Chapter 19: Dark Age

8 0 0
                                    

Muling kinausap ni Julia ang kanyang tiyuhin tungkol sa pagpunta sa kanya ni Zach.

"Uncle, its ridiculous!.. Its too much!" Sigaw ni Julia

"Julia, he's just doing his job. When somebody betrayed us, that person will die.!"

Napaismid si Julia sa pagpapaliwanag ng kanyang tiyuhin.

"Julia, binabalaan kita wag na wag kang hahadlang sa mga misyon ni Zach, ayokong mapahamak ka." Babala ni Noah

"Uncle, kaya kong protektahan ang sarili ko."

"Alright, Alright.. Hija, kamusta sa Club?. I'd hoped that your doing this for the org. We need sometimes to forget our personal needs just to be safe."

"Okay naman. Nageenjoy naman ang mga so-called 'friends'. Uncle noong dinala ninyo ang magkapatid dito sa mansyon. Ulila na talaga sila?"

"Oo, nagtaksil ang kanilang mga magulang kaya kinuha sila bilang kapalit. Enough of this shit..."inis ni Noah balikan ang sandaling siya mismo ang pumatay at kumuha sa mga batang Zach at Kenneth.

Tatalikod na sana si Julia ng maaalala niya ang tungkol sa Reformation ng Org.

"Uncle, siya nga pala ano yung nababalitaan kong reform sa Org."

"Walang katotohanan iyon, magiging maayos din ang lahat."

Tinungo ni Julia ang kanyang tiyuhin at hinalikan sa pisngi.

Umalis si Julia sa Masyon naiwang nakaupo si Noah sa balkonahe. Hawak ang isang basong punong puno ng alak. Inalog alog ng kaunti at nilagok.

Isang pagbabalik tanaw ang pumasok sa kanyang isip.

....ang napakadilim na sandali

"Noah..nakikita mo ba ang ating kinabukasan sa Org?" Tanong ng kapatid niyang si Andrew, na ama ni Julia

"Oo, naman." Habang kinakasa ang kanyang baril

Sila'y nasa isang engkwentro laban sa ibang grupo ng sindikato.

"Naisip ko kasi si Julia, ang bata pa niya para ma mulat sa gantong buhay."

"Kuya, pagmamayari na nila tayo. Kapag umalis ka mamatay ka.!" Banta ni Noah

"Noah, hindi ko na kaya pang pumatay o mga nakakatakot na pamamaraan para mabuhay!'

"Kuya..." Napasigaw si Noah sa kapatid dahil may tama na ito ng bala sa kaliwang dibdib

Nabaril naman niya ang nakabaril dito. Agad niyang tinakbo ito.

"Kuya..k-kuya!"

Sumuka ito ng dugo. At ngumiti.

"Noah, ma-sa..ya nako. Mala..ya! Si Julia...wag mo si-siyang pa-bay-yaan.."

Nalagutan ito ng hininga. Maagang nawala ang ina ni Julia dahil sa panganganak. At ngayon isa na itong ulila.

Lumaki si Julia sa poder ni Noah, bata palang sinanay na niya ito at ng mapadpad si Zach at Kenneth mas lalong naging maigi itong magsanay. Hindi lingid kay Noah ang relasyon ni Kenneth at Julia, ngunit anong magagawa niya kundi balewalain ito..

Isang boses ang gumulat sa kanya na nagpabalik sa kanyang kasalukuyan.

Nakatayo ito sa kanyang gilid. Naglagay uli ng alak si Noah sa kanyang baso.

"Noah..long time no see!" Bati ni Zach

"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?."

"Nais ko lang magtanong! Pumapayag ka ba sa repormasyon?"

"At kung hindi papatayin mo ko? Ikaw pala ang hired reaper kung ganon?"

Tumawa si Noah at tumingin kay Zach na nooy nagkakabit na ng silencer.

"Kaming 8 ang bunga ng pagkakasundo ng mga pamilya. Bumuo ng Codes at nakipaglaban para sa isat isa. Ngayon sumapit na ang tinatawag na dark age sa Org."

"Bago kita patayin. May itatanong ako sayo?'

"Ano yun?."

"Ikaw ba ang pumatay sa kanila?"

"Totoo, ako nga. Ninais nilang maging malaya ngunit ang kasapi ng Org ay kailanman ay hindi magiging malaya maliban nalamang kung patay na ito."

Ngumiti si Zach," Hindi ko pagsisisihan na patayin kita". Kinalabit niya ang trigger bumagsak si Noah.

-------+++-------+++---------

Vixen:The Winter FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon