Chapter 15: The future of the Org

7 0 0

"Bakit po ba tayo lumipat ng bahay?"

Tanong ni Selena kay Larry na nooy nagaayos ng kabinet.

"May misyon kasi ako. Isinama kita dahil walang magaalaga sayo. Ang kuya Kenneth mo ay may inaasikaso din!" Paliwanag ni Larry sa makulit na bata.

Matapos ang misyon ni Kenneth sa Auncle Bon na iyon naging mainit na siya sa ibang grupo na target din ang naturang tao. Naiwan si Kenneth sa Sirentown habang sila Selena at Larry ay lumipat sa kalapit na lugar ang Old Greenyard ang pinaka- neutral na bayan'. Maraming palayan at medyo mahirap ang buhay dahil kulang na kulang sa mga pangunahing pangangailangan ng tao.

Lumabas si Selena at nakita niya si Anthonia ang matandang pinsan ni Larry.

"Bakit po kayo magisa? "

"Mukhang ang bibo bibo mo!. Gusto mo bang isama kita sa pupuntahan ko."

"Opo. Pero saan po kayo pupunta? Kasi po magpapaalam ako kay Mang Larry."

"Sa palengke. Bibili ako ng makakain natin. Hindi pa kasi namumunga ang mga tanim kong gulay."

Nagpaalam si Selena Kay Larry. At ng pumayag itoy umalis at nagtungo sa palengke.

Sa Sentinel

Malulam ang kalangitan at walang kagitla gitla ay bumagsak ang ulan. Nang oras na iyon papalabas ng opisina si Vixen. Naglakad siya ng nakapayong ngunit lalo pang lumakas ang ulan kaya huminto siya sa isang waiting shed.

"Oooh oooh. Ang lakas ng ulan."

Muling sumagi na naman sa isip niya ang pakikipagtunggali kay Iko. Nabasa na ang kanyang green na pants. Ngunit lalo pang lumakas hanggang sa mamuti ang kapaligiran.

"Naku,..naabutan naku ng malakas na ulan."

Medyo malayo layo ang barracks na tinutuluyan niya. Muli siyang tumingin sa kanyang wrist watch at tumingala. Malakas parin ang ulan.

Ilang sandali pay may dumaan na pamilyar na kotse. Ang kotse ni James. Binukas ang pinto at pinilit niyang mapasakay si Vixen na pilit din tumatanggi.

"Please for God's sake get in the car"

Sa bandang huli ay sumakay narin si Vixen. Ngunit nakasimangot ito na kasing sama ng panahon.

Minaneobra ni James ang kotse papunta sa tinutuluyang barracks ni Vixen. Sa daan ni hindi man lamang nakuhang magusap ang dalawa. Tila nagbago na nga ang kani kanilang damdamin. Nag-play nalang si James ng music para hindi sila mabingi sa katahimikan.

Sumapit sa destinasyon si Vixen. Bumaba ito. At ngumiti ng bahagya si Vixen kay James.

"Thank you po Sir."

"Your always welcome."

At umalis din si James ng nakangiti.

Nang gabing iyon. Hindi mapakali si James sa kanyang kwarto. Tumayo siya at nag punta sa maliit niyang bar. Uminom siya ng alak.

James POV

She's really pretty. I really fallen over and over again. But, I can see in her eyes the fear of being attached to anyone.

Tumunog ang telepono. Isang masiglang tinig ang bumati.

"Hello."

"Son.."

"Hey..old man. Why the hell you call on me this late in the evening!"

"Anak. Your mission. Gusto ko lang ipaalala sayo na umakyat ka sa posisyon na yan para tumagal ang buhay ng ating iniingatang pangalan sa black market"

"Hindi ko kinakalimutan iyan Papa..sooner or later everything will fall on to each places.."

"Son, matanda na ako. We're 8 leaders on the highest place and soon your replacing me"

"OK...OK..l know that."

Ibinaba na ni James ang telepono. Uminom pa ito ng ilang tagay pa.

"The Org Future"

---++++------++++++-----++

Hello readers,

Haahahaha...I'm enjoying writing this book. Sorry for slow updates.

...hahaha. Vixen hate attachments how about Kenneth..

Vixen:The Winter FlowerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!