Chapter 40 [Part 1]

Start from the beginning
                                    

Biglang nagsituluan ang mga luha ko at maisip ko palang na hihiwalayan ko si Rodney at makikita ko ang malungkot niyang mukha.. para na akong pinatay. Hindi ko man vocally sabihin ang three words na alam kong magpapasaya sa kanya, alam ko sa sarili ko na nandun na ako. Mahal ko na siya. I love Rodney Moore and it hurts to know that my friend doesn't like him.

She can wish for anything.. but not to stay away from him.

"Layuan mo na siya. Wala siyang magandang maidudulot sayo. Stay away from him." Inuulit pang sinabi ni Leira. Umiling-iling ako.

"But I.. I already love him.. hindi naman dahil sa sinabi mo ay susundin na kita. Hindi ko rin naman alam kung bakit mo sinasabi yan sa akin ngayon." Hindi ko talaga alam kung saan siya nanggagaling sa sinasabi niya. I thought she likes him for me? Hindi naman siya nagsasabi sa akin tungkol sa mga bagong kaibigan ko, parang ngayon ko nga lang narinig na banggitin niya ang pangalan ni Rodney eh.

Sumama ang tingin niya sa akin pero nandun pa rin ang nagmamakaawa niyang mga mata. Parang may sinasabi sa akin ang mga matang iyon.

Pero nawalan ito ng emosyon. "Basta, listen to me. Hiwalayan mo siya. Layuan mo na siya!" Nagitla ako sa pagtataas niya ng boses. This is the first time na nakikita ko si Leira na nagagalit ng ganito. Lalo akong naiiyak dahil hindi ko alam ang pipiliin ko. Para kasing ganun ang nangyayari eh.. pinapapili niya ako sa kanya at kay Rodney at hindi ko alam kung sino dahil hindi naman dapat! Wala naman dapat na mas lamang. Pero nagmamakaawa rin akong tumingin sa kanya.

"Ayoko! Mahal ko siya.. hindi mo nalang ba tatanggapin yun?!"

She looked furious at walang emosyon niyang binitawan ang mga salitang nagpaluha sa akin.

"Sorry pero hindi ko tanggap... " and then she left me crying.

****

LEIRA

Iniwan ko siya sa silid na umiiyak. Pinipigilan ko rin maiyak kanina dahil nasasaktan rin ako. Pero alam kong sooner or later mare-realized din niyang tama ako. Na mas tamang layuan niya si Rodney. Bumuhos ang luha ko ng makalabas ako sa silid ni Kayla at pumunta ako sa kwarto ni Feli. Buti walang tao, well parang makikita nila ako, doon muna ako magsi-stay para iwasan si Kayla. Ayoko siyang makitang malungkot at umiiyak katulad nung mga panahon na umuuwi siya sa bahay at umiiyak dahil inaasar siya ng mga kaklase niya nung elementary na weirdo daw siya at anak ng kamalasan. Ako ang taga-comfort niya ng mga panahon na iyon at nangako pa ako na hinding-hindi ko siya iiwan at ako lagi ang tagapagtanggol niya.

Tapos ginawa ko ito sa kanya.

Pero alam kong para sa kanya ang ginawa ko. Hindi sila pwede ni Rodney Moore dahil may nakalaan na dito. May ibang nagmamahal kay Rodney at alam kong mahal pa rin niya siya. This is the least I could do para bumawi sa mga pagkukulang ko sa pamilya ko at sa mga kapatid ko.

Especially... sa kakambal ko. Si Laira.

Yes, I regained my memory. Hindi ko alam kung paano o kung bakit pa pinaalala sa akin ng diyos ang nakaraang buhay ko. Sobrang tagal na noon.

Kung pwede lang, sana hindi ko na naalala ang tunay na ako. Hindi sana masasaktan si Kayla ng ganito.

****

RODNEY

Malungkot ako. Nabo-bored ako. Wala kasi ang constant sunshine ng buhay ko.. bakit kaya um-absent yon? Sabi niya naman nung last time na nagka-usap kami nung nag-meeting lahat ng GDs tungkol kay Kuya Jerry ay hintayin niya raw ako pero ako ang naghintay sa kanya pero bigo. Wala talaga siya. Absent.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now