Napaawang ang labi ko sa naisip na pinahihiwatig ni Ace sa sinabi niya pero agad ko din dinismiss ang pag-iisip ng ganon. "No! Kayla is not like that! Alam ko yon dahil matagal ko siyang nakasama at parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Yes, hindi siya pala-kaibigan o anti-social siya at sa totoo lang medyo weird siya minsan pero hindi siya Kulto! Ace naman, mag-isip ka ng ibang magandang dahilan!"

"Oo na, oo na! Ang init ng ulo ah. Isang possibility lang naman yon, at hindi pa ako tapos sa sinasabi ko!" Sigaw niya sa akin.

"Oh, ano palang isa pang naiisip mo?" I asked him. Si Adrian nananahimik pa rin.

"Alam niyo ba yong 'ESP'? Saka yung paranormal? Baka isa doon ang taglay ng kinakapatid mo." Nakikita ko kislap sa mga mata ni Ace. Glistening from excitement.

Medyo weird nga pala mag-isip si Ace.

"ESP? Di ba ESP saka Sixth sense iisa lang? Tapos ang paranormal yung mga nakakakita lang ng multo pero hindi ko alam kung nakakausap din nila. Now this is interesting.." Nabibigla akong napatingin kay Adrian sa sinabi niya.

Hindi si Adrian ang tipo na maniniwala sa mga ganyang bagay. Nakakabigla lang na may ganyan siyang side. Madaldal at makulit si Adrian, yung pagiging playboy niya pa, pero bukod doon wala rin ako masyadong alam sa kanya kahit na sabay kaming nag-training at magka-partner rin kami kadalasan sa mga missions. Ma-sikreto siyang tao. Si Ace naman kasi kailan ko lang nakilala dahil hiwalay na nga kami ng missions ni Adrian two years ago pa. Pero mas masasabi kong mas kilala ko si Ace kesa kay Adrian.

Nahulog ulit kami sa mas malalim na pag-iisip hanggang sa may naalala ako.

"Paano nga pala natin sasabihin 'to kay chief Blast?" I suddenly asked.

Natahimik at nanigas sila sa sinabi ko at kalaunan ng nakabawi sa gulat ay sabay silang nagmura. Ako din napapamura sa isipin na sasabihin namin ito kay Chief Blast. Baka paputukan nalang kami ng bomba noon. Si chief Blast kasi yung tipo ng tao na dedikado sa trabaho at hindi siya tumatanggap ng mga 'baka ganito', 'baka ganyan', in short mediocre works. He wants definite and sure answers to his questions. Walang hindi sigurado o pagdadalawang-isip.

Bahala na lang mamaya. Sa ngayon kakausapin ko ulit si Kayla.

****

KAYLA

Pagkatapos kong sabihin kay Kuya Jerry yung tungkol sa Ghost Detectives at sa kakayahan ko.. hindi man lang siya nagsalita at pinag-paliwanag lang ako tapos umalis na siya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa akin o kung naniniwala ba siya sa mga pinagsasabi ko kagabi. I also learned from nanay Felicidad na bumisita sila Kuya Adrian at may isa pa raw lalaki kay kuya Jerry at dumiretso daw agad sa kwarto ng huli. Malamang ako at yung sinabi ko ang pinag-usapan nila.

Pero mas naguguluhan at naninibago ako sa pagiging tahimik ni Leira. Kung ano yung pwesto niya kagabi ay ganun pa rin hanggang ngayon and I don't know why is she acting like that. Nag-sorry na nga ako ng maraming beses pero still no response from her. I'm hearing her murmuring from time to time and I tried to asked her but to no avail. I'm starting to get pissed pero iniintindi ko nalang siya. Maybe she's just depressed dahil wala si Feli. Wala siyang mapo-possessed.

Iniwan ko nalang siya sa kwarto at dumiretso ako sa kusina habang nag-GM sa buong GDs.

To : Mystery Club Members

(I already told kuya Jerry about us, about my secret ability, pag-uusapan natin later. 2pm sharp.)

Wala kaming classes ngayon dahil weekends kaya makakapag-usap talaga kaming lahat. Nag-reply pa sila ng 'okay' at 'i'll be there' pero iba ang hinihintay kong reply. Hanggang sa kumakain na ako ng breakfast ay wala pa rin yung text ng Rodney na yon. Busy ba siya o natutulog pa rin? It's almost 11.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon