"Like me?"

Ngumiti si Roiri. "I'm sure she was reminded by her own past by just looking at you." Hindi ako kumibo. Naiintindihan ko siya in some ways kaya gusto kong patunayan sa kanya na hindi nagkamali si Keeper ng babaeng minahal.

MUKHANG nakabuti ang pag-uusap namin ni Dame dahil sa sumunod na mga pagkakataong nagkasabay kami sa pagdalaw kay Keeper ay hindi na niya ako pinagalitan. Hindi man niya ako kinikibo, hindi naman siya hostile sa akin.

Dahil sa nangyari kay Keeper, nagkaroon ng bonding time ang mag-anak sa ospital. May kanya-kanyang schedule ang mga ito pero mas madalas na si Lan ang kasabay ko. Salitan naman kung magpunta sa New York sina Ate Roiri at Kuya Donnar para sa negosyo.

Isang gabi, kami ni Lan ang nasa ospital. Binabasahan ni Lan ng story si Keeper. Around nine o'clock ay natapos ito.

"Keeper, I miss you," narinig kong sabi niya kay Keeper saka humalik sa pisngi ng kapatid. "I'm sorry. Kasalanan ko. Ako ang dahilan kaya naririto ka ngayon," and she began to cry. Kani-kanina lang ay nakaabot sa amin ang balitang nakakulong na si Lionel Carver, ang lalaking minsang minahal ni Lan at nanakit dito. Ang lalaking ka-drag racing ni Keeper. Napuruhan ito sa drag racing. He survived but he's now in prison. Talagang ginawa ni Keeper ang lahat para magbayad ang lalaking iyon pero ang kapalit ay ang buhay din niya.

Apektado si Lan. Apektado ang buong pamilya. Nakakalungkot isipin na sa ganito nagtapos ang lahat.

LUMIPAS ang mga linggo at naging mga buwan. For more than half a year, nanatiling tulog si Keeper. Inuwi na siya sa bahay at doon na inaalagaan. May oras ang pagdalaw ko sa kanya. Kapag wala ako sa bahay nila, nasa school ako. Bumalik ako sa pag-aaral pero it's Culinary Arts na. Iyon ang naging suggestion ni Lan para raw may pagkaabalahan ako. Doon ko iginastos ang iniwang pera ni Daddy para sa akin. Whenever I have time, tinuturo ko kina Lan at Ate Roiri ang mga natutunan ko sa Culinary School. It was our bonding time. Also for many months, Dame Andromache tolerated my presence in her home. Hindi ko siya naringgan ng masasakit na salita pero hindi pa rin niya ako pinapansin.

"Nakakainis!" palatak ni Ate Roiri habang kumakain ng niluto kong adobo sa dining room. "Bakit ang galing mong magluto tapos ako hindi?"

"Practice makes perfect," sabi ni Lan.

"Nagpa-practice naman ako ah."

"Stars are born, not made." Pinandilatan ito ni Roiri. Donnar chuckled while eating. For few months also, para akong nagkaroon ng mga kapatid sa katauhan ng tatlong ito. Ngayon ko naiintindihan kung bakit mahal na mahal sila ni Keeper.

After few minutes ay nagpunta na ako sa kwarto ni Keeper pero bago pa ako makapasok ay nakita ko si Dame na nasa tabi niya at nagbabasa ng story. Huminto ito at tinitigan ang anak.

"Naalala mo ba 'yong binasa kong story sa'yo noong bata ka pa? It told a story of a father who lost his son in a war. Achilles Perseus, you are my warrior-son but God knows I always worry about you. I worry about the time that you won't be able to go home alive because no parent should bury their child. I already witnessed my two husbands died before me and I would never want the same thing to happen to any of my children. Please, wake up. Everything will be fine. Mama already forgave you," lumuluhang sabi ng dame and kissed Keeper on the forehead.

Hindi ko maiwasang maluha. Nasasaktan ako para sa Dame. Siya ang pinakanahihirapan sa lahat. Nagtago ako nang lumabas siya sa silid. Nang makaalis ang dame ay pumasok ako sa kwarto. Naupo ako sa tabi ni Keeper. Tiningnan ko ang itsura ng lalaking mahal ko. Para lang siyang natutulog and through dextrose ay nagkakaroon ng supplement ang katawan niya but then, he became thin and pale.

"Hello, most handsome man in the whole wide world," bati ko sa kanya. "Hindi ka pa ba napapagod matulog diyan?" Still no response. I started telling him about my day. Kwenento ko sa kanya ang tungkol sa mga kapatid niya. Kwenento ko rin ang tungkol sa mga pagkaing kaya ko ng lutuin. Then I read stories and poems to him. Ilang libro pa ang babasahin ko para magising siya? Ilang tula ang bibigkasin ko para imulat niya na ang kanyang mga mata?

AchillesWhere stories live. Discover now