Chapter 37: Wedding Plan

4 0 0

Nagising si Vixen sa pagtabi sa kanya ni James. Halos anim na oras siyang nakatulog.

"Hey, Honey..I'm home. Let's eat."

"James...pagkain? Sinong may dala ng pagkain?"

"Let's eat, hindi mo na kailangang malaman kung sino ang may dala ng pagkain?"

Naisip niyang baka si Kenneth uli ang may dala ng pagkain. Kumain sila ng magkasabay ngunit, hindi tumitingin si Vixen kay James.

"Honey, kailangan na nating kausapin ang wedding planner. Mas maganda kung mas mapaaga ang kasal..what do you think?"

Nanginig ang mga kamay ni Vixen habang hinihiwa ang isang piraso ng steak. Napansin ito ni James kaya agad niya itong pinansin.

"Hey, ako na ang gagawa para sayo." Hiniwa ni James at inilagay sa plato ni Vixen. "Here."

Hindi na muli nagsalita si James. Natapos ang kanilang pagkain at naligo si Vixen. Nais niyang maglaho sa kanyang kinatatayuan ng marinig niya ang tungkol sa kasal. Lumabas siya at nakita niyang nakaupo si James sa may sala. Nang makita siya nito, tumayo ito at lumapit kay Vixen.

"Honey, namiss kita."

"James, masama ang pakiramdam ko." Inalis niya ang kamay nitong nakapalupot sa beywang niya.

"Bakit ka ba ganyan? Nagbabago kana nanaman. Vixen, nagbabago ako para sayo. Sana naman mag effort ka naman.?"

"Masama lang ang pakiramdam ko. Gusto ko lang magpahinga...sorry James."

Tumalikod si Vixen kay James. Maluha luha ito sa bigat ng kanyang kalooban. Kumuha siya ng isang bote ng alak at nagsimulang uminom. Hindi siya nilapitan ni James dahil sa masama ang pakiramdam nito.

Sunod sunod ang lagok niya.

Vixen POV

Gusto kong itama ang lahat pero anong kaya kong gawin. Anong laban ko sa taong iyon, sa kabilang banda nais ko siyang mahalin at intindihin pero iba ang nais ng puso ko. Gusto kong magmatigas at gawin ang lahat ng paraan para maging malaya....

Sa ilang bote niyang nainom. Nagcollapsed na siya sa kanyang kinauupuan. Napadukduk sya sa lamesa. Ilang sandali pay nakita siya ni James. Binuhat siya patungo sa kanyang kama. Napailing nalang ito.

Sa kabilang banda nasa isang pagpupulong si Kenneth kasama ang ilang mersenaryo.

Nakinig siya ng mabuti at tinulungan niyang ilagay ang ilang tao sa mga lugar na pwedeng maging exit at trap.

Napasindi siya ng sigarilyo sa sulok ng veranda habang kausap ang isang kasamang mersenaryo.

"Bro, kapag napagtumba natin ang Org..magpapatuloy ka parin ba sa trabahong ito.?"

"Ayoko na. Eto na ang magiging huling misyong gagawin ko. Nais kong mawala ang Org para makapagbagong buhay ako..."

"Paano ang kapatid mo?"

"Kaya niyang protektahan ang sarili niya..kung magkita kami siguro isa lang ang pwedeng mabuhay sa amin."

"Sa araw pala ng kasal ng Leader ng Org ang paglusob natin. Isa pala siyang heneral ng Sentinel tapos dito, siya ang may malaking pasugalan, night clubs at bentahan ng ilegal na gamot at armas."

"Kakaiba talaga sila. Wala ng tiyak at ligtas na lugar."

Kenneth POV

Sa araw na iyon pipilitin kong mabuhay para iligtas ka. Makakalaya din tayo at mabubuhay ng tulad ng mga normal na tao.

Umuwi siya sa bahay ng kanyang kaibigan na kasama sa mga magpapabagsak sa Org. Nagpahinga at lumagok ng ilang baso ng alak.

Tinawagan ni James ang wedding planner para simulan ang preparation para sa kasal.

Muli niyang tiningnan si Vixen. Himbing na himbing ito sa pagkakatulog. Hindi na niya tinangkang gisingin pa. Natulog na lamang siya sa mahabang sofa.

-------------------------------------

Naging maayos na sana ang pagsasamahan nila James at Vixen. Ngunit, ng magkita si Vixen at Kenneth nagkaroon na ng gap.

Lalong lumalamig sa Guenwall katulad ng mga puso nilang may mga kanya kanyang layunin.

Sino kaya ang makakatagal sa bagyong paparating.?

Vixen:The Winter FlowerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!