Chapter 21: The jerk is around!!!

7 0 0

Napasandal si Julia sa kanyang kinauupuan. Matapos marinig ang masamang balita.

Julia POV

Oh..My..God!..No..Its..not..happening!..si Uncle. Patay na siya. Hindi!!!!

Napakuyom ang mga palad niya at padabog niyang ibinagsak. Nanginginig at ang mga luhang nagbabantang umagos..

Nanginginig niyang idinayal ang numero ni Matt.

"Hello."

"Hayop siya....magbabayad siya.!"

"Julia, calm down!...Nabalitaan ko ang nangyari sa Uncle mo.Naiintindihan kita sa nararamdaman mo. Maraming galit sa atin!"

"No!..isang tao lang ang pwedeng pumatay sa uncle ko!"

"Ano? si Zach!.."

"Oo. Siya lang. Matt magbabayad siya!"

"Ok. Nasan ka ngaun?. Pupuntahan kita."

Tinungo ni Matt ang kinaroroonan ni Julia. Hindi nya gustong makita ang walang buhay niyang Uncle nais niyang patayin ang taong pumatay dito. Ipinagmaneho siya ni Matt sa isang resthouse nila sa may tabing dagat.

Basang basa parin ang mga mata ni Julia sa luha ngunit patuloy parin ito sa paginom ng alak.

"Ms. Julia...hindi ako sanay ng nakikita kang ganyan! Stop that.." Inagaw ni Matt ang bote ng alak kay Julia.

"Hindi ko kayang harapin ang lahat ng ito. Sa tingin mo anong gusto niyang iparating sakin..pipigain niya ako para sabihin ko kung nasaan ang kapatid!!"

Hinawakan ni Matt ang magkabilang balikat ni Julia.

"Ms. Julia, kaya mo pa bang ipaglaban si Kenneth? Kasi kung ganyan ka...baka kapag napatay si Kenneth baka hindi mo kayanin.!"

Napatingin si Julia kay Matt.

"Gagawin kong lahat para maprotektahan si Kenneth. Kahit buhay ko ang maging kapalit.!"

"Nasa gitna tayo ng repormasyon...o pwedeng maging madilim sa atin ito. Kung sasangayon tayo sa bagong pamumuno ng Org elder mabubuhay tayo pero kung sasalungat tayo matutulad tayo sa iyong Uncle."

"Anong ibig mong sabihin.?"

"Malamang hindi pumayag ang iyong Uncle sa desisyon ng elders kaya ipinapatay siya. Mayroong kakayahan ang bawat isang Elder na maghire ng Reaper para ipagtanggol at pumatay para sa kanya hanggang makuha niya ang boto ng ibang elder. Kung si Zach ang Reaper ginagawa lamang kung anong inuuutos sa kanya...Julia kapag may sumunod na mamatay na elder isa lang ang ibig sabihin niyan naghain ang isang elder ng repormasyon para sa isang mamumuno."

Natahimik silang dalawa. Mas matagal ng nagsisilbi si Matt sa Org para kay Ms Rosalia, isa sa walong elder.

"Nais kong makausap si Rosalia sa mga katanungang gumugulo sa isip ko.!" Sabi ni Matt

Naiwanan sumandali si Julia. Kinuha niyang muli ang alak at uminom.

Sa Sentinel

Gabi, nakahawak si James sa isang basong alak habang naglalakad sa veranda. Napansin niyang bukas ang kwarto na tinatawag na training room. Tinungo niya iyon para isara dahil baka naiwan nanaman itong nakabukas.

Ngunit si Vixen ang naroon. Sinusuntok niya ang punching bag. Seryoso itong nakatingin sa kanyang sinusuntok kaya hindi niya napansing naroon si James.

"Vix, hindi ka pa ba pagod? All day sa office tapos training sa gabi. Talagang ini-impress mo ako." Nakangiti at mukhang namumula na sa nainom

Tumigil si Vixen. Kinuha ang kanyang bimpo. Akma na siyang pa- aalis ng hawakan siya sa balikat at isandig sa pader.

"Join me please.." Sabi ni James

-------+---+------+-----+++---+++-

Dear Readers si James nagiging rude na..he's acting like a jerk!..yan nagagawa ng power..pero Hindi parin niya makuha si vixen. She's not pakipot para malaman nyo see on the next chapter...

Vixen:The Winter FlowerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!