Chapter 17: Friendzone

9 0 0
                                    

Ilang araw pa ang lumipas. Matapos ang paghahatid ni James kay Vixen hindi muna nagpapakita si James dito pagbabakasakaling gumaling ang sugat na idinulot niya kay Vixen noong nasa Sirentown sila.

Sa opisina

Naging close na rin ang dalawang kasamahan niyang nakaduwelo niya noong nakaraang linggo.

"Vixen, gusto mong mag-unwind tayo after ng work"

"Ha, saan naman?" Nilingon niya ito

"Dun sa Underground Club"

"Teka bawal tayo dun."

"Kapag siguro nakasuot ka ng uniform natin!" Sabay tawa nilang tatlo.

"Alam mo Vixen, grabe na at heavy na ang works natin. Kailangan din natin ito, kaya sige na pumayag ka na."

"Ok sige, after work!" Sagot ni Vixen

Pumayag si Vixen sa pagaaya ng dalawang bago niyang kaibigan.

Sa sentinel, may tinatawag silang UC or Underground club. Tipikal na Club ngunit walang ibang nangyayaring hindi maganda o away man o gulo. Well diciplined eka nga. May mga sundalo ngunit, kadalasan mga taga-colony lang ang pumupunta.

Makatapos ang kanilang duty umuwi sila at nagpalit ng kanilang damit.

Vixen POV

Casual Clothes!  Kahit naman magbihis ako ng ganto halata paring isa akong sundalo. Hindi ako ganon ka feminine kumilos.

Humarap siya sa salamin suot ang isang brown skirt, black sleeveless na pangitaas at boots. Inayos ang kanyang buhok at naglagay ng konting lipstick. Kinuha ang kanyang paboritong jacket.

Lumabas siya ng kanyang kwarto at nakasalubong ang dalawa pa niyang  kasama.

"Wow, mukhang ready ka na sa undercover mission mo ahh!"biro nung isa.

Kumibit balikat at tumawa lamang si Vixen.

"O, tara na." Aya nung isa

Nagtungo na sila sa nasabing Club.

Ilang minuto pa'y narating narin nila dahil sa bilis magpatakbo ni Aliah ng kotse.

"Vixen, were already here. Don't be shy. Isipin mo kahit strict ang propesyon natin kailangan din natin ito."

"Oo, nga naman. Pwede din ang ilang beses na paglabas." Dagdag nung isa.

Tumahimik lamang si Vixen. Ngunit, ang alaala ng pagpunta nila sa nasabing lugar ay nagpapaalala kay Kenneth. Ang lugar ay nahahawig sa Old Blue Bar.

Umupo sila sa isang pa-u shaped na leather seat. Umorder ng ladies drinks at ilang sandali pay nagsayawan na ang dalawang kasama ni Vixen habang siya'y naiwan at itinutuloy ang kanyang iniinom.

Inaaya siya ng kanyang mga kasama ngunit tumanggi at uminom nalang. Hindi niya namalayan na naparami na siyang nainom. May lumapit sa kanya, si James.

"Ginagawa mong tubig yan. Malalasing ka niyan!." Biro ni James

"Sir."

"Just James. We're on the outside of our profession. Can I join you."

"Sige po."

Medyo naging malakas na ang loob ni Vixen. Tiningnan niya si James naka-Tshirt lang ito na kulay gray at jeans. Dala dala ang isang boteng iniinom niya. Medyo madilim at disco lights lang ang liwanag. Tapos napangiti ito.

"Vix, stop looking at me like that."

"Sorry,"

"Its ok. Its nice place huh. Nakaka-burnt out din kasi sa office."

Uminom uli si Vixen. Tumawa lamang ito ng marinig ang 'burnt out' kay James.

"Mataas pala tolerance mo sa alak?"

"Okay lang. Minsan lang naman. Sir, thanks po the last time na isinakay ninyo po ako nung umuulan." Naging medyo madaldal na si Vixen sa dami niyang nainom.

"Look at you. Hey, don't get too drunk. They will smell you. You'll get in trouble." Banta ni James

"Its okay."

"Vix, you want to walk outside its really relaxing!"

"No, Sir!"

"Are you scared?. Don't be. We're friends right!,"

"Hindi naman ako natatakot. Okay, sige."

Lumabas nga sila. Patawa tawa si James sa lakad ni Vixen.

"Are you ok. Vixen!"

"Yes. Oo nga marami yata ako nainom."

Napatingin si Vixen kay James. Ngumiti ito.

"Tama ka, relaxing nga maglakad lakad dito."

"Sabi ko naman sayo!."

"So, this your routine every night?"

"Nope. Just tonight!"

Nang medyo malayo layo na sila sa lugar. Huminto sila sa isang bench.

"Vixen, This past few days...I tried to snob or even resist myself."

Hinawakan ni James ang kamay ni Vixen na noo'y medyo nanlalamig. Ngunit agad itong binawi ni Vixen.

"Sir, may mga kasama ako kailangan ko silang puntahan. Babalik ka pa ba dun?" Iwas ni Vixen

"Sandali sana pagbigyan mo ako kahit isa pang pagkakataon."

"Sir."

-------------++++-----+++

You left me hanging!!! Naks!!!si James talagang in-love. Pagbibigyan naba ang 'Jaxen' how about 'Kenxen'? E his still running pa e.!!!

Vixen:The Winter FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon