon pa tapos pinagtulakan ko pa si Kayla sa kanya. I am partly at fault kung bakit sila nagkalapit.

Naramdaman ko ang mga kamay na humawak sa pisngi ko at parang may pinahid na kung ano pero naramdaman ko basa iyon. I shed a tear. And Thomas wiped the tears escaped from my eyes. "Don't blame yourself. Wala kang kasalanan kung ginawa man ng gagong iyon ang ginawa niya. Now, let's go to Kayla's house. Gusto ko na rin siyang makita at kamustahin. Hindi man halata pero naging malapit na rin si Kayla sa akin kahit sandali pa lang naman natin siya nakilala compared sa friendship natin na nuong bata pa tayo nabuo."

I gave him a faint smile, "Thanks, Tatang."

"You're welcome. Now lets go to Kayla. She needs a friend right now, I believe."

Magkakasama kaming pupunta sa bahay ni Kayla. Magkahawak-kamay kami ni Thomas, even Ate Mig is with us kasi nag-aalala rin siya at nagagalit rin kay Rodney. Si Berry wala pa rin imik habang naglalakad kami and at her back following her is Kamil who is just relaxed and I can't read her mind. Sabagay kelan ko ba nagawang mabasa ang isang yan? At kanina pa rin siya walang imik.

Bago kami makalabas sa vicinity ng PSA ay nakita pa namin ang taksil at manloloko kasama ang isa pang taksil. May gana talaga silang maglandian, nagngingitngit ang kalooban ko sa galit at alam kong nararamdaman ni Thomas ang paghigpit ng hawak ko sa kamay niya.

"Don't mind them, Nanang. Let them be." He whispered. Kahit papaano kumalma ako.

---

Nasa malapit na kami ng mahagip ng mga mata namin si nanay Felicidad na nagsasara ng gate kaya kumalas ako sa paghawak ni Thomas at tumakbo bago pa maisara ni nanay ang gate.

"Oh? Nakakagulat ka naman hija. May kailangan ba.. kayo?" Sabay tingin niya sa likuran ko.

"Nanay, si Kayla po ba andyan? Pwede po ba namin siyang makausap? Please po gusto lang po namin siyang makausap.." Pakiusap ko.

Nagtataka naman na tinignan kami ni nanay felicidad na ikinataka ko. I'm sure pati ang iba nagtataka din.

"Hayy.. hindi sinabi ng batang iyon ang pag-alis niya, ano?" Bumuntong-hininga pa ang matanda pero kami natahimik at natulos sa kinatatayuan namin.

Umalis..? Umalis si Kayla, nang hindi namin nalalaman?

"A-ano pong ibig niyong sabihin na umalis si K-kayla?" Hindi ko na alam kung sinong nagtanong dahil natuon ang isip ko sa pag-alis ni Kayla.

"Ika-isang linggo na bukas ng pag-alis ni Kayla kasama ang mga magulang niya.. hindi namin alam kung kailan ang balik nila. Kung makikita niyo lang ang kalagayan ng alaga ko.. wala siyang malay ng isinama siya ng mga magulang niya sa ibang bansa at narinig kong dadalhin nila muna ang alaga ko sa ospital kung safe ba siyang bumiyahe pa-ibang bansa." puno ng pagsinghap ang narinig ko sa buong paligid pero nanatili akong tahimik at walang masabi. "Ang anak ko ang kasama ni Kayla sa kwarto nito at bigla nalang daw nag-uubo at sumuka pa ng dugo dahil sa kakaiyak. May nangyari ba sa alaga ko sa pinapasukan niya? Kasi iyon din ang narinig kong sinabi ni Jerry."

Nagsuka ng dugo habang umiiyak? Baka napasobra lang naman ng pag-iyak, hindi ba? Okay, don't think of anything Mamilyn, wala lang iyon. Sobrang nasaktan lang siguro siya.. dont think of anything.

"Ay, andito pala si Jerry, siya nalang ang tanungin ninyo at may gawain pa akong tatapusin, sige mga hija at hijo." At pumasok na si nanay felicidad sa loob.

Ghost Detective! (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