NOL - Chapter 17

Magsimula sa umpisa
                                    


LAREEN'S POV

Hanggang ngayon ay tulala pa rin akong nakatingin sa kisame. Mabilis ang tibok ng dibdib, kasing kabado nung pagtakas ko sa mansion. Sinampal sampal ko ng mahina ang mukha ko para magising ako sa katotohanang hindi ito pwede. Hindi talaga.
"Lareen, ngayon pa ba?!! Magulo na paguguluhin mo pa?!" sermon ko sa sarili ko. "Hindi pwede, hindi pwede...hindi pwe –
"Anong hindi pwede?"
Napabalikwas ako ng makita ko si Ate Madel sa tapat ng pinto ng kwarto. Nakatingin sa akin at naguguluhan.
"Huh??"
"Hm? –
"Ah..eh" umayos ako ng upo at huminga ng malalim. "Ba't ang aga mo?"
"May bisita ka" sabi niya at ngumuso palikod. Tumayo ako at sinilip kung sino ang tinutukoy niyang bisita.........si Tep.
Mabilis akong pumunta sa likod ng pinto. "Ba't siya andito?" halos pabulong kong tanong.
"Binibisita ka" sabay kindat.
"Nanaman? Bakit?" halos puro hangin lang ata ang lumabas sa bibig ko.
"Magaling ka na kahapon pero di ka pa pumapasok...labasin mo na..."
"eeee..." actually di ko talaga alam ang sasabihin ko kung bakit hindi ako pumapasok. Anong sakit ba dapat ang idahilan ko?
Pinandilatan ako ng mata ni Ate Madel. Napakamot ako sa ulo. Hindi sa ayaw kong bumibisita dito, nahihiya lang ako dahil halos hindi na ako pumapasok sa trabaho. Isang hingang malalim pa at tuluyan na akong lumabas.
"Hi Sir"  marahan kong bati.
Tumayo siya at ngumiti. "I thought papasok ka na kanina"
Ngumiti ako. "Sorry kaso – " napakamot ako sa ulo. Wala kasi talag akong maidahilan.
"It's okay... I just wanted to make sure you're okay"
"Okay naman po ako. Sana Sir di na po kayo nagabalang dumalaw"
Ngumiti lang siya. Kung ganito lang sana si Arkin.......
"Ah kasi...nakakahiya naman po sa inyo"
"Don't worry, wala sa akin yon...anyways you look okay naman na kaya aalis na ako" sabi niya.
"Ay...sir – " feeling ko naooffend ko siya. Natutuwa ako kay Tep kasi kahit na alam niyang mahirap si Reena, pinapakita niya yung pagkainterest niya dito. Ika nga, si Tep kaya niyang languyin yung strangest sea......o mag-yate pasulong dito. Reena is obviously out of Tep's league...but Tep doesn't mind. What a fairytale-like story.
"May pupuntahan talaga ako, dumaan lang ako just to check you out"
Ngumiti ako. He tapped my shoulder. "Pinag-day off ko na muna si Auntie Delia para may makasama ka. Baka kasi walang nagaalaga sa'yo kaya hindi gumagaan ang pakiramdam mo eh"
Tuminingin ako kay Ate Madel, kindat lang ang ginanti niya.
Para tuloy akong naguilty. "Thank you" I grab his hand. "Thank you" I repeated and he smiles.
Para naman makabawi at inihatid ko siya sa labasan hanggang marating namin ang kotse niya. Pagkaalis niya ay don pa lang ako nakahinga ng maluwag. Masyadong magulo ang utak at puso ko kaya parang kahit na anong pilit na ientertain ng utak ko si Tep ay kusa itong nirereject...isa lang kasi ang lalakeng halos maghilata sa utak ko....si.....Arkin.
Speaking of Arkin, pabalik na ako sa kwarto namin ng makita ko siyang nasa tapat ng pintuan nila. Ang lalakeng takot languyin ang strangest sea. Nakasandal siya sa pader at nakatukod ang isang paa. Bahagya siyang nakayuko at nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay tumingin siya ng patagilid. Parang gusto kong mapaso sa tingin na yon. Parang sinimento ang binti ko at mga paa. Yung kaninang mapagbirong si Arkin, naging astang Mrs. Tomas na naman.
Titigan. Yon ang ginawa namin, yung parang lahat ng nasa loob ko pinaadaan ko sa mata ko papunta sa kanya. Sana natanggap niya ang mensahe ko. "cause it's frightening to be swimming in this strange sea  but i'd rather be here than on land"

Arkin, can we swim to that sea together? Hand in hand we jump? Then I lost myself again. Lareen, you cannot jump....maybe Reena can....but you can't...you just can't.
Magsasalita sana ako ng bigla siyang pumasok sa loob ng kwarto nila. Parang gusto kong mapahiya sa sarili ko dahil padabog niya pang isinara ang pinto. Doon lang ako nagising sa ulirat ko. Arkin.......
Hahakbang na ako papasok ng biglang lumabas si Andoy.
"Inaway mo?" nagulat ako sa tanong niya.
Umiling ako.
Tumingin siya saglit sa loob ng kwarto nila at nag-make face na lang. Naguguluhan siya, sino bang hindi?
Buong maghapon ko ng hindi narinig si Arkin. Naabutan ko siyang kalaro si Pia ng saglit pero hindi man lang ako tiningnan at umalis ng palapit na ako. "Nag-away po ba kayo?" tanong ni Pia nung minsan ko silang nilapitan pero nagmadaling umalis si Arkin. Umiling ako. "San ka nga pala ng dalawang araw? Parang hindi kita nakikita?"
"Ah iniwan po ako ni Mama kay Tita Fe. Hindi po kasi siya makakauwi"
"Bakit hindi ka na lang don tumira? At least doon may kasama ka kesa dito"
"Ayoko po don. Hindi ko po sila bati kasi inaaway po nila ang Mama ko"
"Nasaan na yung Lola mo? Dapat don ka na lang sa kanya para naman may magaalaga sa'yo"
Umiling siya. "Don po si Lola nakatira kay Tita Fe. Masungit po yon, ayaw niya po papuntahin si Lola dito" kumunot ang nook o sa mga naririnig ko kay Pia. Sino kaya itong Tita Fe na ito at parang napakadamot naman niya. Napakaliit naman ni PIa, kung yung pagkain yung iniisip niya at bakit pati ang Lola nito ay pinagbabawalan nitong pumunta kina PIa? Bata pa si Pia at sa edad niya ay dapat may tamang pagkalinga itong natatanggap.
Naupo muna ako sa tapat ng tinda-tindahan ni Pia. "Dapat may nagaalaga pa sa'yo, baby ka pa e"
Ngumiti siya. "Bago po umalis si Mama, naliliguan niya na po ako, tapos po nagluluto na po siya"
Kahapon nakasalubong ko ang Mama ni Pia. Hindi man lang niya ako nilingon, mukha siyang pagod na pagod. "Tapos po si Kuya Andoy po at Kuya Arkin, binibigyan po ako ng pagkain"
I nod at hinawakan ang buhok niya. "MInsan samin ka na lang kumain huh? Para may kasabay ako, pwede ba yon?" tumingin siya sa akin. "Hindi kasi ako sanay ng kumakain ng mag-isa. Sabayan mo ako huh Pia? Nalulungkot kasi ako pagmag-isa lang ako"
Ngumiti siya at yumakap. "Wag na po kayong malungkot. Lagi po kayong sasabayan ni Pia" humiwalay siya at nag "OK" sign.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon