"Yung lumang library malamang" Sabi niya sa akin.




"Pero bawal daw tayo dun 'di ba?" Tanong ko.




"Wala tayong mahahanap kung hindi tayo pupunta doon." Sabi nito sa akin. Medyo kinakabahan ako pero sumangayon rin ako sa balak niyang gawin.





"Saglit lang may naiwan yata ako sa library" Sabi nito sa akin.





Nung pabalik na sana kami ay bigla na lang nahulog yung phone niya.





"Ayan hindi kasi nag-iingat" Sabi ko. Pinulot ko yung phone niya. Chineck ko kung okay pa siya may crack ito at nung makita ko ang wallpaper ni Prince ay nagulat ako. Picture nila yun ng ate niya at yung crack ay doon sa may part ni ate Gayle lang.





Kinuha niya yung phone niya sa akin at biglang napatingin sa akin.




Bigla akong kinabahan. May masama kayang nangyari sa kanila?





Daniel's POV





Kakaalis lang ng bus galing sa stop over. Hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan yung nakita namin kanina. Akala ko ba mahal niya si Gayle? Nasiraan na ba ng ulo iyong si Francis?




Tinignan ko si Gayle na nakatingin sa malayo. Siguro sobra siyang nasasaktan ngayon. Sana lang talaga maging maayos na siya ngayon.




"Princess!"




Nagulat ako nung may napasigaw. Si Nhice 'yun a? Nakita kong pati si Jeric at Gayle ay nagulat rin. Nagkatinginan kaming tatlo.




"Princess!" Ginapang ng kaba ang buong sistema ko. S-Si Princess?





Agad kaming tatlo na pumunta sa kinaroroonan ni Nhice at Princess.





Nakita naming namumutla ito at nanginginig.





"Anong nangyari?" Tanong ni Gayle kay Nhice.





"K-Kanina lang magkausap pa kami tapos maya-maya napansin kong hindi na siya nasagot sa tanong ko. Nakatulala na lang siya tapos biglang namutla" Paliwanag niya sa amin.





Pinagpapawisan ito at mukhang balisang balisa.





"Princess? Anong problema?" Tanong ni Gayle. Kinuhaan siya ni Nhice ng towel sa bag at agad pinunasan ang pawis niya.





"Pinagpapawisan siya ng malamig" Sabi ni Nhice.





Mas lalo itong naging balisa. Tumitingin ito sa kanyang kaliwa't kanan. Her fists are closed. Mas lalo pa itong nanginig.





Bigla na lamang akong tinaasan ng balahibo. Pagkurap ko kasi'y bigla na lamang nag-iba ang itsura nito. Y-Yung bata. Pagkurap ko muli'y bumalik ito sa dati. Pakiramdam ko ay tumaas ang lahat ng balahibo ko.





"Princess?" Hahawakan na sana siya ni Gayle nung bigla itong lumingon sa kanya at ngumiti ng nakakaloko. Bigla na lamang tumagilig ang ulo nito at sa hindi namin inaasahan, nagsalita ito ng may kakaibang boses.





"Mamamatay kayong lahat dito." Wika niya at bigla na lamang itong nagwala.





-----------




A/n: New book cover.


FIELD TRIPWo Geschichten leben. Entdecke jetzt