Chapter 26: Lamentations and Revelations

6 0 0
                                    

Punong puno ng pagkadismaya si Vixen sa hindi pakikipagusap ng maayos ni James. Tinungo niya ang banyo at nagshower dahil sa inis na kanyang nararamdaman, samantalang si James ay lumabas. Matapos ay lumabas siya ng nakatuwalya ngunit agad siyang umatras pabalik ng makita si James na nakasuot pakapantulog. Ngunit, hinabol siya nito pero hindi siya naabutan.

"Tigilan mo na ako. Lumabas ka na ng kwarto.!!" Sigaw ni Vixen

"Hey, open it. "

"Baliw kana!"

"Ok. Sige magbihis kana. You can't push me away ,Vix."

Nagbihis siya ng dati niyang damit dahil hindi siya makalabas ng nakatuwalya lang.

Nakita niya si James. Nakaupo ito sa maliit na sofa sa tabi ng kama.

"Umaasal ka na parang isang batang na nagagalit kapag hindi napagbigyan ang gusto mo."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ako ang argabyado dito. Ako ang ikukulong mo sa mansyon naito. Hindi ako pinanganak para sa iyo. Pinuwersa mo ako na maging mistress mo, sa takot ko na may gawin kang masama sa pamilya ko eto ako nakasadlak sa impiernong lugar na ito." Sabi ni Vixen sa sobrang galit.

Hindi nakaimik si James sa mga sinabi ni Vixen.

"Sa tingin ko may malala kang sakit diyan sa utak mo..Nakakatawang isipin lagi kang nag sosorry sa tuwing gagawan mo ako ng masama. Ngayon, kumapal na ang mukha mo."sunod pa niya

Tumayo si James at lumabas ng kwarto. Naiwang galit na galit si Vixen.

Vixen POV

Ayoko na siyang makita. Ayoko ng gamit gamitin lang niya ako. Nais ko ng umalis dito sa lugar na ito. Bakit ba may mga taong ganyan? Ganito ba ang uri ng buhay ng mga matataas na opisyal ng Sentinel?

Tinungo niya ang terrace dinungaw niya ang baba. May taong nakabantay. At tiningnan niya ang mataas na gate na animo'y rehas sa bilangguan.

"Bakit ba ako nasadlak sa lugar na ito? Sana isa akong malayang sundalong ginagawa ang tungkulin sa colony. Hindi! Isa akong sex slave ng mataas na opisyal. May nagawa ba akong mali at ako pa ang napagdiskitahan ng James na iyon.!" Lamento ni Vixen

Unti unting umagos ang kanyang luha. At nanghina ang kanyang mga tuhod. Naisip niyang tapusin na ang kanyang buhay sa pagtalon ngunit, may pwersang pumipigil sa kanya.

Bumalik si Vixen sa kanyang kama at itinulog ang kanyang nararamdamang galit at pagnanais na kumawala sa pagkakaalipin sa kanya ni James.

Sa kwarto ni James

Umupo siya sa kanyang kama at nakita niya ang picture frame kung saan makikita ang kanyang picture noong 7taong gulang pa lamang siya. Kalong kalong ng isang babae ang isang sanggol.

"Mama, am I bad person for her?...but, yes I'm already did many dirty things. I've killed people who wants to know my connections to the org..even killed the innocents lives for the sake of my mission."

Ang nasa picture ay kanyang ina na napatay bago pa man siya dalhin sa Sentinel para magaral sa Military Academy. At ang nasa picture na sanggol ay si Allegra o mas kilala sa pangalan na Vixen.

Katulad nila Kenneth, Zach, at Julia. Isa rin sa mga batang iyon si Vixen, o Allegra kinuha siya sa mga magulang dahil sa tanka nitong tumakas o kumalas sa org. Ngunit, ng mga panahong iyon ay giliw na giliw sa kanya ang batang si James kaya sa pagpunta nito sa Sentinel ay ipinaalaga sa magasawang walang anak mga kasapi din ng Org.

Nabubuhay sa kasinungalingan at mga buhol buhol na kapalarang unti unti ng lumilitaw.


Vixen:The Winter FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon