Linis

*Blag*

"Ay kabayo ka!!" Nako naman akala ko pa naman ano nang nahulog sya lang pala.

"Aalis ka?"

"May pupuntahan ako"

Nagmamadali sayng umalis saan naman kaya yung lakad nun? Hinabol ko sya para malaman kung saan sya pupunta at sakto hindi pa naman nakaka alis yung kotse nya.

"Kyle dito ka ba mag tatanghalian??!"

"Hindi na. Paki sarado na lang yung gate."

"Maka utos to ah. Opo!!"

Nagmadali naman syang umalis.

"Sus kanina ang init init ng ulo tapos ngayon ang sayang umalis. Ano naman kaya yung drama mo mamaya Kyle Montefalcon?!"

Tinuloy ko lang yung ginagawa ko at pagkatapos nagbihis na ko at pumunta ng supermarket \0/ Makakapasyal ako hehe..

********

"Ano kayang masarap iluto ngayon??"

Pili dito

Pili doon

Kuha dito

Kuha doon

"Okay na siguro to baka hindi ko na mabuhat"

Pumunta na ko sa my counter at nagbayad na. Grabe nagutom ako dun ah.. Naghanap ako ng makakainan at may nakita akong food court.

"Ang sabi nya hindi sya sa bahay mag tatanghalian kaya kakain akong mag isa dito."

Pumili na ko ng pagkain ko at nung kukunin ko na yung tray may biglang humawak dun.

"Akala ko bang wala kang pera??"

Pag tingin ko dun sa nagsalita.

"Ikaw pala Nathan!"

"Wag mo nga akong tawaging Nathan! isang lang naman yung tumatawag sakin ng ganyan."

"Sino naman girlfriend mo?"

"Wala ako nun. Teka nga ganito pala ang walang pera?"

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now