Chapter Eighteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Minsan tinanong ako ni Keeper na kung meron akong gustong baguhin sa nakaraan ko, ano iyon at bakit? Hindi ko siya nasagot pero may sagot na ako ngayon. Wala akong babaguhin. 'Yong pagpapahiya ko sa'yo ng ilang beses sa school at sa pagkakakulong mo sa C.R. ay hindi ko pinagsisisihan," sabi ko. Umigkas ang kilay niya sa narinig. "Gagawin ko pa rin ang lahat ng iyon and I will be the bitch of all bitches kung 'yon lang magiging paraan para makilala ko siya at makasama."

Mahina siyang natawa. "That makes sense. So, saan ka humihingi ng sorry?"

"I'm sorry dahil minahal ko ang kuya mo. Hindi ko sinasadya. Hindi ko kasi in-expect na napaka-lovable niya. Sorry din dahil siguradong makakagulo ako sa pamilya ninyo."

"Silly pero kung ikagagaan iyon ng loob mo, then you're forgiven. Ipangako mo lang na paninindigan mo ang pagmamahal mo kay Keeper kahit ipalapa ka pa ni Mama sa leon."

"I will."

"Good." Tumingin siya sa akin. Ngumiti na ako. Ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko. Hindi ko akalaing mangyayari ito.

"Okay na kayo?" tanong ni Donnar na kanina pa pala kami pinapanood.

"Wala naman kaming problema," sagot ni Atalanta.

"Tayo ang magkakaproblema kapag nalaman ni Mama ito. I can't afford to ruin her trust this time," sabi ni Donnar

"Ginawa na natin ito noong ang issue ay kami ni Raphael. Sinuportahan tayo ni Keeper

kahit alam niyang madadamay siya sa galit ni Mama. Why not help him ngayong siya naman ang may kailangan?" sabi ni Atalanta saka ako tiningnan. Parang gusto ko siyang yakapin sa sobrang tuwa. Sa dami ng kalokohang ginawa ko sa kanya, tutulungan niya pa rin ako.

"I believe she already know," sabi ni Donnar saka tumingin sa akin. "Prepare yourself. This won't be easy for you." I nodded. Nakahanda na ako.


ILANG gabi akong hindi nakadalaw kay Keeper dahil ilang gabi rin na si Dame Andromache ang nagbabantay sa kanya. During those times ay walang storyteller si Keeper kaya nakiusap ako kay Kuya Donnar na ito ang magbasa ng story para sa kanya. Pumayag naman ito. Even Roiri and Atalanta promised to do the same. Ayaw ni Donnar na tawagin ko siyang master. Even Roiri insisted na tawagin ko na lang siyang 'ate'. First name basis kami ni Lan. Mas matanda siya kesa sa akin pero ayaw niyang magpatawag na 'ate'. Mas mukha naman kasi raw siyang bata kesa sa akin. Hindi na lang ako umangal since totoo naman.

I really look older than my age. Walang make-up. Simple ang suot na damit. So plain but I feel more comfortable now. Dahil gabi kung magbantay si Dame, may mga pagkakataong dumadalaw ako sa umaga. Minsan ay nakakasabay ko sina Ate Roiri at Lan. Inilipat na rin sa recovery room si Keeper. Ligtas na ito but still in coma.

"Grabe, ang galing mo talagang magluto. Naaalala ko tuloy ang mga luto ni Mama," sabi ni Ate Roiri habang kumakain ng niluto kong Paella. Sumang-ayon si Lan. "Dapat turuan mo'ko para naman maipagluto ko 'yong doctor sa pediatrics department."

"Sino'ng doctor?" tanong ni Lan habang nakikikain.

"Si Dr. Hector Valdez ng Pediatrics Department," sagot ko.

"His name sounds familiar. Nagkita na ba kami noon, Roiri?" tanong ni Lan sa ate nito.

Hindi sumagot si Ate Roiri. Ilang beses ko ng nakita ang doctor. Malapit sa room ni Keeper ang pediatrics department. Gwapo iyon at matikas. Mabait din.

"Si Dr. Valdez ay resident doctor dito at minsan, may batang babae siyang kasama, ang pamangkin niyang si Russia." Biglang may kumatok. Bumukas ang pinto at may pumasok na batang babae. Speaking of the kid, heto na.

"Is he awake already?" tanong ng bata.

"Not yet," sagot ko.

"Is his princess not here yet? She should start kissing him," sabi ng bata. Natawa tuloy kami. Her lips pouted. "But that was a prince did to a sleeping princess. I guess it will work."

"Where's your uncle?" tanong ni Roiri sa bata.

"In his clinic. Why?"

"I want to see him. C'mon," at inilabas na nga nito ang cute na bata.

"Oh!" bulalas ni Lan. "Hector Valdez! I remember now. I need to be sure," at lumabas rin siya ng kwarto. Kung minsan talaga ay napaka-unpredictable ng mga kapatid ni Keeper. Nagpapasalamat na lamang ako dahil nagawa nila akong tanggapin sa kabila ng pangit kong nakaraan.

Lumapit ako kay Keeper. Ilang linggo na ang nakakaraan mula ng maaksidente siya at ma-coma. Wala akong ideya kung ano ang nangyayari sa kaso niya pero alam kong inaasikaso iyon ng pamilya niya. Kaya nga lang, nananatiling walang malay si Keeper. His physical wounds are healing yet nobody knows what will happen if he wakes up or if he will ever wake up again.

"Kapag hinalikan ba kita, magigising ka na?" naitanong ko. "Kung ganon lang iyon kadali, I won't mind kissing you as many as you need until you open your eyes and you smile at me once again." He didn't respond. Sa mga ganoong pagkakataon ako pinakanasasaktan.

Iniligpit ko ang mga dala kong food container. Hindi ako pwedeng magtagal doon dahil baka maabutan pa ako ni Dame. I texted Lan that I'll be going. Malamang pabalik na 'yon sa room ni Keeper. Pagbukas ko ng pinto ay para akong itinulos sa kinatatayuan ko. Kinabahan ako pero hindi nga ba't matagal na akong nakapaghanda sa oras na magkita kami ulit?

"You," her voice was stern and she looked like a lioness in protective mode.

"Good day, Dame Andromache Haven."


AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon