Kunot-noong tiningnan niya ako. "Hindi ganun si kuya Jerry, I know him. Hindi niya gagawin yon."

"We will never know." Lalong sumama ang tingin niya kaya ngumiti ako ng konti. "Hindi naman sa sinasabi kong ganung tao si Kuya Jerry. Alam kong mahalaga siya sa iyo at ganun din naman ikaw sa kanya pero paano sila Adrian? Saka yung isa pa nilang kasama? Wala tayong kasiguraduhan."

Matagal kaming natahimik at alam kong napaisip siya sa mga sinabi ko lalo na nung makita ko ang lungkot sa mga mata niya pero bigla rin itong nagbago at nangunot sabay tingin sa bintana ng kwarto niya na nakikita mula dito sa tapat ng bahay nila. Parang may nakita siya doon na siya lang ang nakakakita.

Huwag mong sabihing... may kaluluwa din sa bahay niya?

After a minute na pagtingin doon ay binaling niya ang tingin sa akin. "Salamat sa pagiging honest at sa pag-aalala. Sige mauna na ako sa loob.. bye Rod." Agad siyang nakapasok sa bahay nila bago pa ako magsalita.

Naku, ginulo ko ata ang iniisip niya? Tsk! Kakaasar naman talaga ang katangahan ko! Kumo-qouta ako sa pagiging tanga lately. Tss.. makauwi na nga lang.

****

KAYLA

Sa totoo lang hindi ko rin alam ang gagawin ko.. kahit na tinanong ko si Rodney ng opinyon niya at maayos niya namang naipaintindi sa akin ang punto niya pero still.. I don't know what to do. Gusto kong manahimik nalang at walang sabihin pero alam kong kapag sinabi ko naman iyon ay mas lalong magbabantay si Kuya Jerry sa amin at alam kong sa ganun din mapupunta.. Malalaman niya rin. Kapag sinabi ko naman.. tama din si Rod, na maaaring hindi sila maniwala--sino nga naman ba ang maniniwala sa abilidad ko? Kahit nga sarili kong pamilya animo diring-diring sila sa abilidad kong ito. Nakakatakot daw. Nakakakilabot.

Sana po Lord, kayo nang bahala kung anong gagawin ko.. give me a sign.

Agad na akong pumasok sa bahay at nadatnan ko si Nanay Felicidad na nanunuod ng balita habang inaayos at pinupunasan ang mga figurines sa table at pati na rin sa estante. Nung nakita niya ako ay binati niya agad ako. Nginitian ko lang siya.

"Nasaan po si Feli? Bakit kayo lang po mag-isa ang naglilinis po dito?"

"Ah, ang anak ko ay nasa silid niya lang at natutulog. May field trip raw kasi sila bukas ng maaga kaya maaga rin siyang natulog. Nagugutom ka na ba, anak? May pagkain akong niluto hija. Halika at ipaghahain na kita." Agad niyang pinigilan si nanay Felicidad sa pagpunta nito sa kusina.

"Naku, huwag na po nanay, busog pa po ako at saka may gagawin pa po akong homework. Kayo nalang po ang kumain nanay at tigilan niyo na po ang magtrabaho.. magpahinga na rin po kayo katulad ni Feli." Ngumiting tumango naman ito kaya napangiti na rin ako at paakyat na sana papunta sa kwarto ko pero may naalala ako.

"Nga pala nay, umuwi na po ba si kuya Jerry?"

"Ay naku anak, hindi pa nga eh. Nag-aalala nga ako kasi ala-sais na at wala pa rin siya eh madaling araw palang kanina ay umalis na iyon hindi ko naman alam kung saan nagpunta. Kasama niya pa yung makulit na kasamahan niya raw sa trabaho. Hindi ko nga rin alam na may trabaho pa siyang iba bukod sa pagiging personal bodyguard at driver mo."

Kung alam niyo lang kung anong trabaho niya.

Nginitian ko nalang si nanay. "Nay, pakisabi naman kay kuya pagkarating niya na dumiretso sa kwarto ko. Salamat po, magpahinga na po kayo." Tumango nalang si nanay felicidad at dire-diretso itong pumunta sa tinutuluyan nilang kwarto at ako ay ganun din ang ginawa.

