35 : Pag-ibig nila Adelina at Simon

Start from the beginning
                                    

"Nagpasya akong umuwi dahil may nakarating sa aking balita. (Sabay isa isa kaming tinignan) May nagsabi sa akin na may isang magandang babae na magaling sa esgrima. Suabalit hindi ko naman akalain na ang aking esposa pala ang kanilang tinutukoy."

Hindi ako nakapagsalita.

"Papa huwag po kayong magalit kay Mama. Ako po ang pumilit sa kanyang turuan ako."

Tinitigan nya akong mabuti, "Iyon nga ang pinagtataka ko ni minsan hindi ko nalaman na marunong palang mag-esgrima ang iyong Mama."

"Hindi naman kasi gaanong mahalaga sa akin ang esgrima kaya hindi ko nasabi syo."

Ngumiti sya sa akin bago nagsalita, "Nais ko tuloy malaman kung gaano ka kagaling."

"Naku Papa sobrang galing ni Mama!"

"Alejandra!"

"Ganun ba anak? Pahiram naman (sabay kuha ng pang esgrima kay Ramon). Nais kong malaman ng personal ang galing mo. Huwag kang magpapatalo isipin mong hindi ako si Simon."

"Nakakasabik naman ito! Tara maupo na tayo doon Mang Ramon."

Nakita ko ang pangamba sa mukha ni Ramon kabaligtaran ng kay Alejandra.

"May magagawa ba ako para mag-iba ang isip mo," sabi ko.

"Wala aking mahal," nakangiti nyang sabi.


Pumuwesto si Simon at wala akong magawa kundi ang pumwesto rin. Noong una mistulang tinatantya namin ang bawat kilos at halos marahan ang pagtatama ng aming mga sandata. Nang di lumaon ay nagsimula ng sumugod sa akin si Simon. At sa bawat pagsugod ko ay mabilis kong nasasalag hanggang sa ganahan na rin ako sa ginagawa namin. Ako na rin mismo ang sumusugod matapos kong masalag ang mga pagsugod nya hanggang sa napalakas ang pagtira ko at lumipad ang sandata ni Simon. Gulat na gulat sya sa ginawa ko pagkatapos gumihit ang napakatamis nyang ngiti. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin at buhatin.


"Simon ano ba?"

"Lalo mo akong pinahanga mahal ko."

"Ibaba mo nga ako at may mga nakatingin sa atin."

Lumingon sya sa kanila, kung kanina sila Alejandra at Ramon lang ang nanonood ngayon pati ang iba naming kasama sa bahay ay nanoood na rin pala.

"Bukas na ulit kayo magsanay at nais kong makausap ng husto ang iyong Mama."

"Simon!"

"Bakit? Napahanga mo nga ako pero marami pa kong itatanong syo na gusto ko tayo lamang."

"Ano?"

Ngumiti sya, "Kayong lahat magsibalik kayo sa mga trabaho ninyo."

Mabilis silang kumilos.

"Papa pwede po kaming magsanay ni Mang Ramon?"

"Payagan mo na," sabi ko.

"O sige. Pasalamat ka alejandra at malakas ka sa Mama mo. Sige aalis na kami."

"Pwedeng ibaba mo na ako?"

"Ayoko nga. Sa tingin mo abswelto ka na sa akin."

"At anong kaso ko?"

"Marami. Ang patuloy mong pag-aalipin sa puso ko. Para akong tumalon sa isang malalim na talon na sa pagbagsak ko mas marami akong natutuklasan syo. Ano pa bang nalalaman mo na hindi ko pa alam?"

"Nasaan ang kahulugan ng pagtutuklas kung napakadali lamang malaman ang isang bagay?"

"Mahal na mahal kita Adelina."

"Mahal din kita Simon."


Hinalikan nya ako ng buong suyo na para bang sa unang pagkakataon pa lamang kami naghalikan. Ito ang araw na naramdaman ko ang pagmamahal ng aking asawa at buong lugod kong ibigay sa kanya ang aking pagmamahal. Ang pamilya namin ang pinakamahalaga sa akin at gagawin ko ang lahat para protektahan ang pamilya ko. Matapos naming ipakita ang pagmamahalan namin ay nanatili kaming yakap yakap ang isa't isa.


"Alam mo ba mahal ko iniisip kong turuan na kayo kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili ninyo kung sakaling malagay kayo sa panganib at wala ako sa tabi ninyo o ang mga bantay ninyo. Natutuwa ako at marunong ka na pala. Si Alejandra na lamang ang pagtutuunan ko ng pansin."

"Huwag ka ng mag-alala at naumpisahan ko na syang turuan."

"Salamat mahal ko."

Hinawakan ko ang kanyang mukha, "Walang anuman mahal."
















HABAKWhere stories live. Discover now