Chapter 28: The Confrontation

5 0 0

Lumapit si Vixen kay James. Na nooy abot ang tungga sa bote ng alak.

"Naguguluhan na ako. May kinalaman ka ba sa pagbabago ng buhay ko? Ngayon ko gustong malaman ang totoong nangyari sa buhay ko at buhay ng mga totoo kong magulang. Kahit sana yun ay hindi mo ipagkait sa akin." Pagmamakaawa ni Vixen. Habang lumuha siya.

"Hindi ako ang nagpabago ng kapalaran mo.. Our families are members of the Org. One of the leading syndicate. Your parents accept the code and simply break them when, they want to be free. They tried to left with you but, they got caught and killed..freedom means death, that's the code. I was 7 the first time I saw you. And I forced my father to get you. We live together and soon I entered the Military Academy, I ask Tita and Tito to adopt you...that's the truth that you want to heard..." Habang kinukwento ni James iyon patuloy niyang nilalagok ang alak na kamuntikan na niyang maubos.

Umugong ng umugong sa isipan niya ang mga sinabi ni James. Pati ang kanyang sarili ay hindi na niya kilala.

"Nabubuhay ako sa kasinungalingan. Gawagawa mo ang lahat. Hindi aksidenteng nagkakilala at naging malapit tayo noong ako'y nagaaral pa. Hindi isang aksidenteng nagkikita tayo ng hindi sinasadya. James, isa akong kabayaran sa pagtataksil ng aking mga magulang. James, org ba ang nagpapatay kay Iko? Kaya ba ako ang napili mong pumunta dun."

"Oo, Vix. Alam kong kayang kaya mo siya. Sinira niya tayo sa ibang supplier natin. Inutos ng elders na mamatay siya."

Tumalikod si Vixen. Akma siyang lalabas ng kwarto ng tawagin siya ni James.

"Wait, Vixen."

Himinto si Vixen at nagsalita.

"Nais kong makita ang puntod nila"

"Pagbibigyan kita kong yan ang magpapaluwag sa nararamadaman mo!"

"Ngayong alam ko na ang totoo. Bigyan mo ako ng oras para tanggapin kita. Sa ngayon nais kong makita ang puntod ng aking mga magulang!"

"Sige, be ready tonight we will go to Guenwall City."

James POV

I can't read her. She just simply ask the truth. Time to accept everything!. Vixen, ayoko ng mawala ka pa. Gagawin kong lahat maging akin ka lang.

Sa kwarto ni Vixen

Nagbabad siya sa shower at tinignan ng matagal ang sarili niya sa salamin.

Maraming bagay ang naglalaro sa isip niya tulad ng:

Kasapi ako ng Org....

Hindi ako totoong sundalo....

Ang mga magulang ko ay pinatay at ngayon ako naman ang nasa kasumpa sumpang kalagayan...

Hindi ko na kilala pa ang sarili ko...

Habang buhay na ba akong magiging mistress ng James na iyon...

Sino ba talaga ako?

Nais kong alamin ang totoo kong pagkatao...

Sa ngayon hindi pa magsink-in sa isipan niya ang lahat lahat. Ngunit kung yun nga ang totoo bakit pa niya tanggapin ang lahat at magsimulang muli o piliting maging malaya?

Nang gabing iyon sakay ng pribadong eroplano ni James lumipad sila papuntang Guenwall.

Katabi niya si James na tila walang kontrol sa paginom ng alak.

"Sir, kailangan ba talagang uminom ng marami."

"P-pabayaan mo na nga ako. W-wala ka namang pakialam sa a-akin dib-aa? G-gusto mo lang malaman ang lahat lahat."

"Oo. Dahil inilihim mo ang lahat. Sana hindi mo nalang ako ipinasok sa Military Academy gagawin mo lang pala ako isang mistress o isang parausan.."

"Its not my plan..you kept on running and refuse me. Its a extreme precautions...Vix, stop your childish actions!"

Tumahimik si Vixen dahil naga away nanaman sila.

Vixen POV

Nakalabas ako ng Sentinel...ayoko ng bumalik pa duon. Kasinungalingan lamang ang lahat. Mula pagkabata, mga pangarap at kagustuhan kong maging isang sundalo. Oo. Kabilang parin akong isang sundalo ngunit, ang pagiging kasapi ng Org ang bumubuo sa aking pagkatao. Anak ng mga tumiwalag na miyembro. Isa lamang akong tau-tauhan. Vixen, babaguhin ko ang aking katayuan sa pamamagitan ng lalaking nagmamahal sakin baka pati siya maintindihan ako at sa huli palayain ako.

Muli niyang tinitigan si James na nakayuko na sa sobrang kalasingan. Ilang sandali pa'y nilapitan siya ni Ivan. Malapit na silang mag landing sa helipad na pagmamay ari ni James.

Vixen:The Winter FlowerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!