Pagkapasok ko sa bahay ay agad napunta ang tingin ko sa pigura na nakayuko sa ibabaw ng kama ko at nakatingin sa akin na parang may nakikita siyang kung ano sa akin. Actually, kanina pa siya nakatingin ng ganun sa akin simula palang kaninang magkasama kami ni Rod at magkahawak ang kamay sa labas. Para bang may hint of sadness at the same time anger sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Leira, nakatrip ka na naman ba? Please huwag ngayon dahil kailangan ko ng ka-seryosohan mo ngayon." Nasabi ko pa. Pero wala akong narinig na sagot niya.

Binalewala ko nalang yon dahil baka nagtatampo pa rin siya at nalaman ko pa kanina na mawawala pala bukas si Feli at may field trip daw ito. Wala siyang body na pwedeng ipo-possessed para makalabas. Nagtungo na lang ako sa closet ko and change into my comfortable super large black Tshirt na may nakaprint na 'Black Is Cool' at maluwag din na short na below-the-knee.

Hanggang sa matapos ko nalang ang homework ko ay hindi pa rin kumikibo si Leira at nagtataka na rin ako dahil hindi naman siya ganito katagal magtampo at nakiki-tsismis na dapat yan ng kung anong nangyayari sa araw ko sa PSA o kung may bago bang kaso ang Ghost Detectives.

"Hey, Leira.. may problema ba? Sorry kung nawawalan na ako ng time na makipag-usap ha? May mga problema din ako, tungkol sa Ghosts detective group natin. Hindi ko nga alam kung sasabihin ko na kay kuya Jerry itong ability ko." Still no response.

Unti-unti na akong naiinis sa ipinapakita niyang asal na hindi niya pa ginagawa sa akin noon. Pero aminado rin akong namimiss ko na ang madaldal at childish na si Leira na kaibigan ko.

"I'm sad and I don't know why.." May narinig akong murmur sa kanya pero hindi ko naintindihan kung ano.

"Ano yon?" Umiling lang naman siya.

Haayy.. what's going on? Is this the unexpected thing that I told them earlier? Ito na ba iyon?

*knock.knock*

"Tuloy kuya, bukas yan." Hindi nga ako nagkamali at si Kuya Jerry nga ang bumungad sa pinto at isinara niya rin agad ito at umupo sa mini table set ko at pinakiramdaman ko ang sarili ko at ayon nga.. kinakabahan ako.

"What do you want to talk about, Kayla?" Mukhang alam na niyang may sasabihin ako. As expected from a notorious detective

"Kuya.. may sasabihin ako sa iyo. Please, kung anuman ang marinig mo sana.. sana hindi mo ako husgahan at saktan. Please kuya.. Promise me."

"Of course I won't do that. That's the last thing I would do to you. Pero ano bang sasabihin mo at parang ang seryoso mo naman ata? Haha hindi kasi ako sanay.." Napapakamot pa siya sa sentido niya at talagang clueless sa mangyayari but I know better.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at tiningnan ko siya sa mata. "Kuya... may kakaiba akong ability at hindi ito basta-basta lang. Actually ayoko sanang sabihin ito sa iyo pero napagtanto ko na ito na ang tamang panahon para malaman mo ang pinaka-sikreto ko.."

"Haha, a-ano bang sinasabi mo? Anong ability?"

Pumikit ako at alam kong sa pagpikit ko ay masasabi ko na ang katotohanan tungkol sa akin.

"Kuya Jerry...

..

..

..

..

I can see and talk to a ghost."

Napaawang ang mga labi niya at natulala sa sinabi ko.

***
A/N : THANK YOU READERS!! Kahit na matagal-tagal din itong Hiatus ay patuloy niyo pa ring binabasa at tinatangkilik(naks naman sa 'tinatangkilik! xD) pero back to what I was saying.. Salamat po talaga ng marami! Hindi man ako magaling na writer at sa totoo lang ang mediocre nga ng mga works ko pero still binabasa at binoboto niyo pa rin. Thanks!

And yes, nagbabalik na ako para mag-update ng GD, pero hindi regularly dahil busy rin akong tao at dalawa itong ongoing kong stories kaya hindi madaling mag brainstorming at mag-isip ng nakakashocking at nakaka-excite na plot pero promise, I'll do my very best! As in nunuot-nuotin ko ang utak ko sa ideas!! At nag-iisip pa rin kasi ako ng bagong stories pero next year na yon, hopefully.

That's all for now. Welcome back to me! 😊😊😊😊🌸💞💝💖

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon