Chapter 39: Lost Hearts

5 0 0

Muling nagkita si Kenneth at Julia sa isang tagong bar sa Guenwall. Pinilit ni Kenneth umiwas sa mga tanong ni Julia ngunit, lalo lang itong nangulit.

"Julia, stop asking me?"

"Nakita ko kayo...kasama mo ang fiancée ng Org leader..Bakit?"

"Wala nagkita lang kami hindi ko inaasahang pala kaibigan pala siya..nothings personal!"

"Niyakap mo siya, Kenneth. Dati bang kayo? O kayo parin hanggang ngayon. Lalo mong pinaliliit ang mundo mo..layuan mo ang babaing yan!"

Tumayo si Julia. At lumapit siya kay Kenneth hinalikan niya ito. Ngunit wala ng epekto ang mga halik na iyon.

"Stop. Your drunk."

"Mas magaling ba siya sa akin. Mas maganda? Kenneth !"

"Will you stop acting like a bitch?. Julia. Umuwi kana para maitulog mo na iyan."

Tumayo si Kenneth at lumabas ng bar ngunit, sa paglabas niya may taong nagabang sa kanya at siyay pinaputukan. Agad siyang nakaiwas at nagpaputok din. Ngunit, biglang nawala ang taong nagpaputok.

"Shit!.."

May mga taong tumakbo at pumasok sa bar sa takot na madamay.

Bago siya umalis ng bar nagmanman muna siya baka may nakaabang sa kanya. Nang masigurado niyang wala na ay umalis na siya.

Samantala sa Unit ni James, naroon ang hindi makatulog na si Vixen. Pinilit niyang unawain ang mga salitang sinabi ni Kenneth sa kanya tungkol sa kasal at pagpigil dito. Anong kayang gawin ng pagibig ng isang tiwalag na miyembro ng Org? Laban sa isang General at isang makapangyarihang miyembro ng Org...

Vixen POV

Kahit ilang beses kong isipin hindi ko kayang mapanatag sa mga sinasabi niya. Nais kong makawala sa mga kamay ni James pero saan ako pupunta? Gusto kong tanggapin si James ngunit sa tuwing nakikita ko si Kenneth nawawala ang pakiramdam na maayos sa pagaaral na mahalin ang isang tulad ni James. Mahal ko ba talaga siya o dahil niligtas niya ako kaya ganun kagaan ang loob ko sa kanya....

Hanggang bigla nalang sumulpot si James sa kanyang likod. Yumakap ito, at humalik sa kanyang leeg papunta sa kanyang balikat. Hinahapit ng mga kamay nito ang kanyang beywang. Huminto ito at bumulong sa kanya.

"Honey, Hindi ko na kaya pang tiisin ang pagiging tuod mo nitong mga nakaraang araw." Naging maghigpit ang pagkakahawak nito hanggang sa nakakapanakit na ito. "Honey, uma-min ka may iba bang umaaligid?

Humarap si Vixen at pilit kinukuha ang kanyang kamay.

"Nasasaktan ako. Bitiwan mo nga ako!"

"Sagutin mo ang tanong ko...Vixen. Ok na tayo diba e, bakit bigla nanamang ganito. Ano bang kulang? Pinagbigyan kitang lumabas dahil hiniling mo! Vixen."

Sobrang galit ang nararamdaman ni James. Binitawan niya ang kamay ni Vixen at sinundan ng sapak ito.

"Sobra na ito, James. Ayoko ng magpakasal pa. Hindi kita kayang makasama habang buhay!."

"Hindi kita pinapapili kung ayaw mo sa akin o gusto. Isa lang ang dapat alam mo ako ang masusunod sa lahat ng bagay. Ang kasal ay tuloy.."

Tumalikod si James at tinungo ang kusina at inilabas ang isang bote ng alak. Uminom siya, habang si Vixen ay napaupo sa sala. Masakit ang sapak na inabot niya kay James ngunit mas masakit ang pakiramdam na hindi na siya makakalaya o makakaatras sa kasal.

James POV

Sino ang lalaking iyon. (Naalala niya ang isang picture na kuha sa park ng isang taong inupahan niya para bantayan si Vixen). Kitang kitang magkayakap sila at naguusap ng parang matagal ng magkakilala. Akin ka lang at kamatayan ko lang ang solusyon para makamit mo ang iyong kalayaan.

Nilagok niya ng magkakasunod na parang tubig ang alak. At kumuha uli ng panibagong alak.

Tinungo ni Vixen ang kwarto at duon umiyak ng umiyak. Kinulong niya ang kanyang sarili sa mapait na katotohanang nakatali na siya kay James.

Ika 12 ng hating gabi, pumasok si James sa kwarto wala sa sarili. Nakita niya si Vixen na nakahiga at nakatalukbong ng kumot. Dahan dahan niyang nilapitan ito at inilabas ang isang laseta. Tinanggal niya ang kumot at nagising si Vixen puno ng takot dahil nakatutok ang maliit na patalim sa kanya.

"Maglaro tayo, Honey.. Halika!." Pinatayo niya si Vixen at pinaghubad.

Sumunod naman ito. Tinanggal niya ang pangitaas na damit niya. Hindi siya umiimik ngunit ramdam niya ang takot na pwedeng gawin ni James.

"Ganito ang nangyayari sa ayaw sa akin.."

Inukit ni James sa likod ni Vixen ang pangalan nito. Masakit ngunit hindi sumagot si Vixen. Isinunod pang iguhit ang pangalan niya...at ang date ng kasal.

"Yan..tapos na. Para kung may ginagawa sayo ang hayop na iyon makikita niyang akin kalang...!

"

Tumulo ang luha ni Vixen ngunit walang iyak na maririnig. May dugong umagos kaya kumuha siya ng bulak at alcohol. Lalong masakit ngunit ang lahat ay dinala niya ng buong tahimik...isinuot ni James sa kanya ang damit.

"Okay, magpahinga kana honey, good night."

Lalong umiyak si Vixen at nakatulog naman si James sa kalasingan.

Vixen:The Winter FlowerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!